Kabanata 19: "Disco ano po?" "Dissociative amnesia." Napatingin ako kay Damulag na mahimbing na natutulog bago ibalik ang tingin sa Doctor. Salubong na ang aking kilay dahil hindi ko naman `yon naiintindihan. "Pwedeng paki-explain Doc?" Isinara ng Doctor ang folder bago magsalita ulit. "Hindi kasi isa lang ang amnesia may iba't-ibang uri rin ito. Dissociative amnesia is not the same as simple amnesia, which involves a loss of information from memory, na madalas na resulta ng sakit o kaya naman injury. With dissociative amnesia, the memories still exist but are deeply buried within the person's mind and cannot be recalled." Kunot-noo ako habang ipinapaliwanag iyon ng Doctor sakin. "Doc. ano naman pong dahilan kung bakit nagkakaruon ng ganyan amnesia?" "Dissociative amnesia occur

