ARIANA'S POV
Sobrang sakit ng ulo ko kinabukasan. Bigla akong napatingin sa wall clock at mag aala una na pala ng hapon. Niligpit ko muna ang aking higaan at naghilamos. Pagkababa ko, nadatnan ko na kumakain na ang nanay at si ate.
"Gising na pala ang prinsesa natin" ani nanay Anita niya. Halatang galit ito base sa tono ng pananalita nito. Di ko naman masisisi si nanay dahil di ko na talaga matandaan kung anong nangyari sa akin kagabi sa bar. Palaisipan pa din kung paano ako nakauwi ng bahay.
"Good morn-- este afternoon po pala nay, te" Kumuha na ako ng pinggan at kubyertos saka nagsandok na ng kanin at ng makita ko na ang ulam namin na Nilagang Baboy ay mas lalo pa tuloy akong nagutom.
"Ariana Mae Montalban! anong pumasok dyan sa utak mo at naisipan mong magpakalasing! Balak mo bang magpakamatay sa kalasingan huh?!" ani nanay niya. Nagsimula na itong sermonan siya.
"Nay naman! Wag niyo naman pong bigkasin buong pangalan ko. Nakakahiya po yung apelido ko oh, Montalban parang lugar lang diyan sa Rizal." Sa totoo lang, binubully talaga ako dati nung High school dahil lang sa apelido ko pero katagalan nasanay naman na ako sa mga ito at sinasakyan ko nalang yung mga biro ng iba tungkol sa surname ko.
"Umayos ka Ariana!"
"Biro lang po Nay, alam ko naman po na mahal niyo ang nagbigay ng apelido na yan at siyempre kami din."
"Sino yung naghatid sa iyo kagabi? Hindi yun si Jerome! Sino yun?" Matigas na sambit ni nanay. Kilala na kasi nito si Jerome bilang boyfriend ko dahil hinarap nito ang nanay at ate ko nung nanliligaw palang ito sa akin. Botong boto ang pamilya ko kay Jerome dahil mabait, mayaman at papano may respeto ito sa akin. Sa loob ng 2 years ay hindi ako pinilit nito na makipagtalik dahil alam nito na meron akong pangarap sa buhay. Gusto ko muna na makapagtapos ng pag aaral para makahanap ng magandang trabaho.
"Nay di ko po kilala yun. Wala po akong natatandaan."
"Jusko pong bata ka! Nasa 4rth year ka na! Malapit ka nang makapagtapos saka ka palang magpapabuntis at hindi mo pa kilala? Ano bang problema mo Ariana, gusto mo bang matulad sa ate mo na nabuntis ng di kilala ang tatay ng anak niya huh?" Nakita ko si ate na napayuko dahil sa kahihiyan na sinabi ng nanay nila. Nahinto kasi ito sa pag aaral ng mabuntis ng isang estranghero tsaka iniwan pagkatapos.
"Nay wag niyo naman po isumbat ang pagkakamali na ginawa ni ate, tapos na po yun at binigyan niya naman po tayo ng anghel dito sa bahay. Ang cute cute kaya ng pamangkin ko" sabay tingin sa sala kung nasan ang pamangkin na si Macey. Tutok na tutok ito sa pinapanuod nitong cartoons sa T.V. 3 years old na ito at napakagandang bata, I wonder gwapo siguro ang ama nito.
"Ahhh basta pag ikaw nabuntis ipalaglag mo yan!"
"Grabe naman po kayo Nay napaka advance niyo po talaga mag isip! Di nga masakit ang pempem ko e so wala talagang nangyari samin nung lalaki na yun!" Labis akong nagpapasalamat sa lalaki kasi di niya pinagsamantalahan ang kalasingan ko.
"Birthday ko pala next week, imbitahin mo si Jerome" ani nanay niya na iniba na ang paksa.
"Nay hiwalay na po kami ni Jerome, nahuli ko po siya kahapon na may ka s*x na iba" Pag amin niya sa nanay niya.
"Yan ang napapala mo! Dahil diyan sa paniniwala mo na yan iniwan ka ng lalaki na yun. Magtatapos na yun sa kurso niya na Engineering Ariana, insured na sana yung future mo sa kanya ba't ba di mo mabigay bigay yang p*ke mo e mahal mo naman diba?"
"Nay, natatakot po kasi ako na baka pag nakuha niya na ang p********e ko e bigla nalang niya akong iwan gaya ng nangyari kay ate" Umiiyak na ko. Di ko talaga mapigilan dahil feeling ko mas kasalanan ko pa kung bakit naghiwalay sila ng lalaki.
"Bunso, tama lang ginawa mo. Don't blame yourself. Ginusto ng lalaki na yun na lokohin ka, kasi if he really loves you, hihintayin ka niya. Pàsensiya ka na kung nasaksihan mo ang mga dinanas ko sa buhay pero always remember bunso na di po tayo pareho. Hindi ibig sabihin na nangyari sa akin ay mangyayari din sayo okay?" Tumango na lamang ako sabay yakap sa kanya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nito.
"Ikaw naman Allyssa, hanapin mo yung tatay ng anak mo! Para makapag sustento naman sa atin. Aba! hirap na hirap na ako kakabantay dyan sa anak mo, deserve ko naman ng pahinga. Yung sustento nun, kahit kumuha nalang ng yaya para dyan sa bata" Masakit na nga ang ulo ko, dumagdag pa itong si nanay. Nagkaganyan lamang siya nung namatay si tatay dahil sa cardiac arrest nung nalaman nitong nabuntis si ate na walang tumayong ama sa anak nito.
"Nay, ako nalang po ang magpapalaki sa anak ko, di ko kailangan ng sustento ng ama niya. Kaya ko naman po" sabi ni ate. Nanginginig na ang boses nito at alam kong pinipigilan niya na lamang umiyak.
"Kung nakapagtapos kalang sana ng pag aaral, e di sana maganda na ang trabaho mo ngayon! At sana kung hindi ka nagpabuntis e buhay pa ang tatay ninyo!" sabay alis ni nanay. Alam kong masakit pa din sa kanya ang pagkawala ng asawa. niya.
"Ate, wag mo sana sisisihin ang sarili mo sa pagkawala ni tatay" mahinang sambit ko sa kanya.
"I can't help it bunso, pilit ko man na sabihin sa sarili ko yan, namatay si tatay ng dahil sa akin. I wanna take revenge bunso sa ama mismo ng anak ko!" Ramdam na ramdam ko ang galit sa puso ni ate. Umalis na muna ito, alam kung pupunta na naman ito sa puntod ng kanyang ama. Lumapit naman ang pamangkin ko ng makita niya ang mommy niya na umiiyak.
"Tita, why is mommy crying?"
"She is just happy baby because you grew up into a beautiful and smart girl" Sabi niya sa pamangkin.
"Look oh, your favorite disney princess" sabay turo ko sa T.v. Nabaling naman ang atensiyon ng bata doon. Nagsimula na akong magligpit ng pinagkainan. May gagawin pa pala akong activity at isusubmit na yun bukas.