Special Chapter 2: Napangiti si Denzy nang makita ang asawa na nasa hapag na ng kainan dinala na ito ng katulong kanina pinauna na niya ito dahil kinuha niya ang bimpo nito sa kwarto. Sinuklay niya ang puting buhok ng asawa na agad naman napaangat ang ulo sa kaniya. "Are you hungry?" malumanay na tanong niya. Kunot-nuo itong nakatingin sa kaniya. "You're my nurse?" takang tanong nito sa kaniya kaya napangiti siya ng tipid bago umupo sa tabi nito. "No." "Eh? Who are you? Why are you here in my house?" takang tanong ni Damulag sa kaniya. Pinunasan niya ang nuo nitong may kaunting pawis. "Baby, I'm your wife. Denzy remember?" tanong niya sa asawa. Sanay na siya sa ganito na hindi siya minsan naaalala ng asawa sa sobrang katandaan. She's 86 while her husband Alphanzí is 89 years old.

