CHAPTER 7

1319 Words
Tumawag uli si Bryan sa akin ng gabing iyon. Nagkuwentuhan lang kami ng konti, tapos nagpaalam din agad ako para matulog. Baka kasi kung ano pang isipin ko, eh. Baka kasi umasa pa ako. Kinabukasan, sa gymnasium na kami nagkita, kung saan ako binaba ni Kuya. “Daryl!” tawag n’ya sa akin, kasama ang mga kaklase naming iba. “Nasaan na PE uniform mo? Lika palit na tayo.” “O-kay...” sinundan ko siya sa likod ng bleachers kung saan mayroong male dressing room. Sa kabilang side naman ay ang sa mga babae. “Ano nga pala ang possition mo?” tanong n’ya habang inaalis ang suot n’yang t-shirt. Ako naman ay napatanga. Well defined ang katawan n’ya... ang yummy... “Ako, small forward.” muli n’ya akong hinarap. Agad akong yumuko. “Kahit ano...” sagot ko. “Lagi nga akong bangko dati, eh...” “Mamaya, tignan natin kung saan ka magandang ilagay.” sabi n’ya. “O, ba’t `di ka pa magbihis?” “Ah...” napatingin ako sa kanya. Naka topless pa rin siya. “Oo nga...” Tinanggal ko na rin ang t-shirt ko, at pati ang suot kong pantalon. Tinupi ko ito ng maayos at saka kinuha ang PE uniform ko mula sa dala kong gym bag. “Ayos, ha, maganda hulma ng braso mo.” Nagulat na lang ako nang pisilin n’ya ang aking muscles sa right arm! Pag harap ko kay Bryan, nakangiti s’ya sa akin, sobrang lapit! At naka-topless pa rin siya! “Nag w-weights ka ba?” tanong niya. “H-hindi... p-p-practice lang... shoot... l-lay-up...” pautal kong sinabi. “Hm, mukhang kulang nga sa hulma ang pecs mo.” at tinapik n’ya ang aking dibdib! “Pati abs mo, flat lang.” hinimas naman n’ya ang aking tiyan! “Ah!” napasinghap ako sa pagkapit niya. Lalo pang lumapit sa akin ang mukha ni Bryan. Bumaba sa balakang ko ang kamay niya. Pinisil niya iyon. Hindi ko maiangat ang nag-iinit kong mukha para matignan siya! “Daryl...” Napalingon kaming pareho nang bumukas ang pintuan. May pumasok pang tatlong lalaki na magbibihis din. “Minsan samahan mo ko sa gym,” patuloy ni Bryan na paglingon ko ay nagsusuot na ng kamiseta. “O kung gusto mo, turuan na lang kita ng ilang exercises para maging defined ang muscles mo.” Hindi na ako sumagot. Sinuot ko na lang ang t-shirt ko at PE shorts. Paglabas namin, nakita kong pinapipila ng coach ang mga kaklase namin. Mukhang isa-isa niya kaming `pag shu-shoot-in sa ring. “Stretching muna, for 15 minutes.” sabi niya sa amin bago kami nagsimula. “Sa unang bigay ko ng bola, try n’yong mag-shoot sa 3 points line, tapos, isang 2 points, at huli, isang pa-lay-up sa ilalim ng basket.” sabi ni coach. “Sir, walang slam dunk?” tanong ng isang kaklase naming malaking tao. Nagtawanan ang iba pa sa klase. “Kung kaya mo, gawin mo on the third shot.” sagot ni coach, sabay pasa ng bola sa una sa pila.   Isa-isa na ngang nag-shoot ang mga nauna sa amin. Yung malaki naming kaklase, nag dunk nga! Magaling s’ya, kaya lang, hindi n’ya nai-shoot ang 3-pointer at ang 2-point shot. “Ako na sunod!” sabi ni Bryan na nauuna sa akin. Sinalo n’ya ang pasa ni sir. Oops, hindi pumasok ang 3-points. Isa pang pasa, at pumasok ang pangalawang bola, pati ang lay-up n’ya pumasok. Not bad. “Next!” sigaw ni coach, sabay hagis sa akin ng bola. Muntik ko nang hindi ito nasalo dahil sa nerbiyos. “Easy, hinga ng malalim, bola lang `yan, ring lang iyon, walang buhay `yan, at puros ibon lang ang nanonood sa atin.” Yan ang mantra namin ni Rylie, tuwing nagpa-practice kami sa gym sa village nila. Tinaas ko ang mga kamay ko, kapit ang bola, itinupe ang aking binti. Tinulak ng kanan, inalalayan ng kaliwa, sabay talon ng pabalik ng bahagya. Shoot! “Isa pa!” Lumapit ako sa ring ng konti. Same style, pero mas mahina ang hagis. Shoot! “Last one!” Sa ilalim naman ng ring, isang lay-up. Shoot uli! “Woo! Galing!” napatingin ako sa mga babae sa bleachers na nanonood sa amin at natapilok sa `pag baksak. “Aray!” “O, okay ka lang?” tanong ni Bryan na nasa tabi ko na pala. “Galing mo mag-fade away at lay-up shot! Ganda ng porma! Akala ko ba bangko ka lang?” biro niya. “W-wala namang umaagaw sa akin eh...” sabi ko. Well, I guess nakatulong ang anim na taon na paglalaro namin