Chapter 15.1

1160 Words
Mira's POV "K-ken pls. don't tell this to anyone."naiiyak na sabi ko. "Why are you doing this Almira? " "H-hindi m-mo maintindihan Ken. Pls. nag mamaka awa ako sayo huwag mong sabihin ito sa iba" "Let me understand Mira. Explained everything to me." he coldly said Napaiyak akong napailing sa kanya. Ito ang kinatatakutan ko sa lahat. Ayaw kong may taong makaka alam ng tungkol sa akin dito sa Pilipinas. Ayaw kong pag awayan na naman namin ito ng kambal ko. "f**k! plano niyo ba ang lahat ng ito ni Vira?" "N-no, walang kinalaman ang kambal ko dito Ken." "Really then how will I know that you are telling the truth?" Hindi ko alam ang isasagot kay Ken. "See you can't answer my f*****g question." "K-ken wala talagang kinalaman si Vira dito." Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko gustong dagdagan naman ang galit niya sa kambal ko. "N-nawawala ang kambal ko ngayon. Mag iisang buwan ng hinahanap siya ng parents namin. Hanggang ngayon wala kaming balita tungkol sa kanya." Pahagulhol kong sabi. Tiningnan nya lang ako at tinitimbang ang mga sinasabi ko. "May alam ka ba sa nangyari at pinang gagawa ni Vira dito sa school?" Napailing ako sa tanong niya.... "Bakit nagpapanggap kang siya? Tanga ka ba para gawin ito? Ang parusa na ibinigay namin sa kakambal mo ay ikaw lahat ang nakadanas." Pagalit na sabi nito "Nagpapanggap akong siya dahil ayaw namin na magduda kayo kung bakit biglang nawala ang kambal ko. Hindi ako tanga Ken. Ginawa ko ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal ko sa kambal ko. Tiniis ko ang lahat ng ginawa niyong pagpahirap sa akin para sa kambal ko dahil gusto kong ayusin ang problema na ginawa niya." Iyak kong sabi sa kanya. Masakit para sa akin ang lahat ng ito pero para sa kambal ko kakayanin ko. "H-hindi k-ko man alam ang buong pangyayari pero susubukan kong ayusin ang lahat ng ito. Kaya sana K-ken huwag mong sabihin ang lahat ng ito sa iba. Nagmamaka awa ako sayo." "Si King n...." "Pls. Ken huwag mong sabihin sa kanya." "Niloloko mo siya." "Hindi ko siya niloloko... Ken, aalis din naman ako sa school na ito pagnakita na ang kakambal ko." "Walang kapatawaran amg ginawa ng kambal mo Mira." "A-alam ko pero sana alamin muna natin kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ginawa iyon. Kilala ko ang kambal ko Ken kahit ganoon siya hindi niya gagawin ang ganyang mga bagay kung walang mabibigat na dahilan." "Siguro noon kilala mo siya pero ng umalis ka dito sa bansa ng ilang taon marami na ang nagbago." "P-paano mo nalaman ang lahat ng ito?" "You don't need to know." "K-ken nakikiusap ako h....." "Give me one valid reason para hindi ko sabihin ito sa iba." "T-tulungan ko kayong ayusin ang problema na ginawa ni Vira. K-kung pwedeng hahanapin ko si Cindy para mapatawad niyo ang kakambal ko gagawin ko."napapiyok na sabi ko sa kanya. Hindi ito umimik at nakatingin lang ito sa akin. "Hindi ko maipangako na hindi ito malaman ni King. Palagi mong tandaan na walang sekretong hindi nabubunyag....... Mahalaga ang mga kaibigan ko sa akin kaya kong sakali mang mag tanong sila sa akin tungkol dito hindi ko maipangako sa iyo na hindi ko ito maibabanggit sa kanila. Don't worry as long as walang may makaka alam nito your secrets are safe with me. Hindi ako mababaw na tao para magalit talaga sa ginawa mong ito. Medyo naintindihan ko ang sitwasyon mo pero si King siya ang mas lalong masasaktan pag malaman niya ito. Kilala ko ang kaibigan ko kahit ganoon iyon kasungit at suplado sa ibang tao may kabaitan din ito. Ayaw kasi nitong may madamay na ibang tao sa galit niya sa isang tao." Napatango ako sa kanya. "M-maraming salamat Ken." "Huwag kung magpasalamat sa akin Mira." Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Ngayon pa lang kita nakilala pero alam kong isang mabait kang tao. Ngayon may isa akong hiling sa iyo Mira huwag kang mahulog kay King dahil ikaw lang din naman ang masasaktan sa huli. Nakita ko ang mga kakaibang kislap sa mata mo during your performance. Alam kong hindi malabo na mahulog ka kay King." Sabi nito sa akin at umalis na. Napasalampak ako sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kong bakit nasasaktan ako sa sinabi ni Ken. Vira nasaan ka na ba? Gusto na talaga kitang makita kahit alam kong mahihirapan akong harapin ka dahil sa nangyari 10 yrs. ago. Gusto kong malaman ang dahilan mo kung bakit ginawa mo ang lahat ng ito. Mahal ka ni ate kaya sana mapatawad mo na ako......... Someone's POV Nagulat ako sa aking narinig kanina sa pag-uusap nila. Ngayon minamasdan ko ang kambal ni Vira na umiiyak. Napangiti ako ng mapait akala ko talaga siya si Vira pero hindi pala. Siguro ito ang dahilan kung bakit kakaiba ang kilos niya nang una ko siyang nakita sa parking lot. Gusto kong makita si Vira kahit alam kong susungitan niya lang ako. Tumayo na ako at lumapit sa puwesto ni Mira. Mira's POV Napaiyak akong nakasalampak sa sahig ngayon. Hindi ko talaga mapigilan ang luha ko. Siguro mamaya hindi na lang ako papasok sa klase ko ngayong hapon. Habang umiiyak ako nagulat ako ng may taong umabot sa akin ng panyo. Kinabahan akong tumingala at nagulat ako ng makilala ko kung sino ito. "M-mark?" "Kunin mo na. Alam kong kailangan mo ito." "K-kanina kapa ba dyan? N-narinign m-mo ba a......" "Yeah...... Don't worry I won't tell it to anyone."nakangiting sabi nito. "Kaya kunin mo na ang panyo na ito." "T-thank you Mark."sabi ko sabay kuha sa panyo niya. Umupo siya sa tabi ko "I love your twin. Almira, right?" Napatango ako sa kanya. "Kaya pala medyo kakaiba amg nararamdaman ko ng mag kita tayo. Hindi pala ikaw siya."napangiti ito mg mapait.... "Alam kong hindi ako ang mahal ng kambal mo pero ewan ko ba puso kong ito... Kahit anong pilit ko na kalimutan siya. Hindi ko talaga magawa. Gusto ko sanang maranasan na mahalin niya rin ako kahit sandali lang." Mahinang napatawa ito na napaiyak. Hindi ko alam pero mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Ang swerte talaga ni Vira dahil may lalaking katulad ni Mark na nagmamahal sa kanya. I hug him to give him comfort...... "I'm sorry kung nakita mo na medyo nag iinarte ako sa harap mo Mira." "It's ok with me Mark. I'm so happy to know that you really love my twin despite the attitude that she has shown towards you . Sana hindi mo siya susukuan............. Wala akong alam sa mga nangyari dito pero susubukan kong ayusin ang lahat." Kumalas ako sa yakap sa kanya at umupo sa tabi niya. Naging tahimik lang kaming dalawa hanggang sa may tumawag sa Cellphone niya. "Sagutin KO lang." Paalam niya sa akin at lumakad palayo. Tumawag ako sa bahay para mag pasundo. Hindi na ako papasok sa klase namin mamaya.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD