“Since Friday ngayon, ba’t `di tayo gumimik?” aya sa amin ni Lucy. “Ok lang kayo? `Di ba Friday the 13th ngayon, malas `yun!” ani Celine na mapamahiin. “Ay nako, hindi totoo yang malas-malas!” sabi ni Rita. “May alam akong bar sa may Katipunan, may live bands sila tuwing Fridays!” “I’m sorry to you, girls, may date kami ng asawa ko ngayon!” pagmamalaki ni Bryan. “Huu! Pa-English-English pa to, mali-mali naman!” tumatawang sinabi ni Rita. “Sige na, kayo na ang may love life!” pabiro n’ya akong kinurot sa baywang, at sabay-sabay kaming napatawa. “Next week na nga pala ang mid sem exhibit natin, wala daw tayong klase from Thursday to Saturday.” nabanggit ni Celine. “Oo nga pala, may ihahabol akong notes kay Professor Uy, Bryan, pwedeng pahiram ng notes mo?” sabi naman ni Rita. “Ayan

