ARIANA'S POV
Maraming pagkain ang ipinahanda ni Mr. Dwayne. Kung tutuusin ay tatlo lamang silang kumakain. Halos mapuno na ang lamesa at nakalapag dito ang iba't ibang klase ng pagkain. Mayroong meat, seafoods and vegetables.
May tatlong kasambahay ang nakatayo sa gilid. Isa sa kanila ay may katandaan na at kung di ako nagkakamali ito ang pinagkakatiwalaan dito sa bahay.
"Bella, pakikuha naman nung leche flan sa refrigerator" pakiusap ng ama ni Dylan.
"Sige po Señior" aniya.
Pagkadating ng matanda ay dala dala na nito ang leche flan at may kasama pang mango float. Bigla naman akong natakam dahil ito talaga ang favorite dessert ko. Inilapag na nito ang dessert sa mesa at nakatutok lamang ang aking mga mata sa mango float.
"You can try it anak. By the way, is it okay to you if I call you that?" he said.
"Yes po Mr. Dwayne."
"You can call me Papa D. anak, anyway soon to be Mrs. Grey ka na din naman"
Palihim kung tinignan si Dylan at wala akong nakikitang emosyon sa mga mata niya. Patuloy pa din ito sa pagkain ng steak.
"Hmm sige po Papa D" sabay ngiti ko. Tahimik lang si Dylan kaya medyo nakakaramdam na ako ng pagkailang.
"So how did you two met?"
Nabilaukan naman ako sa tanong niya. Di ko inaasahan na curious din pala ito sa relationship namin. Sa totoo lang, di namin napag usapan ni Dylan ang gagawin at speechless talaga ako. Kinabahan nako kasi di ko alam ang sasabihin ko.
Tumingin naman si Dylan sa akin sabay ngiti. Di ko maiwasang kabahan. Ngiti palang niya makalaglag panty niya. I can see his white and perfect aligned teeth then I noticed na meron din pala siyang dimples.
He hold my hand at para akong nakukuryente sa paglapat ng init ng balat niya sa akin.
"Ang cute mo pag nag b-blush ka Mine. Anyway Dad, we met at my Bar and the moment I lay my eyes on her, I promise to myself na siya lang ang babaeng ihaharap ko sa altar."
"I am glad, son! I thought you're gay because you know, you haven't introduced any girls to me. Ang sabi mo may girlfriend ka before pero di mo naman pinakilala sa akin. Si Aria ba yun?" He laughed loudly, and I can see Dylan's ears turning red.
"No I'm not gay dad! I have my own standard and once na nahanap ko na yung babae na yun, I will make sure na mamahalin ko siya till death. Nahanap ko na siya dad at si Aria yun."
He looked directly into my eyes. Pilit ang pinakàwalan ko na ngiti. Nakaramdam ako ng lungkot dahil I know na never akong magugustuhan ni Dylan. He is just pretending in front of his Dad. Lalo tuloy akong na cu curious sa buhay niya. We never talked about his life especially lovelife!
Ang saklap naman pala nito, ako lang ang may crush sa kanya. One sided crush!
At first, I disagree of the thought na magpakasal sa kanya. But I know to myself na I need him. Gusto ko na si Dylan ang makakuha ng virginity ko, wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng iba pero alam ko na siya lang ang kailangan ko para maibsan ang init na nararamdaman ko towards him.
"So, kailan ang kasal?"
"After Ariana's graduation Dad"
"Son, I'm very glad. You, having a partner to spend time with gives me reassurance. I believe I am finally prepared to pass away." malungkot na sabi nito.
Napahinto ako sa pagkain ko ng mango float. Napatingin ako kay Papa D, na sa mga oras na iyon ay nakita kung nagbabadya ng pumatak ang mga luha niya. Di ko aakalain na may malubhang sakit pala ito. I can't believe na behind those smiles is a person who suffer a lot.
"Dad, please be strong we can find a kidney donor."
"I've been doing dialysis treatment for more than 3 years now son!" malungkot na wika nito.
Napalitan ng pag aalala ang kaninang masayang mukha ni Dylan. Lumapit ito sa ama at niyakap. Sa tagpong ito, di ko mapigilan na umiyak. Naalala ko ang tatay ko. It's been 4 years ng mawala siya sa amin. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng ama.
"Lumaban po kayo Papa D." ang tanging nasambit ko nalang.
"Salamat mga anak! Lalaban ako dahil gusto ko pang makita ang mga apo ko noh? Dylan bigyan niyo agad ako ng apo ah"
Namutla naman si Dylan at di makapag salita. He was speechless dahil wala naman talaga siyang balak na anakan ako dahil ang lahat ay isang kontrata lamang.
---
Sa loob ng kotse, tahimik lang kami ni Dylan. I saw him staring outside. Ang lalim ng iniisip niya.
"Ahem"
I did it to caught his attention.
"Dylan, I know na mahirap sayo ang sitwasyon natin. Pero pwede naman tayong maging totoo kay Papa D. eh. Sabihin nalang natin sa kanya ang totoo."
"No! You saw how happy he is nung nalaman niya na ikakasal nako at magkakaroon na ng asawa dba?"
"Pero mahirap ito para sayo! What if may mahal ka palang iba pero di pa siya ready magpakasal kaya ako nalang naisipan mo! What if may girlfriend kana pero ayaw niya munang magpatali dahil uunahin na muna niya ang career niya. What if-----"
"Wala akong girlfriend Ariana! kaya tumigil kana sa kaka what if mo dyan."
Napatulala naman ako sa sinabi niya. I looked at him at kahit titigan ko pa siya buong araw di ako magsasawa.
"Stop staring at me. I already told you that I loved someone else, but right now we can't be together anymore" he sadly said.
Pinaandar na nito ang kotse at di nalang ako nagtanong pa. Nasaktan ako. Parang wala na akong pag asa na magustuhan niya ako dahil may mahal na siyang iba.
Mag hahating gabi na ng makarating kami sa bahay. Bago ako bumaba ng sasakyan, inabutan ako ni Dylan ng white envelope. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Kung di ako nagkakamali worth 50,000 ang laman ng sobre.
"Ano ito Dylan? sobra naman ang binigay mo."
"Bayad kana sa utang mo. And here's your Id."
"Thank you per---"
"Bumaba kana!"
Bumaba na ako ng sasakyan. Di ko na siya maintindihan. May time na bet niya ko asarin, minsan sweet, seryoso. Grabe! akala mo talaga nag m-menopause sa tindi ng mood swings.
Bago matulog, inupload ko muna ang mga photos na kinunan ko kanina sa bahay nila Mr. Dwayne. Isinama ko dun yung kuha ko kay Dylan. Nakatalikod ito at ang kita lang ay ang matindig nitong pangangatawan. I smiled as I stare at the photo. I didn't know na tatamaan ako ng ganito katindi sa kanya.
Nag vibrate ang phone ko at nakita kung nag comment si Jerome. Jerome commented on your photo.
I got curious kaya clinick ko.
Who is this guy? I just ignored it.
Bigla naman itong nag message sa akin.
"Ariana, babe I'm sorry please give me a chance. Mag usap tayo. Break na kami ni Xyrah."
Sineen ko lang siya at di na nireplyan pa. Diba dapat matuwa ako dahil hiwalay na sila ng kabit niya? Diba yun naman ang sinabi ko na iwan niya lang ang babae at tatanggapin ko ulit siya. Pero iba na ang sitwasyon ngayon lalo na nung makilala ko si Dylan. Yung tipong kahit magkasama lang kami at di nag uusap ay masaya na ako. Pag magkalapit naman ang mga katawan namin, nalilibugan ako at gusto ko nalang siyang halikan agad.
"Please babe mag usap tayo. I will wait for you tomorrow after your class at the coffee shop where we first date." saad nito.
I set my phone to airplane mode para wala ng mang iistorbo pa. This weekend, gagamitin ko ang pera na binigay ni Dylan to treat myself. I deserve an ultimate make over!