Mira's POV Pagkarating namin sa roof top binitawan ni Ken ang kamay ko at ikinandado niya ang pinto..... "Ate, what's going on?" "A-ano kas....." "Ate alam mo bang alalang alala kami sa iyo lalo na si King. Dalawang araw kang hindi nag-paramdam sa amin." "I'm sorry, Ken. Kinuha sa amin ang lahat na gadget namin. Hindi din kami pinayagan lumabas ng bahay........ Nagulat nga ako nang sinalubong ako ni nanay Rosing ng nag-alala noong lunes pagkarating ko galing sa overnight natin...... Dumating pala siya at galit na galit pa....." "Sumusobra na talaga ang kambal mo, ate." "Nakatakda na siyang ikasal kay King." Sabi ko na hindi mapigilan ang mapapiyok. "W-what? Kailan pa?" "Kagabi pumunta sina King sa mansiyon namin. H-hindi ko nga din inaasahan na si King pala ang itinutukoy ni dad n

