Constellation's POV: "Ayan, mabulok ka r'yan! Bago ka pa lang takaw gulo ka na! Akala mo ba ikinaangas mo na iyan!?" Inihagis ako papasok ni SPO2 Reyes dito sa detention cell. Tumama pa ang pwet ko sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak niya. Kinginang ito! "Tangina kang baboy ka, may araw ka rin sa akin." Tiim-bahang kong bulong. Hindi man lang nila inalis ang posas ko. Hindi man lang din ako pinagpalit ng damit, ang dumi na ng jumpsuit ko. Tumayo naman ako at tiningnan ang paligid. Semento ang sahig dito at maalikabok pa. May mga sapot ng gagamba at butiki pa sa kisame, napangiwi na lang ako. "Oh ayan d'yan ka, magtino ka na isa ka rin eh! Gwapo ka pa naman sana!" Rinig kong sigaw ni SPO2 Reyes sa labas. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Johnson. Haw

