More than an hour later, nasa Pinto art Museum na kami. Sinagot ni Mateo ang entrance ko, at tuwang-tuwa naman ako dahil sulit ang punta namin – ang ganda nga ng works ng kaibigan niya! Sayang lang at wala na yung artist at that time. I usually lose track of time tuwing nagpupunta ako sa exhibits. Natutulala ako sa mga paintings at nata-transport sa loob nito. Nakikita ko ang paligid, pati na rin ang harap at likod ng mga larawan na tinititigan ko, na para bang napapasok ako sa isang kahon at nakapalibot ang particular art na iyon sa akin. Kaya nga minsan, `pag gusto kong pumunta sa exhibits, iniiwan na lang ako nila Kuya, tapos ay ite-text ko na lang sila `pag nagsawa na ako. Which usually takes a couple of hours or more. Ayun ang dahilan kung bakit nagulat na lang ako nang mag-vibra

