BOOK 2 - CHAPTER 36

878 Words

CHAPTER 36 Tinignan ko ang sarili sa salamin. Ngayon ang first day ng three day Mid Term Art Exhibit ng College of Fine Arts. Ibinutones ko ang suot kong polo, at iniwang bukas ang dalawang butones sa tuktok. Mas malapad na ang dibdib ko ngayon, at feel kong ipagmalaki ito. “Baa, pogi natin ha?” sita ni Ate Althea sa akin. “May pinopormahan na ba ang bunso namin?” Agad nag-init ang mukha ko. “W-wala naman...” agad kong sinara ang isa pang butones. “Ay, ba’t mo sinara, hayaan mong lumabas ang dibdib mo! Pinaghirapan mo `yan!” muli itong binuksan ni Ate. “Ayan, matchong-matcho!” “O, ayos na ba kayo?” tawag sa amin ni Kuya Brent sa labas. Maya-maya pa, nasa campus na kami. Binaba na ako nila Kuya sa tapat ng CFA, at nakita ko agad doon si Bryan na kumakaway sa akin. “Good morning!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD