Chapter 2

1542 Words
Paper balls Jay-jay's POV Dahil medyo late na ko dumating sa klase binigyan ako ng copy ni Sir ng mga naging lesson nila. Buti nalang at hindi pa ganun kalayo ang naging lecture nila. English Teacher si Sir Alvin at sya rin ang adviser ng Section E. Medyo naging panget ang start ko sa class section nato pero sa ngayon medyo tahimik na. *Tik *Tok *Toink Binabawi ko na! Hindi pa ko natatahimik! Multo lang? Kanina pa ko binabato ng papel dito sa pwesto ko. Maliit na binilog bilog na papel lang yun. Kapag naman nililingon ko kung saan galing patay malisya naman ang buong klase. Ano ba?! Inaano ko ba kayo?! Umabot kami sa sunod na subject at ganun pa rin ang eksena. Nagkalat nayung mga papel sa paligid ko. Kalma lang Jay, iniinis ka lang ng mgayan! Muli ako nag-focus sa lecture, kagaya ni Sir Alvin binigyan din ako ng sunod na teacher ng copy ng naunang lesson. Busy ako sa pagsusulat ng bigla kong naramdaman na may tumama sa buhok ko. Hinawakan ko yun at naramdaman ko agad ang.... basa? Basang papel ang binato nila sakin. Hindi na kailangang itanung kung saan galing ang tubig. Bibig lang ang fastest and easiest water source ng isang tao at ang dulas na medyo malagkit. Yuck! Eeewwww! Agad akong kumuha ng tisyu at alcohol sa bag ko. Girl scout to boy! Natapos ang mga sunod naming klase at ganun pa rin ang eksena. Punyeta! Paglabas ng teacher agad akong tumayo at humarap sa buong klase.Matalim ang naging titig ko sa kanila'ng lahat. "SINO BA YANG BATO NG BATO SAKIN?!" Galit na sigaw ko. Walang kumibo kaya magsasalita pa sana ko ulit ng bigla'ng itaas ng lahat ang kamay nila. Lahat yun may lamang lukot na binilog na papel. Paper balls ang tawag dun, yung bilog na bilog sa kakalukot at parang sing-laki ng mansanas. Lahat sila naka-amba na sakin. Patay! Nakita ko si Keifer na nag-smirk.Tumayo sya at pumorma na parang babato sa baseball game. Nanlaki yung mata ko sa itsura nya.Anung pinasok mo Jay-jay? Napalunok nalang ako at napapikit ng makita kong ibato nya yung paperball sakin. Matapos tumama sa muka ko, sunod sunod na ang paper balls na naramdaman ko. "Aarrrggghhhh..." Sigaw ko Hindi naman masakit pero hindi ako nakapalag at makagalaw sa sobrang dami. Kasabay ng pagbato nila ay mga tawanan. "Sige pa.. hahaha'" "Marami pa dito." "Hahaha." Ang alam ko more than 15 lang sila pero bakit parang more than 100 yung bumabato sakin. "Aarrgghhhhh... Anu ba?!" sigaw ko sa kanila pero walang talab yun syempre. Wala akong nagawa kundi kuhanin ang bag ko at mabilis na tumakbo palabas ng room. Hangang pinto binabato pa nila ko pero tumigil din sila ng makalabas nako ng tuluyan. Hindi rin ako tumigil sa pagtakbo hangang sa makalayo ako sa mismong building. Grabe sila sakin! Sana pala hindi ko nalang sinagot yung Keifer na yun. Lunch time naman na kaya naisipan kong dumiretso sa cafeteria para mag lunch. Pumasok ako sa loob at pumila. Busy-busy ako sa pag tingin habang nakapila ng may marinig akong pamilyar na boses. "Nakakatawa talaga yun.. Hahaha.." si Rakki at mga classmate nya. Agad akong tumalikod sa kanila. Bakit ang haba ba nitong pila na to?! "Hey Rakki.." Dinig kong may tumawag sa kanya. Hindi naman sa tsismosa ako pero hindi ko maiwasan na hindi makinig. "Watsup Mykel?" Bati ni Rakki. "Balita ko nakaharap mo daw yung transferee.. Anu masasabi mo?" Ako yata yun? Pinag-uusapan nila ko. "Uhmmm.. She's pretty and a little nob." Matutuwa ba ko? Pinuri ako at the same time ininsulto. Anu kaya yun? Bakit ba ang slow nitong pila? "Hahaha.. What do you mean?" "Sa section namin sya pumasok instead na sa room ng Section E." Bigla nalang sila nagtawanan at pati mga classmate ni Rakki. Nakakahiya! "Nakakahiya ata yun.." Sinabi mo pa! Umusad na yung pila at nakarating na ko kay Ate'ng tindera. Dalawang meal yung binili ko at alam kong mapapalaban ako. Bumili narin ako ng malaking Piattos, Nova at Cheappy. Pina-take out ko lang lahat dahil wala akong balak ipakita yung sarili ko sa Section C. Kakahiya kaya! Nakuha ko na yung binili ko at mabilis akong naglakad papuntang pintong cafeteria pero napatigil ako ng makasalubong ko si Aries. Pinsan ko. Agad na nagsalubong yung kilay nyang makita ako. