CHAPTER 44 Habang pabalik na ko sa private tambayan ay may nakita akong kumpol ng mga estudyante na naka tingala sa taas. Dahil doon kaya hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo. 'Ano naman kayang tinitingnan nila do'n.' Hindi ko maiwasan na maitanong yun sa sarili ko pero hindi ko na lang 'yun pinansin saka didiretso na sana ulit sa paglalakad nang biglang may lumapit sa'kin na isang babaeng estudyante. Halatang natatakot siya sa akin pero pinilit pa rin niya na magsalita. "P--princess G, yung transferee po na si Chaze Villa, n-nasa rooftop,"sabi nung babae na parang hinihingal pa. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at kahit nagtataka ay mabilis akong pumunta doon sa may mga estudyante na nagkukumpulan dahil panigurado na siya yung tinitingala doon. At hindi nga ako nagkama

