ARIANA "Beshieee di ko aakalain na mas mauuna ka pang ikasal sa akin" naluluhang sambit ni Valerie habang inaayos ang hair and make up ko. Ito na yung araw na ikakasal ako sa lalaking lihim kung minamahal. Kwinento ko kay Valerie ang lahat ng nangyari sa akin at kung paano kami nagkakilala ni Dylan except dun sa kontrata. Masaya naman siya sa akin dahil mabilis lang daw ako naka move on sa ex ko. Ang tanging dadalo lang sa kasal namin ay ang pamilya ko, si Valerie, si Papa D at ang kuya ni Dylan. Nagising na pala si nanay at next month na ang schedule nito para sa operasyon. Nung una ay nagulat pa ito na pagkagising niya ay ikakasal na ako pero masaya naman siya sa akin dahil wala naman daw iyan sa tagal ng relasyon. "I can't believe na ikakasal na ang bunso ko" pumasok si nanay

