Constellation's POV: Ngayon ang araw ng misyon namin at medyo tensyonado pa ako. Nakasakay kami ngayon dito sa isang Ferrari 870 yacht na syempre sponsored ng Shukranovich. Nakatanaw lang ako rito sa railings sa unang palapag nitong yate. Bigla namang may yumakap sa akin mula sa likod ko, dama ko na kaagad kung sino ito. "Hey, are you okay? Kinakabahan ka ba?" Bulong ni Johnson sa tenga ko. Nakakakiliti ang bulong niya kaya napakagat labi ako. Haynako, kung ano-ano na namang pinag-iiisip ko. "Medyo pero ayos lang naman ako." Sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Para kaming si Jack at Rose ng titanic pero syempre hindi naman mawawala si Johnson. Ayan kung ano-ano na talaga ang iniisip ko, baka mamaya pumalya pa ako sa trabaho ko. "Don't be nervous, pakinggan mo na lang ang joke

