KABANATA 3

1240 Words
Kabanata 3: "D-Don't go, Mommy." Napanganga ako dahil sa sinabi ng gwapong lalaki sa aking harapan, ilang beses akong kumurap-kurap bago pagak na tumawa. Napapantastikuhan ko siyang pinasadahan ng tingin. Ilang gramo ba ng shabu ang nahithit ng isang `to? Ibang klase talaga ang mga tao ngayon, gagawin lahat para makapanloko ng kapwa nila. "Nagpapatawa ka ba? Wala pa akong anak at saka ang laki mo na kaya para maging anak ko baka mas matanda ka pa sa'kin," natatawang usal ko. "Naaksidente lang ako sa jeep pero hindi ako naaksidente sa rumaragasang t-tì," usal ko tapos napangiwi. Napakurap-kurap ang lalaki habang mahigpit pa rin ang hawak sa dulo ng aking damit. "Bitaw!" madiin usal ko at sinubukan umatras pero kumakapit pa rin siya sa akin. "Ano ba?! Bakit ka ba kumakapit? Kulang nalang lumawa na s**o ko kakahatak mo!" inis na aniko tapos tinuro ko pa ang cleavage ko kung mayroon man. Napatingin do'n ang lalaki, nanlaki ang kanyang mata. "De-de," mahinang bulong niya kaya nanlaki ang mata ko. Manyak ata ito? Tinampal ko ang kamay niya nang medyo malakas dahilan para mapabitaw siya, itinaas ko ang aking kamay upang patigilin siya sa paglapit. Umamba siyang didilaan ang kamay ko kaya umatras ulit ako. "Huwag kang lalapit sa'kin!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi porket gwapo siya ay magiging marupok na ako. Baka mamaya nagpapanggap lang ito at may masama palang balak. "Huwag kang susunod kung 'di sisigaw talaga ko!" banta ko sa kaniya tapos ay malalakinang hakbang na naglakad na palayo. Nakakasampong hakbang pa lang ata ako ay may narinig ako. Kumunot ang nuo ko nang may marinig akong parang bumagsak. Agad akong napalingon sa lalaki, nagulat ako nang makita siyang nakasalampak sa kalsada at pumapasag-pasag ang paa animong batang pinagkaitan ng tsokolate. Nagpalinga-linga ako at nakita kong pinagtitinginan na kami. Mabilis akong lumapit sa lalake na umiingit sa sahig animong ang liit-liit niyang tao e ang tangkad niya tapos gumaganon siya. Sa totoo lang mukha siyang tanga. "Hoy damulag ano bang problema mo?!" inis na suway ko sa kaniya at nameywang pa ako. Tumigil siya sa paglumpasay sa sahig tapos ay tumingala siya sa akin napalunok ako ng makita ang mapungay niyang mata at nakangusong labi. "M-Mommy," aniya animong tinatawag niya ako. Paos na ang boses niya, hindi ko alam kung normal na boses niya iyon o ano. "Hindi nga kita anak ang kulit naman, ang laki mo na. Ang damulag mo na puro ka pa Mommy! Ako nga walang Mama rito nagwawala ba ako?" inis na sabi ko. "I'm hungry, Mommy," balewalang usal niya tapos kinusot ang mata. Putcha imbes na ma-turn off ako sa pinaggagawa niya ay napapanganga na lang ako, kinilabutan ako sa tingin niya sa akin. Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil gusto ko siyang iwanan pero hindi ko magawa. Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Shit hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Napaangat ako ng tingin sa madilim na langin nang may pumatak sa aking ilong. Hanggang sa sunod-sunod na pumatak ang maliit na tubig, umaambon na. Bakit ba puro kamalasan na lang ang nakukuha ko? Napatingin ako sa lalaking nakaupo pa rin sa sahig habang nakatingala, nakapikit at may ngisi sa labi animong natutuwa siya sa ulan. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kaniya bago ako matauhan dahil mas lumakas na ang ulan. Denzy pagsisisihan mo 'to. Bumuntonghininga ako bago ilahad ang kamay sa kaniya. "Tara na lalakas na ulan," aniko. Napatingin siya sa aking kamay tapos bumalik sa mukha ko parang naguguluhan siya. "Kunin mo! Tsss," bahagya ko pa siyang inirapan. Ang sunod kong namalayan ay hawak na niya ang kamay ko at parehas kaming tumatakbo sa ulan para humanap ng masisilungan. Hanggang nakarating na kami sa sakayan ng jeep. Napatingin ako sa lalaking nakahawak sa dulo ng damit ko animong ayaw ako nitong mawala. Kitang-kita kong basa na ang kaniyang buhok at balikat dahil sa ulan kanina, maski ako ay basa na rin. Hindi na ako magtataka kung samaan ako ng pakiramdam sa mga susunod na araw. "Mag-tricycle na lang tayo pauwi, para hindi na tayo maghintay ng jeep medyo malapit naman 'yon dito," usal ko. Hindi ko sigurado kung naiintindihan niya ako o kung nakikinig ba siya dahil abala siya pagtingin-tingin sa mga tao at mga sasakyan na dumadaan. Maglalakad na sana ako pero kaagad din napataas ang kilay ko nang humigpit ang hawak niya sa damit ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatutok sa isang nagtitinda nanliit ang aking mata nang makita ang isang matanda na nagtitinda ng cotton candy. "Gusto mo no'n?" tanong ko sa kanya, halos tingalain ko siya dahil higit na mas matangkad siya sa akin. Nakita kong kuminang ang kaniyang mukha at tumango. Hindi siya nakangiti pero kita kong masaya siya sa sinabi ko. Kahit naguguluhan ako sa inaakto niya ay binili ko pa rin siya, mura lang naman 'yon. Nang mabayaran ko ang cotton candy ay humarap ako sa kaniya. "Oh ito," abot ko sa kaniya ng hugis puso. Napaangat ako ng tingin sa madungis niyang mukha nang makita siyang titig na titig sa akin. Palihim akong napalunok, pakiramdam ko ay matutumba ako kaya napahawak ako sa gilid ng cart ni Kuyang nagtitinda tapos ay tumikhim ako. "Ayaw mo ba?" tanong ko sa kaniya. Blanko ang mukhang kumurot siya ng maliit sa cotton candy at gano'n na lang ang pagkabigla ko nang ilapit niya ito sa aking bibig. "E-Eat first mee," aniya sa paos na boses. Napatulala ako ng tawagin niya akong 'mee'. Parang Mommy iyon na pinaikli. Hindi kaagad ako nakabawin at tulalang ngumanga kaya naisubo niya ang cotton candy sa akin. Ngumiti siya tapos ay inagaw na ang cotton, parang naging barado ang lalamunan ko nang makita ang matamis niyang ngiti. Nakakapatulala ang ngiti niya dahil pantay na pantay ang kaniyang ngipin kahit halos nangingilaw na iyon. Kailan ba siya huli nagtoothbrush? Hindi napapakali ang kaniyang mata habang kumakain ng cotton candy parang natutuwa siya sa mga nakikita at mga ilaw at tunog. Kayang-kaya ko na siya iwan kung gugustuhin kong tumakbo at magtago ay hindi naman na niya ako makikita dahil abala siya. Napalunok ako at dahan-dahan umatras pero nakapaharap pa rin ako sa kaniya habang ginagawa ko iyon. Nakaatras ako hanggang maka-tago ako sa isang puno, sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Mariin akong napapikit nang may marinig akong sumigaw. Hindi paos ang boses nito kung di parang takot at taranta na ngayon ang baritong boses niya. "M-Mommy? Mee?! Mee?!" nanginginig ang boses nito. Dinungaw ko si Damulag mula sa aking pinagtataguan. Nakita ko siyang nagpapalinga-linga ubos na ang kinakain niya. Kitang-kita ko kung paano kumalat ang pag-alala sa kanyang mukha animong batang nawawala at nawalay sa ina nito. "God, anong ba 'tong pinapasok mo Denzy!" kausap ko sa sarili tapos ay dahan-dahan akong lumabas mula sa kinakataguan ko. Hindi ko siya kayang makitang natatakot parang nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Naiisip kong kung ako ang nasa kalagayan niya ay hindi ko rin gugustuhin na iwan ako. Kinagat ko ang labi ko bago ko siya tinawag. "Damulag!" sigaw ko tapos ay napatingin siya kaagad sa gawi ko. Inilahad ko ang dalawa kong kamay, namungay ang kanyang mata. Wala pang segundo ay nakita ko na siyang tumatakbo at patalon na papalapit sa akin tapos ay mahigpit akong niyakap. Napapikit ako hindi dahil sa yakap niya kung 'di dahil amoy burak siya. Ang baho puta! ____________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD