"Mabuti naman at nagising ka na Drake" sabi ni HARING LORE nang pumasok sa throne room ang apat na Elemental Warriors nang kastilyo.
"Maaari bang iwan nyo muna kami ni Drake" sabi ni Haring Lore na nakatingin kila Naht.
"Ngayon magsimula na tayo" sabi nito nang makalabas na ang tatlo.
"Pagkatapos nang tournament ay kinausap ako ni HARING RIFE" panimula nang hari habang naglalakad palapit sa bintana.
"Ang hari nang Life Castle, Kamahalan?" tanong ni Drake na hindi maindindihan ang kaugnayan nito sa kanya.
"Tama, ang hari nga nang Life Castle" sabi nito na tumingin sa bintana.
"Bakit po kamahalan?" hindi napigilang tanong ni Drake kaso...
"Hindi kaya dahil natalo ko ang Angelic Child?" isip nito.
"Tungkol sa'yo ang napagusapan namin" sabi ni Haring Lore na nilingon na si Drake.
"Tungkol sakin... sabi ko na nga ba" isip ni Drake na nakatingin sa hari.
"Gusto ka nyang maging Elemental Warrior nang Life Castle" sabi ni Haring Lore.
"A..." hindi na natapos ni Drake ang sasabihin dahil...
"Ano!" gulat na sabi ni Naht na napapasok sa loob.
"Ang tigas talaga nang mga ulo nyo" sabi ni Haring Lore na nakatingin sa may pinto at nakita ang tatlo.
"Bakit daw po kamahalan?" tanong ni Drake bago pa maparusahan ang tatlo.
"Nasaksihan namin ang lakas mo bilang Mimic dun sa tournament, kaya gusto ka nyang maging bodyguard ni Prinsesa Reign" sabi nang hari.
"Pero kamahalan... hindi na po nya kailangan nang bodyguard" sabi ni Drake.
"Pero ayon ang gusto nang Life Castle para mas maalagaan ang Angelic Child" sabi ni Haring Lore.
"Pero dad..." protesta ni Naht.
"Wala tayong magagawa dahil una sa lahat ang kaligtasan nang Angelic Child" sabi nang hari.
"Pero kamahalan, mas gusto ko pong protektahan ang Forest Castle" sabi ni Drake.
"Ibig mong sabihin gusto mong suwayin ang aking utos?" sabi nang hari.
"Utos?" nagulat na sabi nang apat.
"Tama, inuutusan kitang maging Elemental Warrior nang Life Castle bilang bodyguard nang Angelic Child, simula bukas" sabi ni Lore na naglakad na pabalik sa trono.
"Makakaalis ka na para makapaghanda, susunduin ka bukas nang mga kawal nang Life Castle" dagdag nito bago umupo sa trono.
"Masusunod kamahalan" sabi ni Drake na yumuko bilang pagbigay galang bago ito naglakad paalis.
"Naht, Worp, Gyn manatili kayo rito at may iuutos ako sa inyo bilang parusa" sabi ni Haring Lore dahil paalis na rin ang tatlo.
"Sige na, ayos lang ako" sabi ni Drake sa mga kaibigan bago lumabas nang throne room.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinagabihan...
"Masyado ka kasi nagpasikat" sabi ni Viel kay Drake na nakahiga na sa kama nya, nasabi narin nito ang tungkol sa utos nang hari at handa narin ang mga gamit nya.
"Ano na kaya ang nangyari sa hinaharap?" sabi ni Drake na naalala ang panaginip at hindi pinansin si Viel.
"Hinaharap?" tanong ni Viel.
"Nagising ako nung lumalabas na ang Demonyo kay..." isip nito.
"Ano nga bang pangalan nya? Wala rin akong maalala sa mga napag-usapan namin" isip nito bago sya napabangon.
"Huwag mo nang isipin yon, panaginip lang yon kaya nakalimutan mo na" sabi ni Viel bago sila may narinig na mahinang naguusap sa labas nang bahay nila.
"Sila ina at itay yon ah" sabi ni Drake na tuluyan nang kinalimutan ang panaginip.
"Anong gagawin natin, papalapit na sya sa kastilyong yon" narinig nyang sabi nang nanay nya.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman ang Fatality yung nakuha nya ibig sabihin nagkamali ang mga hula" sabi nang lalake.
"Huwag mong sabihing may balak ka pang ibalik sya? Pinagtangkaan na nila ang buhay nya nung sangol palang sya" sabi nang babae.
"Napamahal na sakin si Drake, isa pa hindi rin nila pwedeng malaman na hindi ko pinatay ang sangol" sabi nang lalake.
"Hindi nila ako tunay na anak" sabi ni Drake bago muling humiga at pumikit dahil naglakad na pabalik sa bahay ang dalawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan...
"Drake, halika rito sandali" sabi nang tatay nya na tinawag sya pagkalagay nya nang gamit nya sa karwaheng pinadala nang Life Castle.
"Ano po yon?" sabi ni Drake na lumapit sa lalake.
"Mag-ingat ka don, wala kami nang iyong ina para bantayan ka kaya huwag kang magpagod" sabi nang lalake na nakatingin sa anak.
"Salamat po, huwag po kayong mag-alala hindi ko na po gagamitin nang sobra ang kakayahan ko" sabi ni Drake na tumingin sa paligid.
"Si nanay po?" tanong nya nang hindi makita ang babae.
"Nasa loob, umiiyak" sabi nang lalake na napatawa.
"Ayaw ka daw nyang tignang umalis dahil baka hindi ka na daw bumalik" sabi nang lalake.
"Paki sabi po na huwag syang mag-alala at mag-iingat po ako don" sabi ni Drake na nagpaalam na at tumingin sa direksyon nang Forest Castle.
"Paki sabi rin po kila Naht na pasensya na dahil hindi ko sila nahintay at protektahan nila ang buong kastilyo at mag-ingat po sila at kayo rin po" sabi nito na tumingin sa ama na tumango bago sya sumakay sa karwahe at umalis.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ilang minuto ang lumipas...
"Mabuti naman at wala pa ang karwahe" sabi ni Naht nang makarating sila kila Drake.
"Oh, ba't ngayon lang kayo? Wala na si Drake" sabi nang tatay ni Drake na lumabas nang bahay at lumapit sa anim.
"Ho!" gulat at sabay-sabay na sabi nang anim.
"Maaga dumating ang sundo ni Drake" sabi nang lalake.
"Nakaalis na sya, ni hindi man lang nya kami hinintay" malungkot na sabi ni Lian na napaupo sa lupa.
"Pinapasabi pala nyang pasensya na dahil hindi nya kayo nahintay at sana daw protektahan nyo ang buong kastilyo at mag-ingat daw kayo" sabi nang lalake.
"Tara puntahan natin sya sa Life Castle" sabi ni Gyn sa mga kasama.
"Hindi pwede, malayo rito ang Life Castle" malungkot na sabi ni Naht.
"Oo nga hindi tayo makakabalik agad kung sakaling atakihin ang Forest at Animal Castle" sabi ni Mach.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa Life Castle...
"Bakit nag-abala pa kayo nang ibang tao" sabi ni Reign na kausap ang kanyang ama.
"Para rin naman sa'yo yon" sabi ni Haring Rife.
"Tama ang daddy mo Reign, ikaw mismo ang nakakaalam kung gaano kalakas ang Mimic" sabi ni REYNA LIRE.
"Pero hindi sya tagarito, dapat ang Forest Castle ang protektahan nya" sabi ni Reign.
"Kailangang palaging malapit sa'yo ang Mimic para kung sakali mang..." sabi ni Haring Rife.
"Para kung sakaling lumabas ang Fatality" singit ni Reign.
"Akala ko ba pina-papatay ang mga sangol na nahuhulaang makakakuha nang Fatality" dagdag nito.
"Madaming manghuhulang nagsasabing buhay pa ang Demon Child, kasama na rito si Tiven" sabi nang Hari.
"Ang tagapagmana nang Yore?" sabi ni Reign.
"Isa pa, hindi rin naman Forest Castle ang grupong sinamahan nya" sabi nang hari bago may kumatok sa pinto.
"Ipagpaumanhin nyo kamahalan pero dumating na po ang karwaheng lulan nang Mimic" sabi ni Xech pagkapasok nito.
"Sige pupunta na ko sa throne room" sabi nang hari na naghanda na kaya hindi nya namalayan si Xech na tumingin kay Reign at ngumiti na parang nang-aasar.
"Tigilan mo ko Xech" sabi ni Reign gamit ang telepathy kasabay nang pagtingin rito nang masama.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kamusta ka na? Maayos na ba pakiramdam mo?" bati ni Cobe kay Drake.
"Maayos na ko, salamat" sabi ni Drake na tumingin sa paligid.
"Natutuwa ako at narito ka na Drake ang tagapagmana nang Vestige" sabi ni Haring Rife na pumasok sa throne room kasama sina Reyna Lire, Reign at Xech.
"Kamahalan" mahinang sabi nila Vode at Cobe na iniluhod ang kanang binti at iniyuko ang ulo, ganon din ang ginawa ni Drake at Xech na tumigil sa hilera nila.
"Magsitayo kayo" sabi nang hari bago sya umupo sa trono kasabay ang kanyang reyna.
"Hindi parin nag-babago ang itsura nya, medyo pumayat lang dahil sa matagal na pagkakatulog, pero maayos parin naman ang itsura nya" isip ni Reign na nakatingin kay Drake kaya hindi nya inaasahang tumingin ito sa kanya kaya mabilis nitong inalis ang paningin nya rito.
"Siguro naman nasabi na sa'yo ni Lore kung bakit ka narito" sabi ni Haring Rife na naging dahilan na mabaling rito ang pansin ni Drake.
"Nasabi na po nya kamahalan at handa na po akong protektahan ang prinsesa" sabi ni Drake na tinignan ulit si Reign na medyo namula na.
"Kung ganon, Reign samahan mo sya sa kwarto nya at i-tour mo narin sya sa buong kastilyo" sabi ni Haring Rife na tumingin sa anak na nasa tabi nya.
"Dad naman, bakit ako?" reklamo ni Reign na napatingin sa ama.
"Dahil katabi nang kwarto mo ang kwarto nya at para magkakilala narin kayo nang husto" sabi ni Haring Rife na tumingin sa anak at napangiti nang makita na medyo namumula ito.
"At bakit parang ngayon mo lang ako tinawag na dad sa harap nang ibang tao" dagdag nito sa tonong nang-aasar.
"Sige na, sige na" sabi ni Reign na naglakad na palabas.
"Tayo na" sabi nito na dinaanan si Drake.
"Una na po ako kamahalan" paalam ni Drake na yumuko sa hari bago kinuha ang gamit at sumunod kay Reign.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Pasensya ka na at pinapunta ka rito nang hari" sabi ni Reign bago binuksan ang isang pinto.
"Eto ang kwarto mo, nasa kabila lang ang kwarto ko" sabi ni Reign habang pumapasok si Drake sa kwarto.
"Ok lang yon prinsesa, pero hindi ko maintindihan" sabi ni Drake na tumingin kay Reign.
"Ang?" tanong ni Reign.
"Malakas ka na, sa tingin ko hindi mo na kailangan nang proteksyon" prangkang sagot ni Drake na tumingin kay Reign.
"Ayon nga din ang sinabi ko sa kanila" sabi ni Reign habang binababa ni Drake ang gamit nya.
"Salamat sa paghatid, prinsesa" sabi ni Drake na tumingin kay Reign.
"Ba't nagpapasalamat ka na dyan, hindi pa tayo tapos" sabi ni Reign na hinila si Drake sa braso.
"Teka lang prinsesa" sabi ni Drake kaso nag-patangay nalang sya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa throne room...
"Ano sa tingin mo hon?" tanong ni Haring Rife na nakatingin sa kanyang reyna, silang dalawa nalang ngayon ang nasa kwarto.
"Sa tingin ko umiibig na ang ating dalaga" sabi ni Reyna Lire na nakangiti.
"Ayon rin ang nasa isip ko, lalo na nung nakita ko kung gaano sya ka-concern sa kalagayan nito nung tournament" sabi ni Haring Rife na inalala ang panahong yon.
"Sa tingin ko na-love at first sight sya rito" sabi nang reyna.
"Tulad mo?" malambing na sabi nang hari na tumingin sa reyna.
"Hindi rin" direktang sagot nang reyna bago tumawa kasama ang hari.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinahapunan...
"Ang laki naman nang kastilyong to" sabi ni Drake na humiga sa kama dahil kakatapos palang nang tour nya sa buong kastilyo.
"Triple ang laki nito sa Forest Castle at kastilyo palang to... wala pa yung nasasakupan" sabi nito na nakatingin sa bubong.
"O, ba't nakahiga ka na dyan?" sabi ni Reign na pumasok sa kwarto.
"Nalibot na natin ang buong kastilyo diba?" sabi ni Drake na bumangon.
"Halika na may pupuntahan tayo" sabi ni Reign na hinawakan sa braso si Drake bago sila nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nasan tayo, prinsesa?" tanong ni Drake dahil nasa ilalim na sila nang isang malaking puno nang lumabas sila.
"Nasa gilid nang Life Castle, dito ako pumupunta kung gusto kong magpalipas nang oras" sabi ni Reign na huminga nang malalim.
"Nakakarelaks nga dito" isip ni Drake na nilibot ang paningin sa magandang tanawin.
"Malapit rin pala to sa Death Castle" dagdag nito nang makita ang isa pang kastilyo.
"Parang andali mong mapagod para sa isang ninja?" tanong ni Reign na nakatingin kay Drake.
"Dati ko pa ito problema prinsesa, madali akong mapagod kaya nag-sanay ako nang husto para tumama lahat nang aking ititira bago ako manghina" sagot ni Drake.
"Kaya din siguro naging ganon ang reaksyon nang katawan mo pagkatapos nang laban natin" sabi ni Reign.
"Ayon din nga po ang iniisip ko, nasobrahan ako nang pag-gamit sa monster form" sabi ni Drake bago kumalam ang sikmura nya at tumawa si Reign.
"Mukhang hindi pa nakakabawi ang sikmura mo" sabi ni Reign.
"Mukha nga po" sabi ni Drake na napangiti.
"Madaming prutas sa punong to, kumuha ka nalang" sabi ni Reign na biglang inilihis ang paningin kay Drake.
"Sige" sabi ni Drake bago tumalon paakyat nang puno.
"Bakit ganoon" sabi ni Reign na hawak ang dibdib habang nakatingin kay Drake na nasa mga sanga na nang puno.
"Reign, narito ka pala" narinig nyang sabi nang isang boses lalake.
"Lantis, anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Reign na nakatingin sa lalakeng papalapit.
"Nabagot kasi ako sa kastilyo kaya naglakad-lakad, ikaw?" sabi ni Lantis.
"Ganon din" sabi ni Reign.
"Tara, mamasyal tayo" yaya nang lalake na hinawakan sa braso si Reign, kaso...
"Anong?!" gulat na sabi ni Lantis nang biglang may tumalon pababa nang puno at hinawakan ang kamay nya at inalis sa pagkakahawak nito kay Reign.
"Hindi sya pwedeng sumama sa'yo" sabi ni Drake na binitawan na si Lantis.
"Sino ka bang pakialamero ka? Hindi mo ba ako kilala? Ha!" sabi ni Lantis na tinulak si Drake na napaatras nang konti.
"Tama na yan Lantis" sabi ni Reign na pumagitna sa dalawa.
"Sino ba yang pakialamerong ninjang yan?!" sabi ni Lantis na nakatingin nang masama kay Drake at ganon din ito sa kanya.
"Sya si Drake ang bodyguard ko" sabi ni Reign.
"Bodyguard?!" napatawang sabi ni Lantis na tinignan si Drake mula ulo hangang paa.
"Naaalala kita" sabi nito na nakatingin kay Drake.
"Ikaw ang sinasabi nilang kamukha ko, ang Mimic tama ba ko?" sabi ni Lantis na tumingin sa mukha ni Drake.
"Di hamak naman na mas may itsura ako kaysa sa'yo, dahil isa kalang pipitsuging ninja" dagdag nito sa pagitan nang pagtawa.
"Tama nayan Lantis" sabi ni Reign dahil mukhang walang balak lumaban ni Drake.
"Ano? Ba't wala kang masagot? Dahil ba tama ako? Isa kalang pipitsuging ninja" sabi ni Lantis na tinulak ulit si Drake kaso ngayon ay ni hindi ito umatras.
"Bakit? Napipikon ka na ba?" pang-aasar nito dahil pumikit si Drake at huminga nang malalim.
"Tama na yan sabi" sabi ni Reign na pumagitna sa dalawa bago...
"Aaaaaahhhhhh!" narinig nilang sigaw nang mga tao sa di kalayuan.
"Tayo na" sabi ni Reign na hinawakan sa braso ang dalawa bago sila nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"TULONG!" sigaw nang isang bata na pumikit dahil hahampasin ito nang isang halimaw.
"Huwag ka nang matakot narito na kami" narinig nyang sabi nang isang babae.
"Prinsesa Reign" masayang sabi nang bata nang makita ang tatlo.
"Kailangang maalis rito ang mga tao" sabi ni Lantis na nasa balikat na nang halimaw kanina at kontrolado na nya ito.
"Ako nang bahala don" sabi ni Drake na iniluhod ang isang binti at tumingin sa mukha nang bata.
"Tayo na Reign" sabi ni Lantis na nilusob na ang isang halimaw gamit ang kontrolado nya.
"Sige" sabi ni Reign na tumingin muna kila Drake bago tinira nang apoy ang malapit sa kanila.
"Huwag kang matakot" dagdag nito bago sila lumubog sa sahig.
"Ang lakas nang loob nyong atakihin ang nasasakupan nang Life Castle" sabi ni Reign na nag-ipon nang apoy sa kamay bago ito binato sa halimaw.
"Anong?!" gulat na sabi nito dahil bumalik ang tinira nya na doble ang bilis kaya wala syang nagawa kundi umiwas.
"Reign wag dyan!" narinig nyang sigaw ni Lantis.
"Lagot na" sabi ni Reign dahil tatama sya sa patalim na nasa kalasag nang isang halimaw na naghihintay sa likuran nya.
"Reign!" sabi ni Lantis na iniwan ang halimaw at tumakbo papunta kay Reign, kaso...
"Drake?!" gulat na sabi ni Reign nang biglang lumabas si Drake at inilihis sya nito nang direksyon kaso...
"Drake!" sigaw nito dahil si Drake ang tumama sa kalasag.
"Pakialamero" sabi nang halimaw na binato ang kalasag habang nandoon pa si Drake.
"Hinde" sabi ni Reign na susundan sana ang kalasag kaso hinarangan sya nang halimaw.
"Dapa" narinig nyang sabi nang isang boses bago nilabas nang halimaw ang kanyang pamalo.
"Ano?" nagtatakang sabi ni Reign kaso may naalala ito kaya sinunod nya yung boses.
"Ayos ka lang?" narinig nyang sabi ni Lantis na nakasakay sa halimaw sa likod nya kasabay nang pagbaksak nang halimaw sa harap nya.
"Oo, salamat" sabi ni Reign habang tumatayo.
"Nasan na yung Mimic?" tanong ni Lantis na tumingin sa paligid.
"Tumalsik sya kasama nang kalasag" sabi ni Reign na tatakbo sana papunta sa kalasag kaso napatigil sya nang may nakitang mga palasong papunta sa kanya kaso biglang may aninong humarang rito at hinigop ang mga palaso.
"Ano ka ba naman prinsesa, ngayon alam ko na kung bakit ka ikinuha nang bodyguard" sabi ni Drake na duguan at unti-unting lumilitaw sa likod nang anino at sa harap ni Reign.
"Masyado kang pabaya" sabi ni Drake bago bumalik ang mga palaso sa halimaw na tumira nito.
"Buhay ka" masayang sabi ni Reign na niyakap si Drake.
"Aw" sabi ni Drake kaya umalis agad si Reign.
"Pasensya na" sabi ni Reign na medyo namula.
"Mamaya na yan, may mga halimaw pa" sabi ni Lantis bago sumabog ang isang halimaw.
"Pasensya na at ngayon lang kami dumating" sabi ni Vode na biglang lumitaw sa tabi nang tatlo kasama nito si Cobe.
"Ayos ka lang prinsesa?" tanong ni Cobe na tumingin kay Reign.
"Ayos lang ako, pagalingin mo si Drake" sabi ni Reign na tinuro ang lalakeng napaupo na dahil sa panghihina.
"Ayos lang ako, unahin mo yung mga tao sa labas nang bayan" sabi ni Drake na pinilit tumayo.
"Sigurado ka?" tanong ni Cobe na nag-aalangan dahil parang naliligo na sa dugo si Drake.
"Mas madaming mas malala sa kanila" sabi ni Drake na tinapat ang kaliwang kamay kay Cobe bago ito nawala.
"Tayo na" sabi ni Reign na naghanda nang makipaglaban.
"Tapos na" sabi ni Lantis na tumalon na pababa sa halimaw matapos nitong utusan na tapusin ang sarili.
"Anong tapos na?" nagtatakang sabi ni Vode na tumingin sa paligid at nakita ang mga kalat na bahagi nang halimaw sa paligid.
"Tapos na, dahil tinapos ko na sila habang nag-uusap kayo" narinig nilang sabi ni Xech bago nawala ang hawak nitong rocket launcher.
"Buti naman" sabi ni Drake na napaupo na ulit.
"Drake" sabi ni Vode na sinalo si Drake at inalalayan ito paupo.
"Bakit mo kasi ginawa yon?" tanong ni Reign.
"Bodyguard mo ko diba" sabi ni Drake bago may malakas na ilaw ang bumalot sa buong paligid.
"Pasikat" mahinang sabi ni Lantis na naglakad na paalis.
"Sandali lang Lantis" pigil ni Reign sa lalake.
"Salamat" dagdag nito nang lumingon ang lalake.
"Wala yon, gagawin ko lahat para sa'yo, alam mo yon" sabi ni Lantis bago ito nagpatuloy mag-lakad.
"Salamat rin" sabi ni Reign na tumingin kay Drake.
"Wala yon prinsesa, ginagawa ko lang ang trabaho ko" sabi ni Drake na nakatingin sa babae.
"Loko ka, huwag mo nang gagawin ulit yon" sabi ni Reign tumingin sa malayo.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung..." isip ni Reign.
"Ano yon prinsesa?" tanong ni Drake na hindi alam na nagamit nya ang kanyang telepathy.
"Ha!" gulat na sabi ni Reign na napatingin kay Drake.
"Huwag mo daw ulit gagawin yon" sabi ni Vode na inalalayang tumayo si Drake.
"Ayaw talaga nang prinsesa na isakripisyo natin ang buhay natin para sa kanya" pagtatakip ni Vode na kinindatan si Reign na inisnaban naman sya.