Betty POV
Ilang beses akong kumurap kurap habang paulit ulit na binabasa ang message niya sa akin. Sa dinami dami ng account na maaksidente kong ifollow ay ito pang lalakeng ito?
I was about to click the unfollow button nang magmessage ulit siya sa akin.
Him:
-so seen lang? Huwag ka nang mahiya.
Tumaas ang isang kilay ko. Ang hangin!
Me:
-It was just an accident. Don't assume na gusto kong maging mutuals tayo dito.
Paliwanag ko at nagsimulang lumabas ng gate.
Him:
-hindi naman magiging accident kung hindi mo ako inistalk? And don't dare to unfollow me, naka screenshot na pagfollow mo sa akin.
My jaw drop when I read his message.
Me:
-nanakot ka ba? Kung ganoon nga ay hindi ako natatakot. Do what makes you happy. I won't care.
I rolled my eyes at bumalik ng bahay. Nasa sala ako ng biglang may nagnotif ulit sa phone. Tiningnan ko iyon.
Him:
-Hindi ako na nanakot.
Me:
-Really huh? Then why you're stopping me to unfollow you? First and for all, hindi tayo friends. Second, we're not close to be mutuals here. And third, I hated you still.
Tinago ko ang phone ko sa bulsa ko at aakyat na sana ako ng marealize ko ang mga sinend ko sakanyang message. Hindi ba ako masyadong harsh sakanya?
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at chineck ulit. Seen lang siya. Para tuloy akong nakonsensya.
Magtatype na sana ako ng makita kong nagtatype din siya. Inantay ko iyon.
Him:
-Love your enemy sabi sa Bible.
Kaya ba natagalan ito sa pagreply dahil nagsearch pa siya sa Bible? Natawa akong hindi makapaniwala sakaniya. Nasa kwarto na ako ng hinarap ko ulit siyang replyan.
Me:
-Nagbabasa ka pala ng Bible? Buti hindi ka nasusunog?
Inihiga ko ang sarili ko sa kama.
Him:
-alam kasi ng Diyos na may tinatago parin akong kabaitan. Hindi gaya ng isa diyan, jinudge agad ako.
Napabangon agad ako pagkabasa ko iyon.
Me:
-hindi kita jinudge noh! Sadyang iyon lang ang pinakita mo. Ikaw ang nakagawa sa akin ng kasalanan and you didn't feel sorry for it. You stole it. Don't expect na masisiyahan ako sa ginawa mo noon.
Biglang umusbong ang inis ko ng maalala ko na naman ang ginawa niya noon.
Him:
-dapat lang masiyahan ka. Ang iba nga humihirit pa.
Bwisit talaga tong lalaking toh! Kung pwede lang manakal ng kachat ay kanina ko pa ginawa. Kagigil itong kausap.
Me:
-eww ka! Huwag mo na akong kausapin!
At saka nilog-out ang account ko. Halos manggigil ako sa inis sa lalaking ito. Pasalamat nalang talaga siya at malayo siya sa akin kung hindi ay ubos na ang buhok nito sa akin.
Inis kong ulit binagsak ang sarili ko sa kama. Sa dinami dami nga naman ng lalaking makikilala ko ay isa pa siya doon. We're fated to become an enemy but not destined to love each other just like what he said. Over my dead body! Kay Ethan nalang ako.
Days were passed. Hindi parin nagpaparamdam si Ethan sa akin pero never akong umabsent sa mga message ko sakanya. Naipasa ko narin ang lahat ng requirements ko at inaantay ko nalang message sa akin sa VF Hotel and Restaurant.
I crossed my middle and index fingers. Sana matanggap ako pati si Dindin. Araw araw ko ring sinusubaybayan iyon pero wala pang message. Kailangan ko paring magtiwala kay Brent. Siya ang gumawa kaya alam kong hindi niya ako bibiguin.
Napapansin ko rin ang laging paglabas labas ni Kurt ngayon. Sa tuwing pupunta ako sa bahay nila ay may mga nakahandang mga bulaklak at minsan naman mga prutas. Gusto ko minsang tuktukan ito sa ulo para marealize niyang hindi na siya ang gusto. Para kasing lalong pinapahirapan niya ang sarili niya sa ginagawa niya.
