Seal

4126 Words
"Ano kayang sasabihin nila tito at tita" sabi ni Sherwin habang naglalakad pa-uwi nang... "Mabuti naman at nakita na kita, Sherwin Amante o Black Ninja" sabi nang samurai na humarang sa daraanan ni Sherwin. "Anong kailangan mo?" tanong ni Sherwin na nakatingin sa lalake. "Ang buhay mo" sabi nang samurai na inatake si Sherwin. "Teka lang, sino ka ba?" tanong ni Sherwin na iniwasan ang espada. "TOM QUIJANCE" sagot nito na ginalaw ang espada sa direksyon ni Sherwin. "Hindi kita kilala" sabi ni Sherwin na nilabas ang sandata para sangain ang espada. "Hindi mo ko kilala, pero ikaw kilala ko" sabi ni Tom na inatake sunod-sunod si Sherwin. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang sabi ni Sherwin habang hinarangan nang sandata nya. "Pinatay mo ang tatay ko!" sigaw ni Tom na patuloy sa pagatake. "Pinatay" sabi ni Sherwin na natigilan na naging dahilan nang pagtama nang espada sa braso nya. "Pinatay mo sya kasama nang iba pang mga tao" sabi ni Tom na sinaksak si Sherwin sa tyan. "At ngayon ipaghihiganti ko sila" sabi ni Tom na hinugot ang patalim. "Pero binuhay na namin sila" sabi ni Sherwin na hawak ang sugat upang pigilan ang pagdugo at ginawang tungkod ang lance. "Binuhay?!..." sabi ni Tom na natawa "...huwag mo kong lokohin" sabi ni Tom bago umilaw ang espada nya habang naglalakad patalikod. "Di lang kayo ang may kakayahan" sabi ni Tom na tinaas sa kanan ang espada at bago pa-slant na ibinaba ito sa direksyon ni Sherwin. "Kailangang ipunin ko ang lakas ko para makapag-teleport" isip ni Sherwin na pinipilit nalang na tumayo nang biglang may tumama sa kanyang pwersa na nangaling sa espada bago sya nag karoon nang hiwa sa natamaan nito. "Tapos ka na, huwag kang mag-alala dahil malalakas rin naman ang iba pang nakalaban sa Class A" sabi ni Tom na lumapit kay Sherwin na tumatayo. "Kahit hindi ako ang ipalit sayo ok lang, ang mahalaga mapatay kita" dagdag nito na hinanda na ang espada. "Bakit hindi ka lumaban, ha" sabi ni Tom na tinaas ang espada na umilaw ulit. "Nakokonsensya ka na ba sa mga buhay na pinatay mo nang walang dahilan" sabi ni Tom na binaba na ang espada kaso biglang naglaho si Sherwin. "Teleportation" sabi ni Tom dahil sa sahig tumama ang espada. "Di bale, madami akong pinsalang nagawa sa kanya, pinsalang hindi basta-basta gagaling kahit na sa kakahayahan nang White Ninja" sabi ni Tom na binalik na sa lalagyan ang espada. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ang tagal naman nang pamangkin mo" sabi ni Eric na nag-aabang sa may pinto nang... "Ano yon?" tanong ni Liza nang may narinig silang ingay sa kwarto ni Sherwin bago sila nagmamadaling umakyat nang hagdan. "Dugo!" sabi ni Liza nang may makita silang dugong umaagos sa ilalim nang pinto. "Lumayo ka" sabi ni Eric na sinunod nang babae bago nya sinipa ang pinto para bumukas. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ba't di ka gumanti?" tanong ni Drake nang lumabas sila sa kwarto ni Sherwin. "Tao sya" sabi ni Sherwin na paharap na bumagsak malapit sa pinto. "Tao nga sya, pero bakit pinabayaan mong mapuruhan ka. Alam mo naman ang mangyayari kapag mamatay ka" sabi ni Drake dahil naliligo na si Sherwin sa sariling dugo. "Bakit hindi pa ako gumagaling" isip ni Sherwin na hindi pinansin si Drake. "Oo nga noh, hindi kaya na-selyado ulit ang regenerating ability mo" sabi ni Drake nang biglang bumukas ang pinto bago nawalan nang malay si Sherwin. "Sherwin!" sigaw ni Liza nang makapasok sila. "Tumawag ka nang taxi" sabi ni Eric na binuhat si Sherwin. "Sherwin, Sherwin sagutin mo to" narinig nilang sabi nang isang boses nang lalake mula sa relos. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Alex" narinig nyang tawag ni Anne. Sila ngayon ay nasa harap nang bahay nila Sherwin. "Anne, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Alex sa babae bago dumating si Aira. "Masama ang kutob ko" sabi ni Anne. "Ganon din ako" sabi ni Aira. "Alex" narinig nilang sabi ni Shane mula sa relos. "Bakit Shane?" sabi ni Alex na inilapit ang relos sa bibig nya. "Pwede mo bang tignan ang hinaharap, masama kasi ang kutob ko" sabi ni Shane. "Ayon nga ang problema, hindi ko makita ang hinaharap" sabi ni Alex bago tumatakbong lumabas ang isang babae. "Tulong! Tulungan nyo kami!" sigaw nito sa labas na eksaktong may humintong taxi sa harap nang bahay. "Bakit po?" tanong ni Ivan na lumabas sa taxi, kasabay nang paglapit nila Alex at pagdating ni Shane na tumatakbo. "Ang pamangkin ko" sabi ni Liza na umiiyak. "Si Sherwin" sabi ni Anne na papasok sana sa bahay kaso nasalubong nya si Eric na buhat ang walang malay at duguang si Sherwin. "Huwag po kayong gagalaw" sabi ni Alex na hinawakan sila Liza at Eric. "Hintayin nyo sila Robert, papunta narin sila rito" sabi nito na tumingin kila Aira. "Sasama ako" sabay na sabi nila Aira at Anne na sabay ring humawak kay Alex. "Ako rin" sabi ni Shane na humawak rin. "Sige na ako nang maghihintay sa kanila" sabi ni Ivan na eksaktong pagdating ni Nick. "Wala na sila?" nanghinayang na sabi ni Nick dahil nagteleport na paalis si Alex kasama ang iba. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa labas nang operating room, ilang oras ang lumipas... "Masama to, baka lumabas ang Archdevil" sabi ni Nick na di mapakali sa corridor. "Handa na ko pagnangyari yon" sabi ni Aira na may nakatagong patalim. "Anong ibig nyong sabihin?" tanong ni Liza dahil kausap ni Eric sa cellphone ang nanay ni Sherwin. "Ako na pong bahalang magpaliwanag" sabi ni Robert na pinakamalapit kay Liza. "Hindi lalabas ang Archangel hangat hindi lalagpas sa labing-dalawang elemento ang makukuha nang Spirit" sabi Alex. "Isa pa wala sa atin ang Cypt at Dawn, and dalawang pinakamahalagang elementong dapat makuha nang Spirit" sabi ni Nick. "Di ba may kakayahang magpagaling si Sherwin?" sabi ni Kier. "Oo nga" sabi ni Anne. "Hindi yon gumagana, sa tingin ko naselyado ito muli kasama nang iba nyang kakayahan" sabi ni Alex. "Sino nga pala ang nakalaban nya? Si Luis?" sabi ni Aira. "Hinde, si Tom ang nakalaban nya, yung lalakeng may samurai sa event" sabi ni Alex. "Ano?!" gulat na sabi ni Kier. "Sino sa inyo ang kamag-anak?" tanong nang isang doctor na lumabas sa operating room. "Kami po, pamangkin po namin sya" sabi ni Liza na sumalubong. "Wala na po kaming magagawa, masyadong madaming dugo ang nawala sa kanya at madami ring internal organs ang natamaan" sabi nang doctor. "Dok, gawin nyo ang lahat na pwedeng gawin" sabi ni Eric. "Ikinalulungkot ko pero ginawa na namin ang lahat" sabi nang doctor habang naglalapitan sina Aira maliban kay Shane na nanatiling nakaupo at nakapikit. "Hindi sya pwedeng mamatay dok" sabi ni Anne nang makalapit sila. "May masamang mangyayari pag-nangyari yon" sabi ni Nick na ikinataka nang doctor. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Eric na tumingin kay Nick. "Huli na ang lahat" sabi ni Alex bago sila may narinig na sigawan sa loob nang operating room. "Dok, palabasin nyo ang lahat sa ospital" narinig nilang sabi ni Shane na umiilaw ang kanang kamay "Baka sakaling hindi ito gumana" sabi nito na may hawak nang krystal pagkawala nang ilaw. "Tayo na" sabi ni Aira na papasok na kaso sinalubong sila nang nagtatakbuhang crew nang ospital. "Anong nangyari?" tanong nang doctor sa isa. "Yung pasyente dok, may lumabas na bagay sa kanyang likod pagkatapos nyang lumutang" sabi nang pinagtanungan "Tayo na" sabi ni Nick sa mga kasama at tumingin sa direksyon ni Shane kaso wala na ito ron. "Si Shane?" tanong ni Nick na tumingin sa mga kasama. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi ko hahayaang lumabas ka" sabi ni Shane na nakatingin kay Sherwin na unti-unting tinutubuan nang itim na pakpak. "Siguradong ako ang unang biktima pag-hindi ka gumana" sabi ni Shane na tinignan ang krystal. "Kaya gumana ka nang tama" sabi nito bago binato ang crystal sa direksyon ni Sherwin. "Shane!" sigaw ni Aira na nakita ang ginawa ni Shane bago tumigil ang krystal sa tapat ni Sherwin at umilaw. "Anong nangyari?" tanong ni Nick dahil unti-unting nasisira ang pakpak ni Sherwin nang nawala ang ilaw at bumagsak ito sa kama. "Gumana sya" masayang sabi ni Shane habang pinupulot ang krsytal sa sahig. "Anong klaseng crystal yan at anong nangyari?" tanong ni Liza nang makapasok ito sa loob. "Isa po itong gadget na mukha lang krystal, kaya po nitong higupin ang elemento" sabi ni Shane na pinakita ang simbolo sa crystal. "Anong sinabi mo?" sabi ni Eric na hindi naintindihan ang sinabi ni Shane na pinakita ang simbolo sa crystal. "Ang Fatality" sabi ni Nick nang nakita ang simbolo. "Fatality?" sabi ni Eric na naguguluhan parin. "Tama, tinangal ko muna yung Fatality sa kanya habang wala pa syang buhay" sabi ni Shane na hindi pinansin si Eric. "Teka lang, sagutin nyo naman ang tanong ko" sabi ni Eric na pumagitna na. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Pagkalipas nang ilang oras... "Sigurado ba kayo?" tanong ni Liza dahil nasa harapan sila nang ospital ilang minuto bago sumikat ang araw. "Sigurado po" sabi ni Ivan na nakatingin kina Aira at Sherwin sa di kalayuan. "Shane, sa tingin ko mas makakabuti kung huwag mo nang ibalik kay Sherwin ang Fatality" sabi ni Nick sa katabi. "Ayun nga rin ang iniisip ko, kaso dapat si Sherwin ang mag-pasya" sabi ni Shane na hawak parin ang krystal. "Pero babalik agad ito kapag nadikit ito sa ano mang parte nang katawan nya, kaya ipapasok ko muna ito sa isang bag para magamit parin nya ang Dark Elements nang wala sa katawan nya ang Fatality, kaso kalahati lang ang lakas nito" sabi ni Shane kaso hindi na nakikinig si Nick dahil nag-simula na si Aira na buhayin si Sherwin pagkalabas na pagkalabas nang araw. "Tignan mo to, hindi na naman pala nakikinig" sabi ni Shane na tumingin narin kay Aira. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nasan ako?" sabi ni Sherwin habang bumabangon. "Aira?" nagtatakang sabi nito nang makita si Aira. "Sherwin!" narinig nyang sabi ni Liza mula sa likod ni Aira. "Paan..." sabi ni Sherwin kaso hindi na nya ito natapos dahil niyakap sya nang babae. "Maraming salamat hija" sabi ni Eric na lalong ikinagulat ni Sherwin. "Salamat?" sabi ni Sherwin na walang maintindihan. "Magpasalamat ka sa kanya at binuhay ka nya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa magulang mo pag-nagkataon" sabi ni Liza na binitawan na si Sherwin. "Binuhay?!" nagtatakang sabi ni Sherwin na may bahid nang pagaalala na tumingin sa mga kaibigan. "Mas maganda ata kung makikita mo" sabi ni Alex na lumapit kay Sherwin at hinawakan ito. "Makita?" nagtatakang sabi ni Sherwin na tumayo na habang nakatingin kay Alex. "Huwag kang mag-alala" sabi ni Alex na tumawa bago sila nawala ni Sherwin. "Anong nangyari?" tanong ni Liza. "Kung tama ang naiisip ko, bumalik sila sa nakaraan" sabi ni Nick na lumapit. "Nakaraan?" sabi ni Eric na eksaktong pag-balik nila Sherwin at Alex. "Kayo nga ang mga lumaban sa Class S dun sa tournament" sabi ni Eric na tinignan sila isa-isa. "Sabi na, kaya pamilyar ang mukha mo" sabi nang doctor na nakatingin kay Sherwin. "Magkakakilala pala kayo?" sabi ni Liza na nakatingin sa syam. "Magkaka-ibigan po kami" sabi ni Shane. "Salamat Alex" sabi ni Sherwin sa katabi. "Kailangan na nating maghanda para sa prescon" sabi ni Anne na naalala ang prescon. "Magkano po ang babayaran sa ospital?" tanong ni Eric sa doctor. "Huwag na kayong magbayad, sapat nang bayad ang pagiging kalahok nya sa tournament" sabi nang doctor na nakatingin sa syam. "Pero po..." sabi ni Sherwin. "Ayos lang yon, sa lakas mo siguradong kayo ang mananalo sa tournament" singit nang doctor. "Salamat po doc" sabi ni Liza bago sila nagpaalam at naghiwa-hiwalay. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sige po, mag-aayos na po ako" sabi ni Sherwin pagkarating nila sa tinutuluyan nila. "Pero hindi pa nalilinis ang kwarto mo" sabi ni Eric na nakatingin kay Sherwin na paakyat na nang hagdan. "Ayos lang po yon" sabi ni Sherwin bago ito nagpatuloy sa pag-akyat. "Salamat po pala" sabi ni Sherwin na tumingin sa dalawa bago tumakbo paakyat. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi parin bumabalik yung tatay nung Tom" sabi ni Sherwin na iniwasan ang dugo sa sahig. "Isa kaya sya sa bangkay na kinuha ni Luis" dagdag nito habang kumukuha nang mga gamit. "Ano sa tingin mo Drake?" tanong nito kaso walang sumagot. "Drake?" tawag ulit ni Sherwin na napatigil sa ginagawa. "Anong proble..." sabi nito nang wala paring sumagot, kaso natigilan sya nang may narinig syang umaakyat nang hagdan. "Sige na maligo ka na at ako nang maglilinis rito" sabi ni Eric na may dalang timba na puno nang tubig. "Ako na pong bahala" sabi ni Sherwin na gumawa nang simbolo gamit ang kamay kaso natigilan ito sa nakita. "Ang Vestige" isip ni Sherwin na tinitigan ang simbolo. "Bakit?" tanong ni Eric na nakatingin kay Sherwin. "Wala po to" sabi ni Sherwin na inulit ang simbolo at... "Shadow Clone Technique" sabi ni Sherwin bago may lumabas na tatlong kopya nya. "Kayo nang bahala sa kwarto" sabi ni Sherwin sa mga kopya bago kinuha ang mga gamit nya. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Shane" tawag ni Sherwin sa kaibigang nakasuot nang itim na jacket, t-shirt at pantalon na tinernuhan nya nang itim ring shades at buhok na naka-gel at nakasuklay patalikod. Sila ngayon ay nasa Malacañang at suot ang mga bago nilang disguise na sila mismo ang nag-decide kung ano. "Bak..." sabi ni Shane kaso natigilan ito nang makita ang kaibigan na nakasuot nang itim na damit at pantalon na may pulang kapa na sira-sira ang dulo at tinatakpan ang buo nyang katawan at kalahati nang mukha na may gulo-gulong buhok at may nakataling itim na tela sa noo. "Ayos lang ba?" tanong ni Sherwin dahil napansin nyang natigilan ang kaibigan nya. "Astigin" narinig nilang sabi ni Kier na nakatingin kay Sherwin, ito ngayon ay nakasuot nang pulang chaleko, bughaw na damit na sira-sira ang dulo nang manggas at may pantalong maong na may sira sa bandang binti at pilak na bandana. "Hindi ka ba naiinitan dyan?" tanong ni Shane na nakatingin sa may likuran ni Sherwin. "Hindi naman" sabi ni Sherwin kaso napansin nyang hindi sya ang tinutukoy nito kaya lumingon ito sa likod. "Tubig" sabi ni Ivan na sumandal sa dingdeng, ito ngayon ay may suot nang makapal na coat na sinusuot nang mga naninirahan sa mga malalamig na lugar. "Ba't naman kasi ganyan ang suot mo?" narinig nilang sabi ni Aira na kadarating palang, ito ay nakasuot nang puting cloak na tinernuhan nang puting damit sa loob. "Eto lang kasi yung naiisip kong babagay sa pangalan" sabi ni Ivan na biglang napadiretso. "Alam ko na" sabi nito bago pinalamig ang hangin na nakapaligid sa kanya. "Bakit nga pala?" tanong ni Shane na tumingin kay Sherwin. "Kukunin ko na yung crystal, kung ok lang sayo" sabi ni Sherwin. "Ba't naman hindi, pero sigurado ka?" sabi ni Shane habang kinukuha ang crystal sa bulsa. "Sigurado" sabi ni Sherwin habang inaabot ang isang maliit at pulang bag. "Nasa loob nyan yung crystal, babalik agad sayo ang Fatality kapag hinawakan mo nang direkta ang crystal" sabi ni Shane habang binubukas ni Sherwin ang bag. "Ang tagal nyo naman?" sabi ni Nick na lumabas mula sa conference room, ito ay nakasuot nang pulang long-sleeves at nababalutan nang armor na pinaghalong pula at dilaw. "Pumasok na kayo" sabi ni Alex na kasunod ni Nick, ito ay naka-cloak nang brown ngunit hindi nya suot ang hood. "Tayo na" yaya ni Aira na pumasok na kasunod ang iba. "Shane" tawag ni Sherwin sa papasok na lalake. "Bakit?" tanong ni Shane na tumigil at nilingon si Sherwin. "Salamat" sabi ni Sherwin na itinaas ang bag. "Sus, ayos lang yon" sabi ni Shane bago binulsa ni Sherwin ang bag. "Para san bang naging mag-bestfriend tayo" dagdag nito bago sila sabay na pumasok ni Sherwin. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Bakit?" tanong ni Sherwin dahil naabutan nila si Kier at Ivan na nagpipigil nang tawa. "Tumigil na nga kayo at umupo" sabi ni Anne na naka-bughaw na kapa at may fitted at itim na armor sa loob. "Ba't..." hindi na natapos ni Shane ang sasabihin dahil nagpigil narin ito nang tawa. "Bakit naman kasi ganyan ang suot mo?" tanong ni Sherwin sa namumula nang si Robert, ito ay naka-suot nang berdeng bahag at ngayon ay nanginginig na sa ginaw. "Aksidenteng napindot ko yung button at ito ang lumabas" sabi ni Robert bago umingay sa buong kwarto nang hindi na nakapagpigil ang tatlo, kaso sandali lang ito dahil pinatigil sila ni Alex. "Hindi na ba pwedeng mapalitan ang disguise?" tanong ni Aira bago pinagalaw ni Alex si Shane. "Pwede pa" sabi ni Shane na lumapit kay Robert. "Alisin mo ang disguise" sabi nito na sinunod naman ni Robert bago tinapat ni Shane ang kanang kamay sa relos ni Robert. "Ayusin mo na ang pag-iisip" sabi ni Shane bago umupo sa isang upuan. "Umupo narin kayo" sabi ni Alex bago pinagalaw sina Kier at Ivan. "Magandang umaga" bati nang presidente na kasama ang assistant nya. "Magandang umaga rin po madame president" sabay na sabi nang syam na tumayo bilang pagbigay galang. "Maupo na kayo at magsisimula na tayo" sabi nang presidente sa syam nang makarating sya sa gitna nang mesa. "Papasukin na ang mga reporters" sabi nito pagkaupo nya sa upuan. "Naman" mahinang sabi ni Robert na nag-isip na agad at pinindot na ang button nang relos bago sya umilaw at lumabas sya na naka-brown na pantalon at berdeng chaleko na parang gawa sa mga dahon, may tela rin itong pinaghalong brown at berdeng kulay. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Magandang umaga, natutuwa akong ipakilala ang kakatawan sa ating bansa" sabi nang presidente nang nagsimula na ang prescon. "Mula sa dulong kanan; si Nicholas Crane Vasquez, Aira Gayle Casis, Alexander Charles Tamayo at Ivan Lester Salaver"pakilala nito habang isa-isang tumatayo sila Nick. "Mula naman sa dulong kaliwa; Sherwin Drake Amante, Shane Nestor Muños, Robert Philip Fuentes, Kier Arsenio Ortiz at Anne Marie Garcia" "Maaari na kayong mag-tanong" sabi nang presidente pagkaupo ni Anne. "JOSEPHINE REYES po nang Philippine Daily Inquirer" narinig nilang sabi nang isang babae sa malapit "Maraming taong gustong malaman kung paano nyo nakuha ang inyong kakayahan, ito ba ay inborn o may nang-yari sa inyo?" tanong nito bago nagkatinginan sila Sherwin at walang nakapagsalita. "Bahala na" isip ni Nick. "Nakuha po namin ang kakayahan namin pagkatapos lumabas nung mga nilalang limang buwan na ang lumipas" sabi ni Nick. "Anong ibig nyong sabihin? Kayo yung mga nilalang na iyon?" tanong ni Josephine. "Opo, kami nga po yon" sabi ni Aira dahil parang ayaw sabihin ni Nick. "Pero hindi po namin ito sinasadya at wala naman pong nasawi" dagdag ni Anne. "JESSIE MARQUEZ po nang GMA Network" sabi nang isang lalake sa di kalayuan. "Anong ibig nyong sabihin sa hindi nyo sinasadya? Wala ngang nasawi nung araw na yon pero maraming nasira at nagsimula naring lumabas ang mga halimaw" sabi nito. "Nung araw pong yon ay may tumama sa aming ilaw at nawalan po kami nang malay, nagising nalang po kami na nasa ospital na" sabi ni Alex. "Bale hindi nyo naalala ang nangyari?" tanong ni Jessie. "Hindi po, narinig nalang po namin ito sa balita" sabi ni Robert. "Pano yung mga lumabas na halimaw nung mga sumunod na araw?" tanong ni Jessie. "Sila po yung mga taong nadaplisan nang mga ilaw na tumama sa amin, nababalik naman po namin sila sa pamamagitan nang pagtalo nang kung kaninong ilaw ang tumama sa kanila" sabi ni Shane. "Ikinalulungkot po namin yung mga nasawi at hindi namin naibalik dati" sabi ni Ivan. "ALVIN SORIANO po nang ABS-CBN netwowk" sabi nang isang lalake sa bandang harap. "Maaari bang malaman kung ano kayo sa mga lumabas na nilalang?" tanong nito. "Ako po yung Phoenix" sagot ni Nick. "Ako po yung Anghel" sagot ni Aira na naging dahilan nang bulungan. "Ako po yung Garuda" sagot ni Alex. "Ako po yung Unicorn" sagot ni Ivan. "Ako po yung Griffin" sagot ni Anne. "Ako po yung Hydra" sagot ni Kier. "Ako po yung Golem" sagot ni Robert. "Ako po yung Alphyn" sagot ni Shane. "Ako po yung Demonyo" sagot ni Sherwin na nagpatahimik sa lahat. "Ikaw yung..." narinig nilang sabi nang isang babae sa dulo. "May mga lumabas rin na mga nilalang sa ibang bansa, ibig sabihin may mga kakayahan rin ang mga ito? At pano yung mga ibang nakalaban sa Class A?" sabi ni Alvin. "Ayun din po yung naiisip namin na dahilan nang tournament na ito" sabi ni Shane. "Yung mga lumaban naman po sa Class A, sila po yung mga lumabas na halimaw dati na naibalik namin sa dati. Yung iba naman po don ay sa tingin namin nakuha ang kakayahan trough evolution" sabi ni Shane. "DENNIS GUIVARA po nang Manila Bulletin" sabi nang isang lalake sa bandang gitna. "Maaari bang malaman kung sino ang magiging pinuno nang inyong grupo sa tournament?" tanong nito. "Pinuno?" sabay na sabi nang walo na tumingin kay Sherwin. "Di ko gusto to" isip ni Sherwin dahil nagsingitian ang mga ito. "Di pa po namin ito napag-uusapan pero sa tingin po namin si Sherwin ang karapat dapat na maging pinuno" sabi ni Kier na nagpaingay. "A..." gulat na sabi ni Sherwin kaso natakpan ni Shane ang bibig nya. "Bakit ang demonyo at hindi ang anghel?" tanong ni Dennis. "Oo nga" sabi ni Sherwin sa lahat gamit ang telepathy nya. "Si Sherwin po kasi ang pinakamalakas sa amin, nakita nyo naman po ang nagagawa nya kahapon" sabi ni Robert. "Oo nga nakakabilib sya kahapon, pero mas malakas sya kaysa kay Ms.Casis?" tanong ni Jessie. "Si Sherwin po ay malakas sa umaga at lalong lumalakas kapag gabi, samantalang malakas lang po ako kapag umaga at lubos na humihina tuwing gabi" sabi ni Aira. "MIKE SALVADOR po nang TV5 Network" sabi nang isang lalake malapit sa gilid. "Ang tanong ko ay para kay Mr.Amante" sabi nito na tumingin kay Sherwin. "Masama ang kutob ko dito" isip ni Sherwin. "Dahil sa itim na elementong ginamit mo kahapon ay maraming nagsasabi na ikaw ang Black Ninja na pumatay sa madaming tao dati, totoo ba ito?" tanong ni Mike. "Totoo po yon" sagot ni Sherwin sa mahinang boses. "Totoo!" gulat na sabi nang ibang tao. "Hindi ko naman po yon ginusto, nawala po ako sa sarili nung mga oras nayon dahil sa hindi inaasahang pangyayari" depensa ni Sherwin. "Nabuhay rin naman po namin ang karamihan sa mga taong yon" habol nito. "Hindi makontrol, paano kami makakaasa na hindi na ito mangyayari ulit? At bakit yung iba lang ang nabuhay nyo?" tanong ni Mike. "Nagawan na po namin nang paraan yon at sinisigurado ko pong hindi na yon mangyayari" sabi ni Shane. "Dun naman po sa mga taong hindi namin nabuhay, sila po ay tinangay ni Luis nung araw din nayon bago pa namin sila mabuhay" sabi ni Alex. "Maaari bang itanong kung may ideya kayo kung ano ang nangyari sa kanila?" tanong ni Jessie. "Ideya?" sabi ni Nick na tumingin sa mga kasama na halatang wala ring ideya. "Ano po kasi..." sabi ni Alex na hindi alam ang isasagot. "...hindi po namin alam" sabi ni Aira. "Hindi kaya..." sabi ni Sherwin kaso nakalimutan nyang takpan ang mike. "Hindi kaya ano?" sabi ni Josephine. "May hinala po akong ginamit sila nila Luis" sagot ni Sherwin na ikinagulat nang lahat pati ang mga kasama nya. "Anong ibig mong sabihin Mr.Amante?" tanong ni Josephine. "Oo nga Sherwin?" mahinang sabi ni Shane na tinakpan ang mike. "Sa tingin ko po ginamit ni Luis ang katawan para buhayin ang kanyang mga alagad na tinatawag nyang Oni" sabi ni Sherwin. "Oni?" sabi ni Alvin. "Pasensya na po pero hindi rin ako sigurado, ang sigurado ko lang ay tatlo sa miembro ay nakita na natin nung isang araw" sabi ni Sherwin. "Kung ganoon yung dalawang may dala nang stage para sa event at yung lalakeng nagpasabog nang lupa ay miembro nang Oni" sabi ni Alvin na nakatingin kay Sherwin na tumango. "Maaari bang malaman kung paano mo nalaman ito?" tanong ni Mike. "Oo nga Sherwin? Sinabi ba ito nang dating may hawak nang elemento mo?" tanong ni Shane dahil sya lang ang makakapagtanong nang hindi makukuha nang mike. "Mahirap pong ipaliwanag" sabi ni Shane na inalis na ang takip sa mike nya dahil tumango si Sherwin. "Maiba ako, pwede bang malaman ang mga kakayahan nyo?" tanong ni Alvin. "Pasensya na pero sa tingin ko hindi natin dapat bigyan nang dahilan ang mga kalaban na makapaghanda sa ating mga representative" singit nang pangulo. "Wala ka na ba talagang alam hingil sa mga Oni? Ikaw lang ang alam kong pwedeng may impormasyon sa kanila, akala ni Xech gawa-gawa lang sila" sabi ni Shane na tinakpan ulit ang mike. "Hindi rin sila nakita ni Drake nang personal" sabi ni Sherwin na tinakpan rin ang mike. "Delikado yon, hindi natin alam ang mga kakayahan nila at kung ano sila" sabi ni Robert na nakisali na sa pagtakip nang mike. "Kaya nga" sabi ni Shane na nag-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD