CHAPTER 50 L.A's POV For 20th times ay kanina pa nagri-ring ang cellphone ko pero kahit isa doon ay wala akong sinagot. Hindi ko rin tinitingnan kung sino nga ba 'yun kaya wala akong ideya kung sino ang tumatawag. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na rin yung pag-ring noon pero maya-maya naman ay may kumatok na sa pinto ko. Hindi ko sana pagbubuksan kung sino man yun pero tumayo na lang ako at binuksan ko yung pinto-- nabigla ako nang konti nang makita ko siya pero hindi ko naman yun pinahalata. "Lyndon?"Unang banggit ko sa pangalan niya. Tama! Si Lyndon nga ang nasa harapan ko. Ngumiti siya sa'kin pero agad rin siyang napakunot ng noo niya nang mapadako ang mata niya sa kamay ko na naging dahilan kung bakit awtomatiko ko yung itinago sa may likuran ko. Lumapit siya sa'kin at

