NAPALUNOK si Analyn na napayuko sa dalaga na nagtaas ng kilay sa kanya. Napansin kasi nitong pareho sila ng design ng dress ni Analyn na mula sa bagong labas ng isang kilalang brand clothing. Ang Channel. Nagsitayuan naman ang mga naabutan nilang tao sa loob ng opisina na nakamata sa dalagang kasama ng secretary ng boss nila at hindi napapansin si Analyn sa likuran. “Everyone, may I have your attention please?” wika ng dalagang si Atasha. Nagsilapit naman ang mga ito na naghihintay ng sasabihin ng dalaga. “Uhm, starting today. May mga bago kayong makakasama dito na designer natin. Si ms Rita at ms Analyn.” Pagbibigay alam nito na ikinatango-tango ng mga kasamahan nila. Nagbubulungan pa ang mga ito dahil may kumakalat na chismis na ikinasal na ang boss nila at makakasama nila sa o