"Talaga bang sigurado ka na sa ginagawa mo? Hindi na ikaw ang gusto non." saad ko habang kinakain ang isang mansanas galing sa basket na ibibigay niya kay Dindib.
Nasa kusina kami ngayon at nagluluto naman siya. Nagrequest kasi akong lutuan niya ako ng paborito kong pagkain since hindi na kami ganoon kadalas magkasama. Minsan nga at napagkakamalan talaga kaming magkapatid ni Kurt sa sobrang close namin noon pero nalimitahan lang iyon ng mas pinili at nakinig siya kay Chloe kesa sa mga advice ko. Medyo low key rin sa pag-ibig to eh. Kaya naniniwala na ako lahat ng matatalino sa academic, marupok sa pag-ibig.
He turned his head and glare at me. Binalik niya ulit ang sarili sa ginagawa.
"Sa tingin mo. Sigurado ka na din sa pag-aantay mo sa doctor mo? Baka nga pinagpalit ka na non don." Saad niya.
Natigil ako sa pagkagat ng apple sa narinig ko sakanya.
"Ikaw at si Dindin ang pinag-uusapan dito. Huwag mong isali si Ethan. Busy lang iyon." pagtatanggol ko na kahit maski ako ay hindi rin convince sa paliwanag ko. Kinagatan ko ulit ang apple na hawak ko.
Hinarap niya ako ng kukunin na niya ang ibang rekado sa counter Island.
"Kaya huwag mo akong tanungin sa ginagawa ko. Kung masaktan at mabigo man ako, desisyon ko iyon. I choose that path. At list sumubok ako." at tinalikuran muli ako.
Natahimik ako ng ilang minuto at inintindi ang mga sinabi niya.
"Kahit alam mong talo ka na in the first place?" I added.
Natigil din ito sa ginagawa. Then suddenly, he speaks.
"There's no wrong in trying Betty as long as you are willing to take the risk of your decision. Alam mong nasa danger zone ka na at masasaktan ka kapag tumuloy ka. Instead of turning your feet from that path, why don't you try until you'll experience what is waiting ahead of you. Always remember na walang natututo sa starting line. Nasa dulo lahat. Once you've experienced it, aware ka na sa susunod at pwede mo nang itama kung saan ka nagkulang noon. That's the process of learning from your experience and change yourself into new and better one."
I was speechless. Parang sa pinakailaliman pa ng balon niya kinuha ang speech niya sa akin. But if I will analyze his words, it refers not only to himself but to me as well. Am I in danger zone also?
There's nothing wrong in prioritizing his study first before me, pero kung icocompare ko naman sa iba na parehas sa sitwasyon niya ay nakakahanap parin naman sila ng oras para magparamdam sa mga taong nag-aantay sakanila.
Sabi nga nila kung mahal mo ang isang tao, kahit gaano ka pa kabusy. Nakakahanap ka parin ng oras para maiparamdam mong mahalaga ang taong iyon sa iyo. You won't waste a single second not to make that person feel unloved.
Kaya nga may cellphone para mapabilis ang communication kahit nasa ibang bansa ka pero bakit sa akin? Sa amin? Kailangan ko pang mag-antay ng ilang buwan or weeks para matanggap ang tawag o mensahe niya. Nakakapanghinang isipin.
I shrugged that thought. Nag-ooverthink ka na naman Betty.
Nang matapos kaming kumain ay nagbihis narin ito para puntahan si Dindin. If happens man na mareject siya ni Dindin ay makahanap na sana siya sa susunod ng tamang babaeng magsusukli ng pagmamahal niya. Na kay Kurt na lahat. Matalino, gwapo, matangkad, maputi rin, mabait, kaso torpe. May pagkamahiyain pero sobrang protective at minsan possessive. Lalaban siya hanggang may pag-asa na gaya nalang ng sinabi niya kanina na kahit alam niyang alanganin na siya, tutuloy parin siya.
Umuwi ako sa bahay. Wala sila mommy at daddy at nasa Canada sila ngayon dahil sa lola ko. Sasama sana ako pero inaantay ko yung tawag sa akin at ayaw ko iyong imissed.
I was busy scrolling at my social media ng mapadpad ako sa isang larawan na mutuals kay Ethan. A girl. Naka white robe din ito at same school sila ni Ethan. Napost ito 1 day ago at nakalike doon si Ethan. Bigla akong kinabahan.
Meaning to say ay nakakapagsocial media parin siya pero hindi naman niya ako minemessage o kahit iseen ang message ko sakanya.
I stalked that girl. I admit that she's so beautiful. Simple at mukhang matalino pa. Classy and very sexy. Sa lahat ng solo post ng babae ay may like doon si Ethan. At halos sa loob lang ngayong buwan ito na ipost.
What does it mean?
Dumeretso agad ako sa messenger ko. I was about to type something in my mind nang biglang may tumawag. Kumunot ang noo ko. It was Kyle. Video call?
Sinagot ko ito pero tinurn off ko ang video ko. Lumabas ang imahe niyang nakahiga while his arm was on his head at ginawa niya iyong unan. His bicep flexed. Napaiwas ako nang mapagtantong he was topless.
"On your video." Suhestiyon niya.
"Pasalamat ka nalang at sinagot ko ang tawag mo. Ano ba ang kailangan mo? Require ba talagang topless ka pag tatawag sa akin?" I uncomfortably uttered.
Tumawa ito at binaba ang phone niya kaya tanging ang ceiling nalang niya ang nakikita sa video.
After a minute ay bumalik na itong may suot na. White tshirt with V neckline.
"Ayan. Hindi na topless. Magpapakita ka na sa akin?" Umupo ito sa isang swivel chair na parang naiikot niya ang sarili habang nakaupo ito.
"Bakit naman ako magpapakita? Pati pa ba yun required?" pagsusungit ko.
"Anong brand ba ng napkin mo?"
Biglang nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Talaga bang walang preno ang bunganga mo?" Parang ako pa ang nahiya sa bunganga niya.
"Bakit? Nagtatanong lang ako. Parati ka kasing masungit sa akin. Malay ko ba kung parati kang may dalaw." pang-aasar niya.
I sighed. Calming myself.
Ini-on ko ang video ko. Pilit akong ngumiti.
"Happy?" sarkastiko kong hayag dito.
"Sobra." sagot niyang nakangisi.
Sumimangot agad ako at inirapan siya.
"Ano bang sasabihin mo at kailangan mo pang tumawag." Reklamo kong tanong dito.
"I just want to ask a favor if you don't mind." nagsalubong ang kilay ko. He laughed at my reaction.
"Bwisit ka!" Singhal ko.
"Bakit na naman? Ang cute mo lang kasi sa reaction mo." He said and still laughing.
Dahil sa inis ako ay pinatay ko ang tawag niya at nakapagsend din ako ng like button sa chat box namin ni Ethan. I was about to remove it ng maseen niya ito. His typing... nang tumawag ulit ang hayup na Kyle. Pinatay ko ulit. Pero maya maya ay tumatawag ulit. Papatayin ko na sana ng mawala at dumeretso sa chat box namin ni Ethan.
Ilang minuto na at typing parin at sa buong minutong iyon ay paulit ulit din tumatawag ang papansing Kyle na to. For the nth time na tawag niya ay akala ko si Kyle ang sumunod na tumawag, si Ethan pala at sa kasamaang palad ay napatay ko ito. At sa sumunod na tawag ay si Kyle naman ang nasagot ko na akala ko ay si Ethan iyon.
"Bakit mo ba pinapatay ang tawag ko? Sinabi ko lang na cute ka iniwasan mo na ako?" reklamo nito.
"Ano ba kasi ang sasabihin mo. Pwede mo naman kasing ichat nalang."
"Tinatamad ako. Mas gusto kong face to face kitang nakakausap." I rolled my eyes.
