Constellation's POV: "Cheers everyone!" Sigaw ni Thea. "Cheers–" "No drinks, Stella." Bulong sa akin ni Johnson. Napabuntong hininga na lang ako at ibinaba ang basong hawak ko. Hinalikan naman niya ako sa labi at binulungan ng sweet words. Ang galing galing talaga ng isang ito kahit kailan. "Good girl, bub." Sabi ni Johnson at ginulo ang buhok ko. "Stella mahina ka, mukhang ikaw ang under ah!" Asar sa akin ni Meave. "Ulol, nagsalita ka wala namang jowa. Uwi ka na sa inyo sumbong ka sa mama mo!" Asar ko rin kay Meave. Humiyaw naman si Thea at nagtawanan ang mga kasama namin. Inirapan lang ako ni Meave, ang taray talaga. "So anong plano niyo after nito?" Tanong ni Thea. "Ako ba o si Meave?" Tanong ko rin. "Kayong dalawa syempre. Are you in sa pagpapatakbo ng business or m