ni Rylie tuwing umaga sa village nila. Bihirang may ibang tao doon, puro ibon lang na nag-iingay sa mga puno. Pero iba nga ang pakiramdam ko ngayon. Mas magaan, mas madaling gumalaw. Siguro dahil sa weight na nawala sa katawan ko. “Okay, let’s play a friendly game!” tawag sa amin ng coach. Kaya lang, since magkaiba ang klase namin, nagkahiwalay kami ni Bryan ng team. At siyempre, sa huli, ay talo ang grupo ko. “Akala ko pa naman, kagagaling mo! Hindi ka naman pala marunong kumapit ng bola!” pangungutya ng mga kaklase ko. Ilang beses kasi akong naagawan ni Bryan na `di maalis ang ngisi sa mukha n’ya. “Ilang beses pang nag-travel at hindi nakasalo ng bola! Butas ba kamay mo, boy?!” sabi ng isa pa. “`Wag kang mag-alala, tuturuan kita para masanay ka sa agawan!” sabi ni Bryan habang nakikitawa sa mga kaklase ko. Umalis na ako sa court. Hindi ko sila inimik at dumiretso na sa locker room. “Uy, sandali!” hinabol ako ni Bryan. “Eto naman, biro lang ‘yun!” Nagpatuloy ako sa locker room. Rinig ko ang t***k ng puso ko sa taenga ko sa sobrang lakas, at pakiramdam ko sasabog na ito. “Daryl, uy, galit ka ba?” pang-aamo ni Bryan na kumapit sa balikat ko. Nasa loob na kami ng locker room. Inangat ko ang balikat ko, pilit inalis ang kamay n’ya, pero inilipat lang niya iyon sa likod ko. Pilit akong humihinga ng malalim, pero kinakapos ako... “Daryl, okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Napa-squat ako sa sahig, sa may likod ng patung-patong na mga matres na nakaimbak doon. Tinakpan ko ang mga taenga ko, pinikit ng mabuti ang aking mga mata. “Daryl...” umupo rin siya sa tabi ko. Hinimas n’ya ako sa likod hanggang sa mahabol ko ang aking hininga. Narinig naming pumasok ang mga kaklase naming magbibihis na rin. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Nag-hum ako para wala akong marinig. Alam ko namang ako ang pinag-uusapan nila at pinagtatawanan, eh. Nanatili akong ganon hanggang sa umalis na silang lahat. And all that time, hindi ako tinigilan ni Bryan. “Daryl, wala na sila, okay ka na?” hindi ako kumibo. Patuloy pa rin ang pagpikit, takip sa taenga at hum. At least, umaayos na uli ang paghinga ko. “Daryl, sorry na...” Nagulat na lang ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Nanigas ang katawan ko. Muling bumilis ang t***k ng puso ko at nag-init ang buo kong katawan. Nadama ko ang kanyang paghinga. Mabilis din na tulad ng akin, ngunit unti-unting bumabagal kasabay ko, hanggang sa pareho nang maayos ang aming paghinga. “B-Bi-bitaw...!” nanginginig ang boses ko. “Sorry muna, patawarin mo muna ako.” sagot n’ya sa akin. ”S-sige na... okay na..!” pilit ko. “Talaga ha? Hindi ka na galit?” “H-hindi na nga!” Inalis din niya sa wakas ang mga braso n’ya at hinarap ako. Nag-aalala ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “Sorry, hindi dapat kita pinagtawanan... pati na mga kaklase mo, puro sisi sila, samantalang ikaw ang may pinaka maraming points na nai-score sa game!” Bigla akong napa-hikbi. “S-sanay naman... ako...” “Sanay ba tawag d’yan ?” mahinahon ang boses niya, nagtatanong. “O-oo... sandali lang ako nenerbyusin... wala na...” huminga ako ng malalim at saka tumayo. “Sanay na ako.” inulit ko pa. “Dati... lagi akong pinagtatawanan... mukha daw akong pink na bola... kasi biik ako...” “Biik?” tanong sa akin ni Bryan. “Dati sobrang taba ko.” paliwanag ko. “Konting takbo lang, pagod na ko. Hirap din akong mag dribble dahil madalas tumatama sa binti ko ang bola. Tawag nila sa akin... dambuhalang biik...” “Dambuhalang biik?” inulit pa niya talaga. “Kasi... baby face daw ako... pero ang katawan ko pang-baboyramo...” Nagpigil ng tawa si Bryan. Nag-init lalo ang mukha ko. “Well, ngayon, hindi ka na mataba!” sabi n’ya na sumamid pa para maitago ang pagtawa. “Ngayon kayang-kaya mo nang talunin ang mga kaklase mo noon.” Napatingin ako sa kanya, nakakunot ang noo, hindi naniniwala sa kanyang sinabi. “`Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa `yo!” pagmamataas niya. “`Di mo natatanong, MVP `ata `to!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD