CHAPTER 52 Napaupo na lang ako sa bench dito malapit sa abandoned building at abandoned school. Masakit nang konti ang katawan ko pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ng puso ko. Ganon ko ba talaga siya kamahal? Para hayaan ko lang na mangyari 'to sa'kin? Hindi pa man ako nagtatagal sa pagkaka upo ko dito sa bench nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa may bulsa ng jacket ko at nang makita ko na si Lola ang caller ID ay hindi ko maiwasan na mapatigil. Ayaw ko sanang sagutin, kaya lang alam ko naman na nag aalala na talaga si Lola sa akin kaya sinagot ko na. "Hello." Mahinang wika ko sa kabilang linya. [Ohh Dear God, salamat naman at sinagot mo na ang tawag ko apo, pinag aalala mo kami ng Mama mo ng sobra.] At halata nga sa tono nang boses ni Lol

