Constellation's POV: "Aba hi miss!" "Miss may boyfriend ka na?" "Miss tingin ka naman dito oh!" "Chix oh mga pre!" "Ang sexy!" Naririndi na ako sa mga sigawan nitong mga m******s na preso. Bakit kasi rito pa kami dumaan? Hindi ba nag-iisip itong mga pulis na kasama ko? Tsk. "Chief Chong, ano ba ang trip mo sa buhay at dito mo pa ako idinaan? Pagdidiskitahan ako ng mga 'yan!" Singhal ko sa kaniya. "Ms. Heat, dito ang pinakamalapit na daan papunta sa selda mo. Konting tiis na lang, huwag kang mag-alala." Kamot-ulong sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako sa kanila. Kahit nakajumpsuit na ako, kita pa rin kasi ang kurba ng katawan ko. Perks of being a Heat. "Boss, anong pangalan niyan?" Nandito na kami sa pinakadulong gate. May bantay rito at mukhang mataas ang security. Dito

