Constellation's POV: Doha, Qatar "Handa na ba ang lahat?" Tanong ko sa mga kasama namin. Nakalipad na kami ngayon dito sa Doha, Qatar. Kahit kakalapag pa lang namin ay trabaho na agad. Nandito kami ngayon sa isang hotel room. Deretso na kami mamaya sa itaas, ito ang Mohammed Hotel kung saan gaganapin ang party ng pakay namin ngayon. "Yes, nasa itaas na ang ibang gamit natin. All settled na." Sabi ni Meave habang nagsusuot ng heels. Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ni Johnson. Kumatok muna ako bago pumasok. "Uhm hey, akyat na raw tayo." Tawag ko kay Johnson. "Yeah, matatapos na ito." Sabi niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. Lumapit ako sa kaniya na may pinag-aaralan sa floor plan. Iyon pala ang sketch ni Rift sa mga posibleng labasan at pasukan dito sa buong hotel.