"Say it!" pagmamadali ko.
"May pupuntahan ka ba? Bat ka nagmamadali?"
"Papatayin ko na ito." Banta ko.
"Huwag. Masama iyan."
Halos manggigil na ako sa inis sa taong ito.
"PWEDE BA! KUNG MAY SASABIHIN KA, SABIHIN MO NA!" sigaw ko dito at wala na akong pakealam kung marinig man ako ng kapitbahay sa boses ko.
"Ang tinis ng boses mo. Rinig pati dito sa bahay ko."
Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?" takang tanong ko.
"Ang liit liit mo pero ang lakas lakas ng boses mo?"
Lalong kumulo ang dugo ko sa taong ito.
"Isa pa yan. Ang liit liit mo pero ang tapang tapang mo."
"Tumawag ka ba para mang-inis? Ha!!??"
"Tumawag lang ako para humingi ng pabor."
"Kanina pa ang pabor na iyan na hanggang ngayon hindi mo pa nasasabi!?"
Tumawa ito.
"Nadidistract kasi ako sa kacutan mo."
Nagngingitngit na ako sa inis sa kausap ko.
"Kalaki laki mong tao, puro kalandian ang alam mo!" singhal ko dito.
"Malanding loyal ito." tanggol sa sarili.
"Huwag mong linisin ang sarili mo. Matagal ka ng marumi sa isip ko." banat ko dito.
"So iniisip mo ako?"
"Hindi!" Agad kong sagot.
"Weh."
Halos manggigil na ako sa kausap ko.
"YUNG PABOR MO KUYA!!" Paalala ko dito.
"Hindi mo ba alam na diyan nagsisimula ang lahat? Sa pagtawag tawag mo ng kuya sa akin?"
"At sa tingin mo ay may sisimulan tayo? Ganun? Kapal ng mukha mo!" at pinatay muli ang tawag niya. Kagigil!!!
Nang balikan ko ang chatbox namin ni Ethan ay naka 5 missed call ito sa sakin.
Ethan:
-why like?
-hey! Why did you reject my call?
-sinong kausap mo? You're in another call?
-importante ba yan? Sino ba kausap mo?
-matagal pa ba?
-it seems that you're busy. I'll call next time then.
At nanlumo ako pagkatapos kong mabasa ang mga message niya. Chinat ko siya at nagsorry pero wala ng reply sa chat ko. Offline na siya.
Kaasar kasing Kyle yun. Nakakainis ka talaga!!
Napakuha agad ako sa cellphone ko ng tumunog pero hindi si Ethan kundi si Kyle. Nagmessage na ang bwisit na taong to. Kung kanina pa niya sana ginawa edi sana nakausap ko pa si Ethan. Haist!!!
Kyle:
-ito na yung pabor na hihingin ko. Pwede mo bang idala si Dindin sa isesend kong address? Sa monday. Brent is preparing something for her. Wala na kaming alam na pwedeng paghingan ng tulong maliban sayo. It will be a surprise kaya huwag mong sasabihin sakanya.
Me:
-okay.
Tanging reply ko.
Kyle:
-yun lang? Okay lang?
Me:
-oo. May angal?
Kyle:
-aangal talaga ako. Ang haba ng sinabi ko tapos okay lang reply mo?
Me:
-obligado ba akong magreply ng mahaba sayo?
Kyle:
-hindi pa ngayon kasi dadating pa ang panahong iyon.
Me:
-ang hangin mo!
Kyle:
-basta mabango.
Me:
-huh?
Kyle:
-wala. Tulog ka na para lumaki ka pa. Goodnight.
At sumunod non ay nag offline na ito.
Nilagay ko ang phone ko sa night table ko. Dissappointed na ewan ang nararamdaman ko. Hindi ko makuha ang tamang tawag dahil parang naguguluhan na nag-aalala. Nag-aalala dahil baka namis understood ako ni Ethan at naguguluhan kung tama bang ipagpatuloy ko ang pag-aantay sakanya. Bumuntong hininga ako at binagsak ang sarili sa kama.
Kailangan ko muna ata ng self love.