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Lagot na! "Hey Aries! Dito!" Sigaw ni Rakki. Pero hindi rin sya gumagalaw at kahit ako ganun rin. Naramdaman kong may lumapit samin hangang sa... "Jay-jay? Andito ka pala." bati ni Rakki sakin. "...Guys andito yung transferee." Inakbayan ako ni Rakki at iniharap sa mga tao sa cafeteria. Huli na para pumalag ako. "She's Jay-jay Yung sinasabi ko kanina." Pakilala ni Rakki. Napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung kanino ako dapat mahiya. Sa mga tao ditoo kay Aries. Lumayas kasi si Aries sa kanila ng malaman nyang sa kanila na ko titira.Hindi maganda ang relasyon namin dahil sa mga pinag-gagawa ko dati. "So Jay-jay... How's your experience with Section E?" Tanung nung isang lalaki. Sya ata yung Mykel. Hindi ako makasagot. Ayokong sabihin sa kanila na pinag-tripan na ako ng buong Section E. At baka isipin din ng section E na nagsusumbong ako. "A-ayos lang... M-mabait sila sakin."Sagot ko habang nakapilit ng ngiti. "I think that's a lie. Section E are all barbaric. They have records inside and outside of school." sabi ni Rakki. Nalukot ang noo ko sa narinig ko.Grabe naman sa Barbaric. Halimaw lang ang datingan. "No need to worry... Jay will fit well on that Section." Aries said. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anung ibig nyang sabihin dun. Alam kong mapapahiya lang ako dito ng ilang beses pa. Inalis ko yung pagkaka-akbay ní Rakki sakin ng dahan-dahan. "R-rakki.. Kailangan ko na kasingumalis. Pasensya na." Hindi ko na hinintay sagot nila. Agad akong umalis ng cafeteria. Ewan ko ba sobrang nakakailang yung atmosphere dun. Nahihiya din kasi ako kay Aries. Dati akong pala-away sa dati naming school. Broken family kasi kami kaya nag-rebelde ako. Kinuha kasi ako ni Lola para alagaan at pagbabaka-sakali na magiging maganda ang buhay ko sa kanya pero wala ring naging epekto yon. Hangang sa inatake si Lola sa puso ng dahil sa pakikipag-away ko. Nagalit yung mga tita ko sakin, except kay Tita Gema----Nanay ni Aries. Sya lang nagparamdam sakin na hindi ko kasalanan lahat. Dahil sa nahiya na ko kay lola,nagpaaalam na kong aalis na lang.Kinuha ako ni Tita Gema dahil wala naman daw silang anak na babae.Pumayag ako at nangako na rin kay Lola at sa iba pa na aayusin ko na yung buhay at sarili ko. Pagdating sa kanila akala ko magiging okay na rin ang lahat pero nagalit si Aries ng makita ako. Kung hindi daw ako aalis sya nalang daw. Wala namang ginawa si Tita kaya umalis si Aries at dito nalang kami nagkita. Sobrang hirap para kay Tita Gema yun.Ramdam ko at hindi nya kailangang sabihin. Kung alam lang ni Aries na nagbago na ko. Nakarating ako sa building ng Section E ng hindi ko namamalayan. Teka! Hindi pa ko pwedeng pumasok don.Sure akong pagtitripan nila ako at hindi ako makakain ng maayos. Tumingin ako sa paligid ko. Naisip kong kumuha ng table at bangko na medyo matino pa sa paningin ko at dun ako pumwesto para kumain.Binuksan ko yung unang meal na binili ko. Nilagyan ko na rin ng panyo yung blouse ko. Baka matalsikan ng ulam,mahirap na. Simpleng blouse na may black necktie at paldang two inch above the knee ang uniform namin. Sa necktie na ka indicate kung anung year na kami.Meron stripe na kulay white. Dahil fourth year na kami apat na stripes. Naubos ko na yung unang meal at bubuksan ko na sana yung pangalawang may humablot dito. Mabilis, daig pasi Flash. "Akin na lang toh!" Sigaw nung umagaw ng meal ko. Sure akong classmate ko sya. Wala na kong nagawa. Naglapitan narin yung ibang classmate namin sa kanya at parang mga patay gutom nanakipag-agawan. Nakita ko si Keifer na nakasandal sa pader. Nakatitig lang sya sa mga classmate naming nag-aagawan. "Mamigay ka!" "Pahingi kami!" "Akin to!" Mga patay gutom talaga. Hindi ba sila nagsipag-lunch? "Pagpasensyahan mo na, gutom lang ang mga yan." sabi ng kung sino. Napatingin ako sa nagsalita na Ngayon ay katabi ko na Kabuti? Pasulpot-sulpot lang ? Sya yung isa sa nakausap ko kanina.Yung kasama ni Keifer. Kulay brown ang buhok. "Ako nga pala si Felix..." pakilala nya at nilahad ang kamay. Pero hindi ko sya pinansin. Anu sya swerte? Matapos nila kong iligaw kanina. Manigas! Kinuha ko nalang yung malaking Piattos sa bag ko. Bubuksan ko pa lang yun ng bigla na namang hablutin ng kung sino. "Hoy Aba!" Sigaw ko. Nawala na ang kawatan. Natabunan na ng mga patay gutom naming classmate anu ba yan! Anu ba tong mga classmate ko?Buwitre? Daig pa agila sa pagdagit ng pagkain. "Hahaha... Wag ka munang maglabas ng pagkain." Sabi nung Felix. Iritable ko syang tinignan. "Anu bayang mga classmate mo? Patay guts lang?" Natawa sya sa sinabi ko. "Hahaha Medju." Pakiramdam ko na-drin lahat nang pagkain ko sa inis sa mga classmate ko. Ikinalat lang nila sa lapag yung mga pinagka-inan at pinagbalatan. Gutom na gutom lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD