"Kitty Kat, mag-iingat kayo ha. Alagaan mo ang kambal!" sambit ni Tiger habang nakayakap sa akin. "Yes Tie. Pangatlong beses mo sinabi 'yan. Ikaw ang mag-ingat!Kayo ni Cathalea!" saad ko sa kanya habang nakatingin kay Cathalea na kumakaway sa akin sa loob ng chopper. Magkasama sila ni Tiger na aalis. "I love you.." saad pa niya. "I love you, you love me we' re a happy family! Mag OFW ka ba? Eh sandali ka lang naman doon ang arte mo Tigre, talo pa sa'yo ang mga matinee idol sa telebisyon!" " Para naglalambing lang..." "O s'ya mag-ingat ka I love you atsaka behave ka lagi ha? Huwag mong ilabas ang pagka-Geller mo lalo na't wala ako!" Napailing na lamang ito sa aking sinabi. Hinalikan niya ako sa labi atsaka umakyat na sa chopper. Tumalikod na ako upang bumalik na sa aking sasakyan. Of

