TIGER GELLER Maaga ako nagising at nagsimula nang magluto ng almusal, naglinis ng buong pad at naglaba. Habang ang aking reynang amazona ay mahimbing pa rin natutulog sa aming kwarto. Ito na siguro ang babaeng kabayaran sa lahat ng katarantaduhang ginawa ko. Ba't hindi ako makatanggi sa kanya? Ba't natataranta ako kapag nagagalit siya? Nagseselos kapag may lumalapit na iba sa kanya. F*ck, isa akong bilyonaryo, habulin ng mga babae at isa sa pinakamagaling na assaassins ngunit takot sa isang Jelaine Garcia. Hindi pwede ito. Dapat ay siya ang matakot sa akin. Pagkagising niya ngayon ay sisiguraduhin ko na ako na ang hari at second in command lamang ang babaeng ito. "Good morning...." nakangiti siya sa akin nang makitang malinis na ang buong pad. Hinalikan niya ako sa labi at ni

