ARIANA "Ma'am Aria mukhang bad mood po tayo ngayon ah" sambit ni Theo habang nakatingin ito sa akin sa front mirror. Tinatahak na namin ang daan pauwi sa bahay namin na regalo ni Papa D. Kaya naman kasi wala ako sa mood dahil naalala ko ang pag iwan sa akin ni Dylan at mas inuna niya pang puntahan ang Michelle na yun. Di ko maiwasang sumama ang loob dahil ngayong araw na sanang ito ay ang paglilipat ng gamit niya sa kwarto ko. "Anong Ma'am Theo? Aria nalang. Mas matanda ka pa sakin e" inismiran ko siya. Tumawa naman ito ng mahina. "Oo na Aria, uuwi din yun si boss sayo kaya wag ka ng bumusangot diyan, di bagay sayo." anito. Pilit nitong pinapàgaan ang nararamdaman ko. "Eh kasi naman e, yung magaling mong boss pinagpalit ako dun sa Michelle na yun." nguso ko pa. Kay Theo ko lahat

