(FREYA FAYE GUZMAN POV)
HINATID AKO ni Fidel sa bahay. Paglabas at paglabas ko palang sa kotse niya ay nakaabang na agad sila Mama at Papa sa gate at sinalubong kami.
Aalis na sana si Fidel ngunit inimbitahan siya ni Mama sa loob kaya wala siyang nagawa kundi pumasok. Matalim ang tingin ni Papa sa kanya at pinaulanan siya ng mga nakaka-intregang tanong.
"Ang bilis mong nakabingwit ng boyfriend, ah? Kahapon lang inasar at ini-inggit ka pa namin ng mama mo, ngunit ngayon may ini-uwi kana agad." Nakangiwing sabi ni Papa habang sinusuri si Fidel mula ulo hanggang paa. "Anong kailangan mo sa anak ko?"
Seryoso ang mukha ni Fidel at walang mababasang kaba sa kanyang mga mata. Parang sanay na sanay na siya sa ganito, hindi man lang nanginig ang labi.
"I'm courting your daughter po, Sir." Magalang niyang tugon at bahagya pang yumuko. "I will take this opportunity to personally ask your permission, Sir. Gusto ko pong ligawan ang anak niyo." Dugtong niya.
Tumaas ang isang kilay ni Papa at nakakaloko siyang tinignan.
"Pano kung ayaw kong pumayag?" Hamon sa kanya ng papa ko.
Hindi ko mapigilang mapailing dahil sa pinapakitang ugali ni Papa. Hinaplos ni Mama ang kanyang balikat upang pakalmahin ngunit hindi niya parin nilubayan ng matatalim na tingin si Fidel.
I was expecting this, mukhang daan muna sa butas ng karayom si Fidel nito, ah?
"Wala po kayong magagawa, Sir. Gagawin ko po ang lahat para mapapayag po kayo." Walang bahid ng kayabangan niyang tugon, nagawa niya pang ngumiti sa ama ko.
Damn, Fidel! Filter your mouth, hindi ko pasanin ang konsensya kapag tinaga ka ni Papa. Jusko po!
"Tarantado ka palang lalaki ka, eh! Ang sabi mo hihingi ka sa akin ng permiso, tapos ngayon sasabihin mong wala akong magagawa kung sakaling ayaw kong pumayag? Walang respito! Walang modo!" Singhal ni Papa kay Fidel. Nilapitan ko si Fidel at hinawakan ang kamay niya.
Nagulat ako nang maramdaman ang panlalamig dito. Kung tutuusin mas malamig pa ito sa yelo nang madapuan ng aking kamay. Nag-aalala ko siyang sinulyapan at sinuri ang reaction niya. Namumutla na ang kanyang labi habang pilit na kinakalma ang sarili.
"Papa, huwag mo ngang takutin si Fidel. Wala naman siyang ginawang masama, ah!" Sita ko kay Papa ngunit isang matalim na tingin lang ang natanggap ko dito.
Asan na ba 'yong magaling kong kambal? Dapat nandito siya para man lang maipagtanggol niya ang kaibigan niya.
Namumutla talaga siya. Halatang halata dahil ang kanyang mapupulang labi ay tila pinahiran ng polbo. Natatakot siguro kay Papa. Sino ba naman hindi kapag ganito kasama ang pambungad sa'yo?
"Sa akin wala, pero sa'yo meron!" Pasigaw niyang sagot. Mas lalong nanlamig ang kamay ni Fidel at hindi na niya nagawang depensahan ang sarili.
Sunod sunod ang paglunok niya habang nanginginig ang kamay. Hindi ko mapigilang matulala sa bawat pag galaw ng Adams apple niya. God! Ang sexy ng dating niya. Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko!
Stop it, Freya! Mamaya na ang landian dahil nasa gitna tayo ng gyera.
Pinukol ng masamang tingin ni Papa si Fidel at kung nakakamatay man ang pagtitig, paniguradong kanina pa pinaglalamayan itong si Fidel.
Bakit ba nagta-tantrum itong si Papa? Gano'n ba talaga kapag matanda na, nagagalit nalang bigla kahit walang dahilan?
"Hoy, Danny! Huwag mong sigawan ang anak natin. Masasakal talaga kita!" Banta ni Mama sa kanya. My father's expression softened and relax.
"Pino-protektahan ko lang naman ang anak namin, Mahal. Ayaw ko siyang masaktan sa maling tao." Malambing na wika ni Papa. Hindi ko mapigilang mapangiti. Parang may mainit na lumukob sa aking puso dahil sa sinabi ni Papa. Ang sweet ng Papa ko. "Alam ko namang malaki na siya, Mahal. Anak parin natin 'yan, ang nag-iisa nating prinsesa."
