ARIANA "You're four weeks pregnant Mrs. Grey" ang anunsiyo pa sa akin ng doctor. Nangilid ang luha ko sa mata ng marinig iyon. Tama nga si Valerie, buntis ako. Excited ako na kinakabahan dahil meron ng isang anghel sa sinapupunan ko. Magkakaroon na kami ng panibagong miyembro ng pamilya. Napatingin ako kay Dylan na nasa tabi ko't kita ko sa mga mata nito ang matinding galak at ningning sa magandang balita ng doctor. "Doc, pwede na po ba namin makita si baby?" ang tanong pa ni Dylan, yung excitement ng boses niya ay siyang nagpangiti sa doctor. "I'll recommend that we do the ultrasound probably at six weeks of pregnancy to hear the heartbeat of your child." anito. Tumango tango na lamang si Dylan sa sinabi nito. "Bumalik nalang kayo dito Mr. & Mrs. Grey next next week and by the way

