Hanamitchi
Keifer's POV
She look so beautiful! I still regret the day that i let her go. Sana hindi nalang ako pumayag na mapunta sya sa ibang section. Sana hangang ngayon kasama ko pa rin sya at akin pa rin sya.
My fist clenched when i saw her with that man. The man that she choose to be with instead of me. Sobrang saya ng ngiti nya at ang sarap namang sapakin ng kasama nya.
Everytime na makikita ko sila gusto kong suntukin si Aries. Inagaw nya sakin si Ella. Nilason ang isip at ipinamuka samin na patapon ang section namin.
Kung alam mo lang kung sinong kinakalaban mo Michael Aries Fernandez.
You'll regret the day that you enter this school.
*****************
Jay-jay's POV
Haaayyy!!! Eto na naman ako! Papasok na naman ako sa Section ng mga ulupong.
Pagdating sa room, wala pa namang nagyayari. Wala pa din si Keifer, hindi ko parin sya nakikita. Okay lang, wala naman akong paki-alam sa kanya.
Naging matiwasay naman ang mga naunang klase ko. Nakahabol na ko sa mga lessons. Wala pa rin yung hari ng mga ulupong.
Dumating ang oras ng lunch. Alam kong aagawan na naman nila ko nang pagkain and ayoko ding magpunta sa cafeteria kaya naman nagbaon nalang ako ng kanin at kaunting chitchirya.
Pero saan ako kakain?
Naalala ko na meron nga palang second floor ang building na to pero nahaharangan ng mga gamit yung hagdan.
Pero wala naman akong ibang pupuntahan. No choice!
Lumabas ako ng room at lumakad papunta sa hagdan. Sobrang daming tambak na gamit pero kahit ganun meron pading daan para maka-akyat.
Pinilit kong makadaan. Sa bawat hakbang ko naglalabasan yung mga lamok. Baka naman ma-dengue pa ko dito.
Nakarating ako sa second floor.
Sinilip-silip ko muna baka may tao'ngmakakita sakin.
Naupo ako sa hagdan,inilabas yung baon ko. Tahimik akong ngumunguya at nag mumuni-muni tungkol sa mga lesson at syempre kung bakit parang hindi ata pumasok yung Presidente nila.
"Hoy!"
"Pfffftttt.... Hayop!" Nabuga ko yung nginunguya ko sa gulat don sa sumigaw.
Tinignan ko kung sino'ng animal yun.Si Keifer, yung presidente at hari nang mga ulupong.
Kala ko hindi pumasokto!
Mukang kanina pa sya nakatambay dito sa second floor.
Tinignan ko sya ng masama. "Gago ka ay.."
"Whatever.." bigla syang umupo sa tabi ko. Tinignan nya yung pagkain ko.".Ano ulam mo?"
"Paki mo?!"
"Tss. I'm trying to be nice here!" Sigaw nya sakin.
Medyo napahiya ako dun kaya napayuko ako. Bastos ko nga naman kasi!
"Tss Piniritong Asuhos." sagot ko.
Hindi naman kasi ako nakapag-paluto,kinuha ko lang yung natirang ulam nung umaga o gabi pa yata to.
Nagulat ako ng agawin niya yung baunan ko.
"Kahit anu pa yan... Pahingi nalang ako." Sabi nya sumubo ng kanin at ulam.
Napatanga nalang ako habang naka-nga-nga sa kanya. Para kasing ibang tao sya. Halatang gutom dahil sa bilis ng pag-nguya.
Binalik nya sakin yung baunan matapos nyang sumubo ng isa or dalawang beses.
"Baka sabihin mo patay gutom ako."
Wala naman akong sinagot sa kanya.
Sumubo nalang din ako ng ilang beses.Binalik ko sa kanya yung baunan.Nagulat pa sya nung una pero kinuha din niya.
"Halata kasing gutom ka."
Parang kaming naglalaro ng salitan sapagkain.
