"Come to Papa..." sambit niya habang nakabuka ang kanyang dalawang magkabilang kamay at sinesenyasan ako na lumapit sa kanya. "Papa? Papatayin kitang hudas ka!" lumapit ako sa kanya at binatukan siya. "Akala mo siguro ay nakalimutan ko na ang halikan ninyo ni Samara kanina?Hoy...isang buwan kang matutulog sa sala!" saad ko sa kanya. Kasalukuyan na kaming nakalabas sa gubat at pasakay na sana ako sa aking kotse nang tawagan niya ako. Nakita ko ang reaksyon niya na parang binuhusan ng isang baldeng tubig. " Wife naman... 'di ba sinabi na nga mismo ni Samara na siya naman talaga ang may kasalanan?" saad niya. "Kahit na... Naghalikan pa rin kayo period!" matigas kong saad. "Jelai naman huwag mo naman akong pahirapan ng ganito!" saad niya na pilit na binubuksan ang pintuan ng aking kotse.