"Naiintindihan ko ang dahilan mo, Danny. Pero sana naman hayaan nating magdesisyon ang anak natin. Sinabi mo na nga diba na malaki na siya kaya suportahan nalang natin kung ano man ang desisyon niya." Hinaplos ni Mama ang mukha ni Papa.
Wait, bakit parang nasa teleserye ang peg? Masyado silang overacting, as in sa harap talaga namin ni Fidel? Pwede naman mag usap ng walang ganyanan, ah? Parang sinasabi nilang mas maganda ang chemistry nila kasya sa aming dalawa.
"Susubukan ko, Mahal... Pero kailanman ay hindi ako magtitiwala diyan sa hinayupak na lalaking 'yan." Nagulat ako ng biglang tumayo si Papa at kwenilyuhan si Fidel. Niyugyog-yugyog niya ito kaya sumayaw sayaw ang kanyang ulo.
Hindi na ako nakatiis. Lumapit ako kay Papa at inawat siya.
"Pa, ano ba! Maawa ka nga diyan sa tao. Tignan mo namumutla na. Kinakabahan na nga 'yan sinasama mo pa." Inalis ko ang kamay niya sa kwelyo ni Fidel na halatang gulat na gulat sa nangyari. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kanya.
Kumalma si Papa at umupo sa sofa. Hindi niya parin tinantanan ng masamang tingin si Fidel kaya napailing nalang ako. Ang tigas talaga ng ulo ni Papa, alam ko namang pino-protektahan niya lang ako gaya ng sinabi niya ngunit sobra na kasi ang ginawa niya. Parang wala siyang respito sa tao. Alam niya namang bisita parin si Fidel at kailangan naming siyang asikasuhin ng maayos.
Nagpaalam si Mama na pupuntang kusina upang kumuha ng maiinom. Tahimik akong nakamasid sa dalawa na nagpapalitan ng tingin. Mabagsik ang paraan ng pagtingin ni Papa ngunit maamo naman ang kay Fidel.
Para tuloy siyang tutang takot na takot.
Pero gwapong tuta.
"Ama ako ng babaeng nililigawan mo, lalaki. Alam mo ba 'yon?" Papa break the deafening silent in the living room.
Mabilis na tumango si Fidel sa kanya.
"Mahal na mahal namin 'yang unica hija namin at ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan at umiiyak." Puna ni Papa, tumango tango naman si Fidel. "Hindi ako tanga at lalong hindi ako inosente upang hindi malaman ang ginagawa ng isang babae at lalaki sa iisang bubong na sila lang dalawa... Nakakaramdam ako ng galit at inis at nangangati na itong kamao ko, parang ang sarap manuntok at pumatay ng tao." Seryoso niyang puna, kinabahan ako dahil do'n. Parang may alam si Papa sa nangyari sa amin ni Fidel sa condo niya, o sadyang naprapraning lang ako? "Ayaw ko mang pag-isipan ka ng masama, Hijo. Pero tatanungin kita at gusto kong sagutin mo iyon ng buong katutuhanan. Be a man will balls, not just dick."
Napalunok ako sa mga narinig ko. Nilingon ko si Fidel at kitang kita ang kaba sa gwapo nitong mukha. Ang kaninang walang kakaba-kaba niyang mata ay napuno nang takot at pagkabahala.
"Sure po, Sir. Sasagutin ko po kayo ng totoo." Fidel nodded at him.
"Lalaki sa lalaki, Hijo. Alam kong darating din ang araw na gagawin mo ito sa magiging anak mo, lalo na kapag babae." Papa thrilled his words and sigh heavily. "Ginalaw mo na ba ang anak ko?"
Alam kong hindi lang ako ang natigilan sa naging tanong niya at maging si Fidel din. Pinanuyuan ako ng lalamunan habang malakas naman ang t***k ng puso ko.
Habang inaabangan ang isasagot ni Fidel ay nag times two ang kaba na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung magsasabi ba siya ng totoo pero mas mabuting ilihim muna namin.
Natatakot ako sa magiging reaction ni Papa. Baka mapatay niya si Fidel on the spot.
Fidel cleared his throat. He look at my dad eyes directly and answer, "yes, Sir. Sorry for disappointing you." It was almost a whisper.
Muli akong natigilan sa ikalawang pagkakataon at mariing napapikit. Suminghap ako habang pinapakiramdaman ang paligid ngunit tanging ang malalakas na pagkabog lang ng aking dibdib at ang malalalim naming buntong hininga ang naririnig ko.
"Good answer, Son. I knew it... Your bestfriend already told me that." He shrug as if he was satisfied because of what he heard from Fidel. "Ayaw niya akong magulat. Alam mo naman tayong mga lalaki over protective sa mga babae. Unica Hija namin yan, Son. Kaya ganito ang reaction ko." Hinawakan ni Papa si Fidel sa balikat at ningitian ito. "You really are a man... Not just a boy. Tama nga ang sinabi ni Craige sa akin. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba kitang huwag saktan ang anak ko, pero pinabilib mo ako dahil hindi mo itinanggi ang nangyari sa inyo ng anak ko."
"Gagawin ko po ang lahat, Sir. I'll do eveything to take care of her and avoid hurting her feelings. I will also work to get your trust. Gagawin ko po ang lahat para maging karapat dapat sa kanya at sa tiwala niyo." Seryoso ngunit nakangiting niyang tugon. Ang kaninang kabado ay napalitan ng sigla.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig ko mula kay Fidel. Hindi ko 'yon inaasahan kaya napangiti nalang ako bigla at kinilig.
Damn, Fidel! Please stop saying those sweet words in front of me, nalalaglag ang panty ko. Tangina! Baka binobola niya lang kami ng Papa ko para hindi siya mayari.
"Uminom muna kayo ng juice para maibsan ang init ng ulo." Biglang dumating si Mama dala ang isang pitcher ng juice at baso. Binigyan niya kami isa isa at umupo sa tabi ni Papa. "High blood ka parin ba?" Hinimas ni mama ang balikat niya.
"Not anymore, Mahal." Malambing na tugon ni Papa at yumakap kay Mama. "Kwarto muna tayo?" Nakangising ani ni Papa.
Nakatinginan kaming dalawa ni Fidel nang humagikhik si Mama. Kahit ang tatanda na nila ay ang hahalay parin. Hindi ko maiwasang mapailing habang nakatingin sa kanila. Ako ang nahihiya kay Fidel, baka kung ano ang isipin niya.
"Tara na. Ewan na muna natin sila dito." Mama giggles. "Feel at home, Hijo. Huwag kang mahiya sa amin ng asawa ko, pwede kang bumalik dito kung kailan mo gusto."
"Thank you po, Mrs Guzman." Magalang na sabi ni Fidel.
Marahang tumawa si Mama at napailing.
"Drop the formality, Hijo. Tita nalang ang itawag mo sa akin. Nakakatanda kasi ang Mrs Guzman at hindi ako sanay, diba, Mahal?" Bumaling si Mama kay Papa at tinanguan lang siya nito bilang pag sang-ayon.
"Oo nga naman, Hijo. Tito nalang din ang itawag mo sa akin. Huwag kang magkakamaling paiyakin 'yang anak ko... Tatagain talaga kita." Bilin ni Papa at sabay silang umakyat ni Mama sa itaas ng hindi man lang hinintay ang sagot namin.
Malalim siyang nagpakawala ng buntong hininga at sumandal sa sofa. Tila nabunotan siya ng tinik nang makaalis na ang magulang ko.
"Ok kalang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"I'm fine. Thanks, God! Hindi ako hinabol ng taga ng papa mo. I'm so scared, Love." Nakahinga niyang sabi.
Ngumiti ako ng palihim dahil sa reaction niya.
"Kinakabahan karin pala?" Tukso ko sa kanya at tumango naman siya ng bahagya.
"Ofcourse, tao lang ako, Love. I'm not that confidence that fear have no place in my heart. Ang swerte ko dahil malakas ako kay Craige." Napapailing niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Gano'n ba talaga sila ka close ng kambal ko?
"Anong kapalit naman ng pagiging malakas mo sa kapatid ko, aber?" Sarkastiko kong tanong.
He glance at me and frowned.
"We're friend..." Ngumiwi siya habang sinasabi 'yon. "At tsaka binilog ako ng kambal mo. Kapalit ang pakikipaglapit at panliligaw ko sa'yo ay ang sport car kong Lamborghini na kakabili ko palang." Nakanguso niyang sabi. "At dahil gustong gusto nga kita, nag pauto ako sa kanya. Pero hindi lang yan..."
Kumunot ang noo ko nang saglit siyang huminto. Parang pinapasabik niya ako sa susunod niyang sasabihin.
"Ano pa?" Kuryuso kong tanong.
Hindi ko mapigilang purihin siya dahil ang cute niya habang nakanguso. Ang sarap pisilin ng pisngi niya at ikulong siya sa mga braso ko.
"Ang bahay..." Mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Anong bahay? Sinira ni Craige ang bahay niya?
"No'ng sinabi niya sa akin na pwede na kitang ligawan ay binantaan niya ako na bawal touching at kissing, pero aksidente kong na amin sa kanya na nahalikan na kita kaya nagalit siya. Nainis siya sa akin at sinabi niyang libre ko na raw ibigay sa kanya ang bahay na ito. Para din naman daw ito sa'yo kaya dapat hindi na niya bayaran... Dahil kailangan daw kitang panindigan."
Nagulat ako sa sinabi niya, itong bahay libre?
Pinagloloko niya ba ako?
I can't believe him. Is he really that serious to me?
"Nababaliw kana ba?" Singhal ko sa kanya. Umiling lang siya at mahigpit akong niyakap.
"90 million is nothing for me basta ikaw ang kapalit, Love. At paniguradong mas pagagapangin niya pa ako kapag nagkita kami ulit."
"Why?"
"Kasi--"
"Putangina mo, Kairus!" Biglang umalingawngaw ang boses ni Criage sa buong bahay na pumutol sa gustong sabihin ni Fidel. Lumapit siya sa amin at mabilis na sinuntok sa sikmura ni Fidel dahilan upang mamilipit ito sa sobrang sakit. "Gago! Gago ka talagang putangina ka!" He exclaimed on his face.
Natutop ko ang aking bibig dahil sa sobrang gulat. Hindi naman galit ang mukha ni Craige pero halatang naiinis.
Napa ubo si Fidel habang nagpapagulong gulong sa sahig. Dinamayan ko siya at tinulungan sa pagtayo. Sinamaan ko ng tingin si Craige ngunit ngumisi lang ito.
"Damn you, f*cker!" Sigaw ni Fidel habang sapo-sapo ang kanyang sikmura. "Ang sakit, Love. Putangina yang kambal mo!" Sunod sunod ang kanyang pagmura habang nakangiwi sa sobrang sakit.
"F*cker? Baka nakakalimutan mong kapatid ko ang fi-nuck mo? Gusto mong mabura sa mundo, gago ka?" Nag ambang lalapit sa kanya si Craige pero pinigilan ko ito.
"Tama na nga yan, Craige! Para kang bata." Sita ko sa kanya. Sumeryoso ang tingin sa akin ng kapatid ko kaya natigilan ako.
Now, he's serious.
"So, mas pipiliin mo na siya kaysa sa akin, Princess? Mas mahal mo na siya kaysa sa akin na kapatid mo at kasabay mo pang ipinanganak?" Ngumiwi ako dahil pilit niyang pinapanginig ang kanyang boses.
Ano bang pinagsasabi ng mokong na ito? Sinapian ata to, eh.
"What the hell are you saying? Baliw kana ba? Kailan ka pa natutong umarte?" Singhal ko sa kanya na ikinatawa niya.
Tignan mo nga 'to. Nababaliw na talaga to, eh.
"Naglalambing lang, eh." Hagikhik niya. "Alam kong ayaw mong pinangungunahan kita, Princess. Hindi ko kukwesyunin ang mga ginagawa mo dahil may tiwala ako sa'yo. Just... Just don't give in easily to that motherf*cker." He groans and shook his head. "I forgot, you already did. Damn! May karapatan naman akong magalit hindi ba?"
Tahimik lang si Fidel sa tabi ko. Hindi ko mapigilang ma-touch sa mga sinasabi ni Craige. Alam ko namang ganito talaga siya, kahit maloko ito mapagmahal parin siya at malambing.
"Oo naman." I smiled.
Ngumuso siya sa akin at tinuro si Fidel na namimilipit parin.
"Pwede ko na bang bugbogin?" Nakangisi nitong tanong sa akin. Inilingan ko siya at sinamaan ng tingin.
"Baka nakakalimutan mong ikaw ang bumugaw sa akin sa best friend mo? Gusto mong paguntugin ko kayong pariho?" Pinanlakihan ko sila ng mata at mabilis naman silang umatras at umiling iling habang nasa ere ang kamay.
"Now, I regretted why the hell I let you court her." Craige hissed at Fidel.
"Bawiin ko ang sasakyan ko sa'yo, eh!" Banat naman ni Fidel ngunit sinamaan niya lang ito ng tingin. Nagsukatan pa sila ng tingin pariho. Parang ilang Segundo nalang ay magsasalpukan na sila.
"Edi bawiin mo, putangina ka! Huwag kang lalapit sa kapatid ko!" Sigaw ni Craige. Kumurap kurap si Fidel at natulala.
Ilang sandali pa siyang natigilan bago nakabawi at mabilis na umiling.
"Hindi na pala, sayo na 'yon at akin na 'tong kapatid mo." Ngumisi si Fidel sa kambal ko at nag thumbs up naman si Craige bilang pagsang-ayon.
Hindi ko mapigilang mainis dahil sa pinagsasabi nila. Parihas ko silang sinamaan ng tingin at binatukan.
Mga walang hiya! Anong akala nila sa akin, bagay? Pinag-aagawan at binibigay?
Putangina silang pariho.
"Mga gago!" Inis na sigaw ko sa kanila at nag-walk out. Dumiritso ako sa kwarto at nagpahinga.
Magkakaibigan nga sila. Parehong may saltik sa pag-iisip.