FIRST DATE

3938 Words
(FREYA FAYE GUZMAN POV) "Ma? Asan si Craige?" Tanong ko kay mama. Nandito kami ngayon sa bago naming bahay na binili ni Craige. If I'm not mistaken Mr. Sandoval owned this subdivision and all houses here are luxury and pricey. Kahapon lang dumating dito sila Mama at halata pa sa kanila na naninibago sila, mabuti nalang at medyo nakakapag-adjust na sila kahit papaano. "Ang paalam niya sa akin ay makikipagkita lang daw siya sa kaibigan niya, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi. Hayaan mo muna ang kambal mo at baka gusto lang mag explore dito sa syudad, alam mo namang hindi tayo sanay sa ganitong lugar, baka kasama niya ang mga kaibigan niyang mamasyal." Tugon ni mama kaya tumango nalang ako. Hindi ko alam na may kaibigan pala siya dito bukod kay Tantan. Kahit kambal kami at nakatira lang sa iisang bubong ay marami parin talagang bagay na hindi ko alam tungkol sa kanya. He's quite secretive and clever, that's why I never expect less about him. Nagkibot ang aking tingin sa buong bahay at hindi parin ako makapaniwalang nakatira na kami ngayon sa isang malaking bahay na tila isang mansion. I'm happy that we're all comfortable here and find it a home to stay. Kahit mas gusto ni Mama at Papa ang probinsya kasya sa city ay nagawa parin nilang maging komportableng tumira dito kasama kami. Sanay kasi sila sa probinsya at kahit hindi masyadong maganda at kalaki ang bahay namin do'n, marami ka namang makikitang mga halaman at bulaklak na paboritong dinidiligan at inaalagaan ni Mama. For the sakes of Mama binilhan ko siya ng maraming paso ang ibat-ibang uri ng bulakalak para sa gano'n ay may pagkakaabalahan siya dito sa mansion. Si Papa naman ay nasanay na sa kakapanood ng TV. Lagi nga siyang nakatambay sa hala habang nakatuon ang buong atensyon sa television, minsan naiinis pa si papa dahil wala na raw itong ibang ginawa kung humiga at manood. Watching them arguing is making me happy. Hindi kasi sila ang tipo ng tao na kapag nag-aaway ay kung ano-anong malulutong na mura nalang ang pinapakalawan ng bibig. Nag-aaway man sila ngunit mababatid mo parin ang respeto at pagmamahal nila sa isa't-isa. That's what I admired for both of them, and I sincerely pray at night, that hopefully there's a man who could love me like how my father love my mother. Nakanguso Ako habang nakatinin sa kisame. Wala akong ibang ginagawa kaya nag-iisip ako ng pwedeng gawin. Tatawagan ko na sana si Pinky upang makipagkita sa kanya nang biglang mag ring ang cellphone ko. My brows creased when my brother's name registered in my cellphone's screen. Bakit naman kaya napatawag ang kapatid kong 'to? Baka napasobra to sa alak at hindi na kayang maglakad at makikisuyo nalang sa akin na sunduin siya. Huwag talaga siyang magkakamali, pinasok niya 'yan kaya dapat hindi niya ako idamay sa kalokohan niya. Makikita niya talaga kung gaano kalakas ang kamao ko kapag dumapo na sa mukha niya. "Hello?" Bagot kong tanong. He chuckled in the other line at mukhang hindi naman lasing. Mabuti nalang at hindi siya dahil hindi ako pinanganak upang magbuhat ng lalaking lasing. "Princess?" Mahina niyang sabi sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko habang inaabangan ang susunod niyang sasabihin. Nasanay na kasi akong Princess ang tawag niya sa akin, Prinsesa niya raw kasi ako, eh. Kahit papaano sweet naman itong si Craige, bossy ngalang. Kahit sobrang lapit na ng bagay na kailangan niya, inuutos niya pa talaga sa akin. He also know how to discipline me everytime I made a mistake and beat me with continuous lecture until I learn the lesson he was trying to make me learn. That's how stern he was, but he's the best brother in the world. "Asan ka ngayon?" He asked. "Nasa bahay lang, bakit?" Rinig na rinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya na tila ba ay kinikiliti siya ng demonyo. Hindi ko maiwasang mag ikot ng mata dahil baka may ginagawa na naman siyang katarantaduhan, kay bago-bago niya palang dito. "Dress up may erereto ako sa'yo." "What!?" Malakas kong tanong sa kanya. Kailan pa siya naging cupid ngbuhay ko? "Are you kidding me, Craige?" Anong pumasok sa utak nito? Pinagtri-tripan ata ako ng isang to eh! Kung dati rati ay galit na galit na siya may lumapit lang sa akin, ngayon sasabihin niyang may erereto siya sa akin? Nakashabu ba siya? "No. I'm deadly serious, Princess. Bilisan mo na. Magkikita nalang kayo sa pinakamalapit na Starbucks diyan. Susunduin ka ng Prince charming mo." He said playfully. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa sinabi niya. What the hell is he up to? Nakikipagbiruan ba 'to sa akin? Kung ano-anong ka baliwan ata ang pumasok sa utak niya ngayon, dala kaya iyan sa paninibago niya dito sa Manila? "Huwag mo akong pagtripan, Craige! Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon, baka gusto mong makatikim ng mag-asawang sampal? Makikita mo talaga ang hinahanap mo kapag lumipad na 'tong kamao ko sa mukha mo." Banta ko sa kanya. Malakas siyang tumawa sa kabilang linya. Hindi ko mapigilang mainis dahil sa kabaliwan niya. He never done this before. Siya pa nga ang humaharang sa mga manliligaw ko at kinikilatis ito ng maigi kung pasado ba sa kanya o hindi, at ngayon e rereto niya ako sa hindi ko kakilala? Baliw na ba siya? "Basta. Huwag kanang maraming tanong diyan at mag bihis kana. Bilisan mo at huwag mong paghintayin ang date mo ngayon." He said authoritative and end the call. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at nagtungo nalang sa banyo upang magbihis. Kahit hindi ko alam kung pinagloloko niya lang ba ako o hindi ay sinunod ko ang sinabi niya. This is absurb! Ano ba talaga ang pumasok sa isip ng kambal ko na 'yon para ereto ako sa iba? Ok sana kung si Fidel nalang. Joke lang! Napakalot ako sa batok ko at mabilis na naligo. I took a bath quickly and dress myself properly. I want to look great for today because it's my date with someone I don't exactly know who the hell is that guy Craige was referring to. I guess this man maybe someone around his friend cycle, or baka pasok sa standard niyang maging brother-in-law niya. As if naman mag-asawa ako agad! Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Giving my parents good life is my first priority in life, and after that I want to travel abroad, and explore different places I've never been before and try out various of foods. I was in the middle of bathing when Fidel pop out on my head. I frowned and immediately brush him off and busy myself by rubbing my skin. Napansin ko lang, this past days ay lagi nalang pumapasok sa isip ko si Fidel. Kahit nasa gitna ako ng trabaho at seryoso sa ginawa ay bigla nalang siyang sumusulpot sa isip ko na parang kabuti Why is that? Hindi naman ako ganito dati. It's my first time to experience this kind of weird things, at siya pa talaga ang una. Inaamin ko talagang madali siyang magustuhan, physical appearance niya palang ay mahuhulog kana, lalo na kapag pakikitaan ka niya kung paano siya mag care sa isang tao. The truth is I don't like him that much. Siguro interesado ako sa kanya in someway, but not that deep para lagi niyang guluhin ang utak ko. He's not a typical person na makikita mo sa paligid. Marami ngang gwapo, pero may kakaiba talaga sa kanya na hindi mo mahahanap at sa iba. Marami din namang lalaking malakas ang dating, sikat, gwapo, at matalino pero ewan ko ba, iba talaga ang epekto ng karisma niya sa akin. Iniisip ko palang na nakapatong siya sa akin habang hinahalikan ako, nababaliw na ako. Pano pa kaya kapag ginawa na niya? Napailing nalang ako dahil sa mga pumapasok sa isip ko. Hindi naman ako active sa ganyang bagay kaya hindi ako madaling madali sa ganyan. Anyways, he's a kind of pervert kaya turn down muna siya sa akin. He's no good for me, Lalo na sa life status namin. Napakalayo ng agwat. Para lang akong sumusungkit buwan gamit ang kawayan. At tsaka sa galawan niyang 'yon, halatang bihasa siya sa about s*x and stuff, baka laspagin lang niya ako kapag nagkataon. Pass muna sa red flag. "Instead of thinking about him, Freya. Why not think about who will be your date today, diba mas nakakaloka?" Natatawa kong sabi sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Pagkatapos kong maligo at mabilis akong nagbihis at lumabas ng bahay. Baka kasi kanina pa ako hinihintay ng lalaking sinasabi ni Craige. Malapit lang naman ang Starbuck dito kaya kung sakaling pinagtri-tripan niya lang talaga ako ay hindi masyadong sayang sa effort. Binigyan niya pa ako ng reason para maligo, wala kasi talaga sa plano ko ang maligo ngayon dahil tinatamad ako. "Where are you going, Anak?" Tanong sa akin ni Papa nang lalabas na sana ako ng bahay. I forgot to bid my goodbye to them. What a bad daughter I am. "Pa, may kikitain lang ako ngayon. Babalik din ako agad." Lumapit ako sa kanya at nag mano. "Saan ka naman pupunta, aber?" Si Mama naman ang nagtanong. Lumapit ako sa kanya at nagmano din. "Business, Ma." I smiled. She nod at me and it was the hint that I'm free to go. "Ok, pwedeng bukas ka nalang umuwi, Anak? Gusto kasi naming ma solo ng nanay mo ang bahay ngayong gabi. Alam muna kung bakit, gawaing mag-asawa." Hagikhik ni Papa. Malakas na tumawa si Mama na animoy kinikilig na teenager at pinalo pa si Papa sa braso. I grimaced while watching them so sweet. I shook my head on disbelief. They look so in love to each other until now. Taos puso talaga akong nagpapasalamat sa panginoon dahil binigyan niya kami ng matinong ama, mapagmahal at laging inu-una ang pamilya kasya sa sarili niya. He's the best father in the world. "Oh? Ano pang hinihintay mo diyan, Freya? Gusto mong manood sa amin ng Papa mo na magharutan sa harap mo?!" Singhal ni Mama sa akin. Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Bakit kasi nanood pa ako, eh. Masyado naman kasi nilang pinapamukha sa akin na wala akong jowa. "Maiingit kalang, Anak." Binilatan ako ni Mama. Inismeran ko sila pariho. Hintayin niyo lang kapag nagka-jowa ako. Mahihiya talaga kayong maglambingan sa harap ko. Hindi naman sila magandang tignan, hindi bagay sa kanila na maglambingan sa harap ko dahil pariho na silang matatanda. Hindi naman siguro halatang bitter ako e no? "I'm going." Kumaway ako sa kanila at pumara ng taxi. TUMINGIN AKO sa pinto ng Starbucks at humugot ng malalim na buntong hininga bago pumasok dito. Nag-aalangan ako dahil wala talaga akong idea kung sino ang kikitain ko, baka mamaya may masama palang balak sa akin, diba? Hindi natin masasabi dahil iba na ang takbo ng isip ng mga tao ngayon. Do I really have to do this? I heaved a sigh and composed myself. There's no wrong if I try, right? Just this one. I'll try to give it a shot, baka ito na pala ang hinihintay ko. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng Starbucks nang may biglang tumawag ng pansin ko. "Faye!" Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Fidel. Lumapit ako sa kanya at nagdududa siyang tinignan. "What are you doing here, Fidel?" He chuckled and said, "I'm glad you're learning. Ayaw mo atang makatikim ng halik ko, sad na ulit ako." He pouted his lips. Grabe! Ang cute naman ng lalaking to. Kapag ako ba nag pout kasing cute niya rin ako? "You're in a date, aren't you?" My brows furrowed. How did he know? Stalker ba siya? "Pano mo nalaman, Fidel?" I asked, doubtfully. "I'm here for the same reason." He smirked. Weh? I don't believe him. A perfect coincidence. "Guess what? I'm your date, Love." He wink. Nalaglag ang aking panga dahil sa sinabi niya. What the hell is this? Binibiro niya ba ako? At bakit na naman niya ako tinatawag ng love, nasa public place kaya kami baka kung anong isipin ng mga taong makakarinig. "W-What? Are you serious?" "One hundred percent sure, Love." Muli niya akong kinindatan at biglang may lumapit sa aming waiter at inabot kay Fidel ang dalawang Starbuck coffee. "Let's go?" Kumurap-kurap pa ako nang ilahad niya sa harap ko ang kamay niya. Nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi, pero parang gusto kong hawakan ang kamay niya buong hapon kaya hindi na ako nag alangan pa. "Shake hand muna, may hinihintay talaga akong iba, Fidel." I chuckled at binitawan ang kamay niya pagkatapos makipag-shake hand. Kung binibiro niya ako, pwes gaganti din ako! Hindi lang siya ang marunong magbiro no! Umiling siya at humilig sa akin. Mabilis akong napapikit nang patakan niya ako ng mabilis na halik sa labi. Rinig na rinig ko ang bulong bulungan sa paligid ngunit para akong nabingi at ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. "Let's go, Love." He sneaked his arm around my waist and he carefully guide me out of the Starbucks. Why did he kiss me? Nakakahiya sa mga taong nakatingin. Hindi na ako nakaimik dahil sa sobrang gulat at bigla sa pangyayari. Hindi parin nagsi-sink in sa akin ang mga nangyayari at nagpatangay nalang sa pag akay sa akin ni Fidel. I can't understand what's happening. Kanina ipinagdasal ko pa na sana si Fidel nalang ang ka date ko pero ngayon parang kinabahan ata ako. Pumasok kami sa kotse niya at nagpaka-gentleman naman ang gago. I know he really aim for something, pero hindi ko pa alam kung ano. Hindi naman siguro siya nagpapa-impress sa akin, diba? "Ang ganda mo ngayon, Faye." Malambing niyang bulong sa akin. Ramdam ko ang pag init ng aking pisngi dahil sa sinabi niya. Hindi ako madaling pakiligin pero iba talaga ang epekto kapag siya na ang bumabanat sa akin, pati intestine ko kinikilig din. "Stop flattering me." He chuckled and said, "I'm not flattering you. I'm just telling the truth." "Well, then, thank you." I hide my smile from him. Inayos niya ang buhok kong nakatakio sa mukha ko, at inipit ito sa tenga ko. Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. I find it so sweet, but it's not appropriate for him to do it with me. Masyado na niyang ginugulo ang sistema ko. Baka isang araw masanay na ako sa ganitong trato niya at hanap hanapin ko ito. "Ayan mas lalo kang gumaganda kapag nakikita ko ang pamumula ng mukha mo." Maang akong napatingin sa kanya. Binasa niya ang kanyang labi gamit ang sariling laway. Natulala ako dahil sa pagwawala ng t***k ng puso ko. "Don't stare at me like that, Love. You know what I have in mind right now, I want suck and nip your luscious lips and ravish it until it sore. So don't give me such stares... Baka hindi ako makapagpigil." I collect myself altogether bago naka get over sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan. "Sorry, Fidel. I didn't mean to stare at you." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero-- Putik! Mas lalo lang akong kinabahan. "Don't make it hard for me, Love. Nag promise ako sa kapatid mo na hanggang kiss na muna ako ngayon." Mahinahon niyang sabi. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. So idea talaga ito ng walang hiya kong kapatid? I didn't know na magkakilala pala sila. "I'm courting you, by the way. Ipapaalam ko lang baka hindi mo alam kung bakit ako lapit ng lapit sa'yo." Nakangiti niyang ani at inabot sa akin ang malaking bouquet ng red roses. He's courting me? Seryoso? What the heck? Nagbibiro ba siya? "You're joking, right?" Pilit ang ngiti kong tanong. "I'm dead serious." I divert my eyes away and hold myself tightly, para kasing malalaglag na ito dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. He's so speed. Ito ba ang sinasabi nilang galawang Kairus Fidel Sandoval na lagi kong narinig kay Pinky? I thought she was just making up things, totoo pala talaga. "Ang ganda mo talaga. No woman is more beautiful other than you in my eyes." Nakangiti niyang ani habang nagmamaneho. Napakagat labi ako at muling nag iwas ng tingin upang itago ang aking pamumula. "How can you be this beautiful, Faye?" I glance and him and shrugged. All my confidence fades away. If it's not Fidel who I was talking with, maybe I can be someone to brag myself, but it's him. I don't know what's with him that makes me behave this way. "I just wanna kiss you the whole day, Faye. But first things first, I want to get to know you better. So let's do kissing next time." He wink. Anong akala niya sa akin, naghihintay ng halik niya? Ang kapal ng mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapamaang dahil sa sinabi niya. He was wearing a smirk, and God knows how handsome it made him become. "Please, have mercy on me. Close your mouth and stop drooling over me. I know I'm hot but please I'm driving, and you biting your lips is hella distracting me." Hindi ko alam kung mag-iiwas ba ako ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan pero mas pinili ko nalang na titigan siya habang nagmamaneho. How can he be this handsome while driving? Parang gustong malaglag ng panty ko habang nakatingin sa kakisigan niya. I can't think of any description of him. He's handsomeness speak to his face and it's undeniable. Wait may panty pa ba akong suot? Baka kanina pa nalaglag. "Done checking my face?" Muli akong pinamulahan nang pisngi nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Stop grinning, Fidel. You're making me feel uncomfortable. "Can you give me a kiss, Love?" What? Akala ko ba no kissing? Nawiwili na ata 'tong lalaking 'to sa kakahalik sa akin. Anong akala niya sa akin, easy to get? Hindi niya ako pwede halikan kung kailan niya gusto...pero bakit nagagawa niya 'yon sa akin? I want to curse him until the last of my breath for wavering my rationality. He's the only one who can do this to me, and it's kinda pissing me off. "I can't." Mahina kong usal at nag-iwas ng tingin. He hissed at me. "Gusto mo ako nalang ang humalik sa'yo? Pero baka kasi maaksidente tayo." He said like I don't have any choice but to kiss him. Kumunot ang aking noo sa kanya. "Bakit kaba halik ng halik sa akin, Fidel? Nakakarami kana, ah! Pasalamat ka hindi ako nagrereklamo dahil kung ibang lalaki lang 'yon matagal ko nang nasuntok sa mukha." Inis na sabi ko sa kanya. Sa halip na matinag siya ay ngumisi pa ang gago. Huminto ang sasakyan sa isang mall kaya nagtaka ako. Anong gagawin namin dito? Mag sha-shopping? Well, Magde-date nga pala kami ngayon. Wala ba siyang ibang naiisip puntahan? Yong mas romantic at solo namin ang lugar para malaya ko siyang masapak kapag may ginawa siyang hindi kaaya-aya. "I want to kiss you." He whispered. Aalma na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang aking baba at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Napasandal ako sa bintana ng kotse niya nang atakihin niya ako nang mapang-akit niyang halik sa labi. Mahipit akong napahawak sa kanyang dibdib dahil sa sobrang panghihina. Unknowingly, I respond to his kisses and deepen each pressed of our lips. He was ravishing my lips and I can't help but to moan. He bit my lips and sucked it like a candy. Dahil sa sobrang panghihina ko ay wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. Ano ba itong ginagawa niya sa akin? Pano mo ako nagaganito? Humiwalay siya sa akin at malambing akong tinignan. Dinilaan niya ang kanyang labi habang hinahaplos ang aking pisnge. Para akong nahihiptonismo dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ito ang unang beses na naging ganito ako sa harap ng isang lalaki. Hindi ko kayang labanan ang kanyang tingin. Nalulunod ako dito at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. He's making me insane. "Shall we go inside?" Aya niya sa akin. Para akong maamong tutang nakatingala sa kanya habang nakahawak parin sa dibdib niya. Mahina akong tumango at hindi na nagsalita. Hinawakan niya ang kamay ko sa dibdib niya at pinisil ito. "Ang sarap mong pumisil, Love. Nakakahorny." He said seductively at lumabas ng sasakyan. I gritted my teeth. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng inis nang sabihin niya ang kahalayang iyon. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan akong makalabas. "This is the happiest day of my life, Love. Thank you for being my date today. It means a lot to me." Sinsero niyang sabi. Hindi ko alam pero parang may mainit na bagay na humaplos sa aking puso. Ngumiti ako sa kanya at tumingkayad upang abutin and labi niya. I gave him a soft kiss on his lips na ikinagulat niya naman. "Your welcome." I smiled. Gusto kong kalbuhin ang aking buhok dahil sa kagagahan ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa, tila ba ay bigla akong tinakasan ng bait sa katawan. I'm so f****d up! Hindi nakaimik si Fidel at nakaawang lang ang mga labi habang nakatingin sa akin, gulat na gulat ito. Dahan dahan niyang hinawakan ang kanyang labi at hinaplos ito. Para siyang babae na ninakawan ng halik. "I don't know what to say." Pabulong niyang sabi habang nakatulala sa akin. Mahina akong tumawa dahil sa inakto niya. "W-What happened?" His lips are barely parted. I noticed his cheeks turn into rosy red. Kumurap kurap siya habang nakatood parin. "You're cute when you're blushing too, Fidel." I teased him. Mas lalong pumula ang pisnge niya maging ang leeg at tenga niya. He look so hot when he's blushing. He even more look so adorable. "I am not blushing, Faye." He denied and diverted his gaze away. Really, Fidel? You are as red as tomato now. Don't deny the obvious. "I-I'm not." He stuttered. I chuckled and shook my head. Pagtripan ko kaya to? Para naman kahit papaano makabawi ako sa kakahalik niya. "Ahh... Do you know I love man who easily get blush. They look so hot, handsome, and adorable to my eyes." Parinig ko. Malutong siyang nagmura at seryoso akong tinignan. "f**k! I'm damn blushing!" He exclaimed. He can't even look at me out of embarrassment. Humagalpak ako ng tawa dahil nagpa-uto naman siya. "It's my first time to get blush because a certain someone. You maybe bewitching me." Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan upang matigilan ako. Hihiwalay na sana ako sa yakap niya ngunit hinigpitan niya ito lalo. Nakakaagaw na kami ng attention sa lahat. Marami na ang nakatingin sa amin at may iba ring kumukuha ng video at litrato at dahil sa sobrang hiya ay isiniksik ko nalang ang mukha ko sa dibdib ni Fidel at nagtago. "I want to hold you forever in my arms, and not gonna let you slip away at any cost." He hoarsed in my ear. "Please give me a chance, Faye. Let me have you in my arms and protect you against life cruelty." He sounded, begging. "I like you, Faye. Damn it! I just confessed my feelings to you... Nakakahiya!" Malutong niyang mura. Hindi ko alam pero parang may umukit na kiliti sa aking puso matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Para itong musika sa aking tenga. Hindi ako nagsalita at nanatili lamang tahimik habang may ngiti sa labing nakabaon ang aking mukha sa mabango, matigas at nakakahalina niyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD