Mira's POV Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang pag-uusap namin ni Ken sa roof top at ang nangyari sa loob ng room namin. Hindi na kami nag-papansinan ni King sa tuwing mag-kasalubong kami sa hallway. Palagi na din akong sumasama sa SPADE at pumupunta din ako sa mansion nina Mark pag wala akong importanteng ginagawa. Sa bawat araw na lumilipas mas lalong lumalala ang kalagayan ni Mark. Palagi siyang ina-antok at nahirapang lunukin ang pag-kain. Minasan nahihirapan siyang huminga, sumasakit ang kanyang ulo, nababalisa at hinihimatay. Naaawa nga ako sa mommy niya sa tuwing palihim itong umiiyak habang tumitingin kay Mark. Si tito naman ay palaging nasa tabi ni tita sa tuwing pumupunta sila silid niya. Ang SPADE at palagi ding tahimik at nagkukunyaring masaya sa t

