"Finals na bukas, hindi ko inaasahang makakaabot tayo nang ganito" masayang sabi ni Ivan, sila ngayon ay nasa cafeteria kasama ang presidente; sila Dennis at Tom na bodyguard nito; sila Jen, Phoebe at Elizabeth; sila Fatmal, Sonallah at Anwar; at ang buong miembro nang Team Philippines kasama si Ojin. "Oo nga, madami kayong nakalabang malalakas" sabi nang presidente. "Hindi ko lang maintidihan, lahat nang nakalaban natin ay may kakayahan kahit hindi sila tagapagmana?" sabi ni Anne. "Tulad namin" sabi ni Jen. "Tagapagmana?" tanong nang presidente. "Ang mga kakayahan po namin ay nanggaling sa mga elementong nag-papabalanse sa mundo" sabi ni Nick. "Ang mga elemento po ay yung lumabas na ilaw rati sa Egypt at ang iba po ay may tinamaang mga tao na naging halimaw rati" sabi ni Kier. "Per