Pagkatapos nya ako naman Medyo nakakadiri dahil share lang kami ng utensils pero ganun talaga eh mga gutuman kami, walang reklamo basta usapang pagkain.
Sa totoo lang mukang anak mayaman si Keifer. Maputi kasi at makinis ang balat.
Sobrang lakas din ng dating nya.Kita ko rin na matipuno ang katawan niya. Meron din pala syang earings sa kanang tenga. Sobrang liit lang nun kaya hindi agad kita.
Yung totoo? Gwapo din pala itong lupong na to!
"Wag mo nga akong titigan!"
Medyo nagulat ako sa sigaw nya kaya bumalik ako sa reyalidad.
"T-tinitignan ba kita?" Patay malisya kong tanong.
"Hindi...Ti-ni-ti-ti-gan!" Paglilinaw niya.
Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko. Ramdam ko din ang pag-init ng pisngi ko. Anu ba to? Bakit ako nahihiya sa kumag na to?!
Umubo ako para iklaro ang lalamunan ko, pampatanggal na din ng kaba. "B-bakit nga pala hindi ka pumasok kanina?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Wala lang... bakit? Na-nmiss mo ko?"
Nanlakii yung mata ko sa sinabi nya.Anu daw? Kapal ah!
"Ha?! ASA!"
Bigla syang tumawa. Ewan ba, parang lalo syang gumwapo dahil sa tawa nya.
"B-bakit nga pala hindi ka bumili sa cafeteria?" Muli kong pag-iiba sa usapan.
"Bawal kami dun.."
Huh? Pwede ba yun?
"Bakit naman? Kelan pa naging bawal ang student sa cafeteria?"
Bigla'ng naging seryoso yung itsuranya. "Matagal na... Basta bawal kami dun,"
Bigla syang tumayo at lumakad pababang hagdan.
"Hoy! Teka!" Sigaw ko sa kanya.
Yun nga lang nabingi na ata sya. Hindi na ko pinansin at gumurabels na nang tuluyan.
Niligpit ko na yung pinagkainan namin at bumaba na rin ako. Anu kaya problema nun? Sinapian? Bipolar?Abnormal? Lakas ng saltik!
Pagbalik ko sa room parang lantang gulay yung buong klase. Mga lanta'ng lanta, hatalang hindi nakakain nang pananghalian.
Umupo na ko sa pwesto ko. Hindi kona kita si Keifer, mukang tuluyan nang hindi pumasok.
Habang naghihintay bigla kong naalala na meron pa nga pala akong chitchirya sa bag.
Naglabas ako ng Loaded at laking gulat ko na parang mga aso'ng ulol na tumutulo ang laway ang nakita ko.Yung mga classmate ko may rabis?
Sinubukan kong igalaw yung hawak kong Loaded, sumunod yung mga ulo nila.
"Ayos to ah!"
Kumuha akong panibagong Loaded sa bag ko at buong lakas kong binato sa kanila. Para silang mga Lion nanagwawala sa pag-aagawan.
Hahaha. Mukang tanga lang!
Lumapit sakin si Felix. "Wala kaba nung malaki? Gutom na ko." Sabi nya habang naka-pout.
Bahagya naman akong naawa kaya inabot ko sa kanya yung baon kong Nova.
Buti nalang maluwag yung bag kong Jansport kaya marami akon nailalagay na pagkain sa loob. Hehehe.
Muli akong nagbato ng chitchirya sa mga classmate namin pero napatigil ako ng may sumigaw.
"WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?!"
Pare-pareho kaming tumingin sa pinto. Lalaking kasing laki ni Keifer at nakasalamin sa mata, red ang buhok at may dalang gym bag ang nakatayo sapinto.
"Ayan na si Sakuragi!"
"Tanga! Hanamitchi!"
"May dala kaya sya?"
"May chibog yan!"
Napatingin ako kay Felix na seryoso lang ang tingin sa lalaki sa pinto'ng tinawag nilang Hanamitchi or Sakugari. Diba anime yun?
"Pre..." bati ni Felix pero titig lang ang binigay ng binati nya sa kanya.
Inabot yong gym na bag na dala nya sa isa sa mga classmate namin.Kinuha naman yun agad nung isa at pinag kaguluhan sa likod.
Tinignan nya ko habang salubong nasalubong yung kilay. Nakakatakot sya tumingin kahit nakasalamin sya, para siyang si Keifer. Nagtago ako sa likod ni Felix.
"Sino yan?" Tanong nya habangnakatingin sakin.
"S-si Jay-jay... Transferee." Sagot ni Felix.
Tumingin sya sa paligid na parang may hinahanap. "Nasan si Keifer? Alam ba nya to?"
O-oo eh.." napahimas si Felix sa batok nya. "Kahapon pa sya nandito."
"Wala man lang ginawa si Keifer?!"May halong galit na yung tono nya.
Big deal bang andito ko?!
"Bale.. Meron naman kaya lang--"
"Kaya lang hindi pa rin sya umaalis!"
Galit na talaga sya. Anong problema niya sakin? Ano bang masama kung andito ako?
"Ikaw!" Tawag nya sakin. "...Why are you still here?"
Hindi ako makasagot. Nakakatakot kasi sya. Yung awra ni Keifer kapareho'ng-kapareho sa kanya.Magka-ano-ano kaya sila?
"And why are you treating my classmates like a dog?!"
Uy! Hindi ah! Natuwa lang ako sakanila.
"H-hindi naman----."
"Then anu yang ginagawa mo?!"
"Binibigyan sila ng pagkain."
Tumingin sya sa mga classmate nya.
"Ilang araw ka kasing nawala..palagi kaming walang pananghalian" paliwanag nung isa sa kanila.
"Walang ginawa si Keifer?" Tanung ni Red haired guy.
Bakit puro si Keifer ang tinatanong nya?
"Parang hindi mo kilala yun." Sagotni Felix.
"Tss." Yun na lang nasabi nya at umupo na sa likod.
Agad kong hinarap si Felix. "Sino yun?" Pabulong na tanung ko.
"Si Yuri Hanamitchi.. Classmate din namin---natin pala."
"Bakit ngayon lang sya nagpakita?"
"Suspended kasi... Nagpunta siya sa cafeteria, eh bawal kami dun."
Oo nga pala. Muntik na mawala sa isip ko yun.
"Panu bang bawal? Hindi ko maintindihan yan."
Bahagya syang tumawa. "Sorry Jay,it's not my story to tell."
Anu ba yan? Wala naman akong mapala dito kay Felix. Intriga'ng intriga na ko sa 'Bawal sa cafeteria' effect nayan.
Dagdag pa yung eksena'ng gusto akong paalisin nung red haired guy na yun.
Natural kaya yung kulay ng buhok nya?
Gusto ko pa sanang mag tanong kay Felix kayalang dumating na yung teacher namin.
Kainis! Kati'ng kati na ko malaman yung story na yun eh.
Nag-umpisa'ng magturo si Mrs Zaragosa. Kagaya nung nakaraan nilapitan nya ulit ako para tanungin. "Jay, nakapili kana ba ng section?"
Ramdam ko yung pagtahimik ng klase. Napalingon ako sa likod Patay malisya lang naman sila'ng nakatingin saharap.
Binalik ko yung tingin ko kay Ma'am."H-hindi pa po eh."
"It's okay.. pero sana makapili ka bago mag-1st Grading. Mahihirapan kasi kaming ilipat ka kapag nakapag-test kana."
Eto pang isa. Bakit ba gusto nila kong ilipat? Anu bang meron dito?
Natapos ang klase ko para sa araw nato. Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit nila kong palipatin ng section.
Dahil ba sa ako lang yung babae? Eh bakit pati mga taga section E gusto rin akong paalisin? Dahil pa rin sa babae ako?
Lintik na Yan sana Pala naging lalaki nalang ako .