Constellation's POV: "Swift, ano ba 'yan? Pumupurol ka na yata ah." Sabi ni Johnson kaya sa kaniya ko na itinutok ang baril ko. "Huwag ka ngang maligalig! Paano ako makakapagfocus dito kung sigaw ka nang sigaw!" Sigaw ko kay Johnson at pinaputukan ang sahig malapit sa kaniya. Hindi man lang siya gumalaw o nasindak man lang. Inirapan ko na lang si Johnson dahil lagi naman akong talo, bwiset siya! "Woy, chill lang! Sayang ang lahi niyan ni Johnson, Swift!" Sigaw ni Meave na nasa dulong cubicle. Inilagay ko ang baril sa lamesa at nagtanggal ng goggles. Iyamot naman akong umupo sa may bench at uminom ng tubig. Tatlong araw na mula ngayon ang nakakalipas simula noong dumating kami rito. Wala na rin akong balita kay Morg, wala na akong pakialam sa kaniya. Nagmomove-on na ako, ipapakit

