ARIANA Bumaba na ako upang magluto na ng agahan namin. Gusto ko kasi na may magawa man lang ako dito sa bahay. After all ay binabayaran pa din naman ako ni Dylan every month. Ayoko na may masabi siya sakin lalo na't kami lang dalawa dito at wala kaming kasambahay. Kasalukuyan na akong nagluluto ng bumaba naman si Dylan. Nakita ko na napatitig siya sa akin at bigla naman niyang iniwas ang tingin niya. Nakasuot ito ng formal attire at alam kung papasok ito sa opisina. "Kumain ka muna bago umalis, saglit nalang to." nagmamadali pa akong inilipat ang bacon at egg sa serving plate. Umupo naman ito sa hapag kainan at seryosong nakatutok sa cellphone nito. Inihanda ko na naman ang lamesa upang makakain na kami. Tumikhim ako para malipat ang atensiyon niya sa nakahandang pagkain. Akala

