CHAPTER 01-PART 01; Our lovely yet clumsy heroine ♡

801 Words
Mabibigat ang hakbang ni Chastity patungo sa rooftop ng ospital na pinapasukan niya. Isa siyang registered nurse at apat na taon na rin siyang nagtatrabaho roon. Pagkatapos ng sampung oras ay makakapagpahinga na rin siya sa wakas. Pagod ang kanyang katawan ngunit hindi ang kanyang utak. Gising na gising iyon. Sa kanyang palagay ay hindi rin naman siya makakapagpahinga kung uuwi siya ng bahay. Kaya naman minabuti na lang niya na magpalipas oras tutal ay wala siyang pasok kinabukasan. Pagkarating doon ay may napansin niyang hindi naman siya nag-iisa. Mayroon isang lalaki sa di-kalayuan na nakaupo at nakita niya ang ilang lata ng beer sa paanan nito. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon atsaka umupo sa isang sulok kung saan tanaw niya ang buong Kamaynilaan. Hindi naman kasi iyon ang unang beses na may nakita siyang umiinom sa rooftop. Hindi nga lang niya kung paano nakakapuslit ang mga iyon sa gwardiya. Para kay Chastity ang ospital ang isa sa mga pinakamalungkot na lugar. Sa loob ng ilang taon na pagtatrabaho niya roon ay mas marami siyang tao na nakikita na umiiyak. Sa tuwing namamatayan sila ng pasyente ay hindi pa rin niya maiwasan na malungkot para sa mga pamilya ng namayapa. Sa tuwing nangyayari iyon ay isa lang ang takbuhan niya; ang nursery room. Ang mga inosenteng anghel na bagong panganak ang nakakapagpawi ng lungkot at pagod na nararamdaman niya. Kung minsan nga ay naiinggit pa siya sa mga paslit na iyon. Pakiramdam niya ay napakaswerte ng mga ito sapagkat wala pa itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid. Ang nursery room ang pinakamasayang lugar sa kabuuan ng gusali na iyon. Hindi maaari na walang malawak na ngiti ang mga tao na napapadpad doon. Kahit yata maghapon niyang titigan ang mga sanggol na naroon ay hindi siya magsasawa. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig siya ng kalabog. Napabalikwas siya ng tayo at mabilis na iginala ang kanyang mga mata upang hanapin ang pinanggagalingan ng ingay na kanyang narinig. Napansin niya nawawala na ang lalaking nakita niya kanina kaya naman dali-dali siyang tumungo sa fire exit nang makita niya ang elevator na pataas pa lamang. Nang buksan niya ang pinto ng fire exit ay nakita niyang sapo ng lalaki ang ulo nito at nakapikit habang nakasandal sa dingding malapit sa paanan ng hagdanan. Napabuntong-hininga siya at nilapitan ito upang tulungan na makatayo. Sa tantiya niya ay nabuway ito sa paglalakad dala ng labis na kalasingan. Nang makalapit siya sa binata ay nanuot sa kanyang ilong ang pinaghalong pabango nito at amoy ng alak. In fairness, the man smelled so good. His fragrance was a mixture of something musky and fresh. Niyugyog niya ang balikat nito at tumalungko sa harapan ng binata. "Sir? Mister? Ayos lang po ba kayo?" Hindi sumagot ang binata at nanatiling nakapikit. Lumapit pa siya ng husto sa mukha nito upang pakinggan ang paghinga nito. Hindi naman mabigat ang paghinga nito, palatandaan na gising pa rin ang binata. "Sir?" pagtawag ulit niya rito at akma na niyang iyuyugyog ang balikat nito nang magmulat ito ng mata. Nang magtama ang kanilang mga mata ng estranghero ay hindi niya alam kung bakit parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang likuran. Nanayo ang kanyang mga balahibo dahil doon at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang lakas ng epekto ng tao na ngayon lang naman niya nakita. Easy ka lang, Chas. Pagod ka lang. Puyat ka lang, kausap niya sa sarili. Inilayo niya ang kanyang mukha at ilang beses pa siyang napakurap upang ibalik ang kanyang huwisyo. Tumikhim siya at lihim na pinag-aralan ang mukha ng lasing na lalaki. His eyes were warm. The warmest set of brown eyes she ever saw. Kaya lang mukhang walang mga buhay ang mga iyon. They looked so sad and empty that made her wonder why. Mamula-mula ang mga pisngi nito tanda na naparami ito ng inom. Well, hindi na siya magtataka kung natural na mapula ang mga pisngi nito sapagkat sa tulong ng ilaw ay nakita naman niya na mestizo ang lalaki. Ang ilong at hugis ng mukha naman nito ay iyong tipo na nakikita lamang niya sa magazine. And his lips were moist and it looked really soft. All in all, the man seemed like a living Greek god. Bago pa matunaw ang lalaki sa pagtitig niya rito ay minabuti na lang niya na tulungan itong tumayo. Hinawakan niya ang braso nito at pakiramdam niya ay daig pa niya ang humawak ng punong-kahoy sa tigas niyon. Halata na alaga sa gym ang katawan ng binata. Sa suot nito na blue grey check three-piece suit, hindi niya kaagad napansin na malaki ang bulto ng lalaki. Mabilis na ipinilig niya ang kanyang ulo upang pigilan ang pagdaloy ng kung anu-ano sa kanyang isipan. Sorry, Lord. Bakit po ba kasi lumikha kayo ng mga nilalang na ubod ng gwapo? Ay sorry po ulit hindi ko naman po kayo sinisisi, aniya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD