Mira's POV "Ate pretty ano bang suot 'yan?" Pag rereklamo ni Princess sa suot ko. "Bakit ba ayos naman 'to ah." Sagot ko sa kanya. "Iyan? Ayos na 'yan para sayo? Gosh, ate maligo po tayo sa dagat hindi matulog." Nakasimangot na sabi nito. Maikling short kasi ang suot ko at maluwang na t-shirt ang aking pang itaas. "I'm comfortable with these clothes Princess." "Hindi pwede ate ang baduy mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga kasamang babae ng mga kaibigan ni Kuya pag makita ka nilang ganyan."nakapa maywang na sabi nito "Baka sabihan nila na walang taste si Kuya sa pagpili ng kasintahan."napalabi na ito ngayon. Bumuntong hininga ako hindi naman sa ayaw kong mag suot ng swimsuit or bikini . Wala lang talaga ako sa mood na magsuot ng ganoong damit. Napatawa na lang ako sa sinabi ni Pri

