Crush
Jay-jay 's POV
Na-stroke ata ako! Muntik na kong hindi makagalaw kanina. Buti nalang tinawag na ko ni Ateng tindera. Baka hindi na ko nakagalaw ng tuluyan sa harap no'ng Kiko na yun.
Bakit ba may mga ganun ka-gwapong nilalang?
OA man yung pagka-gwapo na sinasabi ko. Gwapo kasi talaga!
Yung kulot na medyo mahaba nyang buhok, mahabang pilik-mata, kulay brown yung mata, jaw line that fits perfectly on his face, kissable lips and samahan pa ng tanned color nya.
Ahh diba? Gwapo? Napapa-english pako sa pag-describe!
Kasalukuyan akong nasa second floor ng building ng Section E. Sa dating pwesto ko. Kumakain ako mag-isa dito.Hindi ko alam kung saan pumwesto si Ci-N. Pagka-abot ko kasi sa kanya ng pagkain, mabilis pa syang tumakbo kay FLASH paalis. Kakaibang bata!
Tapos na kong kumain at nililigpit ko na yung baunan ko. Tutal maaga pa naman, naisip kong silipin yung mga kwarto dito sa second floor. Na-curious lang ako sa kung anong meron dito bukod sa basura.
Apat yung mga kwarto dito na may tig-dadalawang pinto. Marumi na yung mga kwarto, basag-basag yung mga jalusy, sira-sira na rin yung mga lamesa at bangko. Pwede pa rin naman sana ng pakinabangan kung aayusin lang at papalitan mga gamit.
Pumasok ako sa isa sa mga room.Maraming nagkalat na papel sa sahig. Lalabas na din sana ako para silipin yung kabila ng may mapansin akong sobre na kulay Pink at may heart design sa sahig. Ang cute kasing pag-kaka-ayos nya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi paki-alaman.
Pinulot ko yun at pinagpag. Makapal na kasi yung nakabalot na alikabok.Binuksan ko yung sobre at nakita kong may sulat pa sa loob.
Hindi naman sa paki-alamera ako.Pero nangangati kasi yung utak ko na malaman yung laman. Tsaka isa pa wala namang may-ari nito.Kung meron bakit iniwan dito?Ibig sabihin ayaw na nya. 0 pwede ring hindi natanggap nung dapat makakatanggap.
Hmpf! Bahala na nga!
Buksan ko nalang!
Stationary pa yung gamit nung nagsulat at halatang babae dahil sa ganda ng pagkaka-sulat.
Dear Calix,
HAPPY MONTHSARY!! I🫶U
Pasensya kana eto lang nakayanan ko para sa monthsary natin. Pinag-iipunan ko na kasi yung gusto mong sapatos, at promise ko sayo na yun yung ibibigay ko sayong regalo sa birthday mo.
Gusto ko sanang sabihin sayo to ng personal kaya lang natatakot ako kasi lagi kang galit kaya idadaan ko nalang sa sulat.
Calix, nagpapasalamat ako sayo kasi ako yung pinili mo sa dami ng naghahabol sayo at kahit sekreto to, masayang masaya ako. Wag kang mag-alala kasi hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na iba talaga yung girlfriend mo at marami kang babae.Mahal na mahal kita at malaki yung tiwala ko sayo.
Sa totoo lang minsan naiinis na ko sayo kasi minsan na nga lang tayo magkita hindi mo pa ko pinapansin pero syempre hindi naman kita matitiis. Lagi mo tatandaan na kahit anung galit or inis ko sayo, isigaw mo lang na mahal na mahal mo ko mawawala lahat ng yun.
Mica s
Bakit parang pamilyar tong Calix?Classmate ko ata to eh! Ewan! Hindi ko pa naman kasi sila ganun kilala.Kahit konti lang sila nakakatamad ding alamin pangalan nila ah. Malalaman ko din naman siguro yon sa mga susunod pang araw.
Pumapag-ibig?! Feeling ko babaero tong Calix na to. Ewan lang, hindi dapat ako manghusga pero feeling ko talaga eh. Malakas na kutob at paniniwala base na rin sa sinabi nitong Mica sa kanya. Sino kaya tong Mica na to? Dati rin kaya syang Section E?o baka nag-room dito bago maging tambakan ang lugar na to.
Binalik ko yung sulat sa loob ng sobre. Balak ko sanang ibalik sa sahig kaya lang parang bigla akong nagdalawang isip. Wala din namangmay-ari nito kaya akin nalang. Kunwari may nag-bigay sakin, hehe. Kaya sinilid ko nalang sa bag.
Lumabas na ko ng room at sinilip yung kabila dahil maaga pa naman.Kaya lang saradong sarado yung room pati mga bintana may pintura at saradong sarado din. Anu kaya meron dito? Bakit kaya isinara?
Tumunog na yung bell. Agad akong bumaba baka malate na ko sa susunod na subject. Buti nalang at malayo tong room namin sa civilization. Late na rin kasi nagsisidating mga teacher
Nakita ko yung mga classmate kong mukang lantang gulay. Wala si Yuri kaya feeling ko hindi sila napakain. Si Yuri pala kasi nag-dadala ng pagkain para sa kanila dahil nga syempre sila din ang dahilan kaya hindi na sila maka-punta sa cafeteria.
Si Ci-N naman smiling face as usual.Si Keifer naman naka-poker face lang habang may subong lollipop. Nakita ko si Felix na naka-pout sakin at parang tutang nanghihingi ng pagkain sa amo nya. Naawa naman ako kaya kahit iisa lang yung baon kong chutchirya binato ko na sa kanya.
Biglang nabuhayan yung mga classmate ko. Kaya lang halatang walang balak mamigay tong si Felix.Madamot din ang kumag!
Nagsitingin sila sakin at mga naka-poppy eyes pa. Kaya lang nag-sign lang ako ng wala sa kamay ko.
Kaya mga nagsi-yuko nalang ang mga luko.Kulang nalang umiyak na sila dahil sapag-mamaka-awa.
Naupo na ko at naghintay ng klase.Habang naghihintay parang may naramdaman akong malamig sa upuan ko pero hindi ko na din pinansin kasi nawala din. Baka lumamig lang ang upuan ko dahil sa tagal kong nawala.
Habang nagka-klase, alam mo yung pakiramdam na pinag-tatawanan ka?Kapag tinignan mo naman kung sino yung nagsisi-tawa, wala naman akong makita.
Nababaliw na ata ako!
Kahit sa mga sumunod naming klase ganun din ang eksena. Bakit ba kasi?Anong meron? Nang-iinis na naman siguro tong mga to!
Mga impakto!
Natapos ang klase at naglalabasan na nga mga classmate ko. Nag-aayos pako ng gamit kaya medyo nahuhuli ako.Nung matapos na ko at akmang tatayo,may mali.
May mali talaga! Sumasama yung upuan sakin. Tinignan ko yung puwetan ko at...Shit! Nakadikit yung palda ko sa bangko.
Nakarinig ako ng nagtatawanan sa harap malapit sa pinto. Si Keifer naka-smirk at sila Felix at mga kaklase nya nagtatawanan. Mga hayop!Nilagyan ng glue yung upuan ko!Animal!
Kingina this!!
Tinangka kong alisin pero ayaw talaga.
Naknang!
Tinignan ko ng masama si Keifer.
"Don't look at me like that...I don't know anything about it." Sabi nya at nag-smirk ulit.
"Mga pisti kayo!"
Bigla silang nagtawanan ng malakas dahil sa sinabi ko.
Lumapit sakin si Ci-N. "Anyare sayo?"
" Ci! Tulungan mo ko!" Sigaw ko habang tinatangkang humiwalay sa bangko.
Tinangka nya kong hatakin. Ipinatong nya pa yung isang paa nya sa bangko at hinatak ako.
"Ayaw eh!" Reklamo nya.
"Ci-N! Hayaan mo na yan dyan!Umuwi na tayo!" Sigaw nung isa sa nakikitawa.
Animal! Pvtang'na kasi!
Tumingin sakin si Ci-N tapos ngumiti."Uuwi na daw kami."
Lintik na lalaki to! Nang-aasar ata!
"Kingina! Iiwanan mo ko matapos ang lahat!"
Biglang naghiyawan mga classmate namin. Putik! Binigyan ng ibang meaning yung sinabi ko!
"Joke lang! Iiyak ka naman agad!"Sabi ni Ci-N habang natatawa.
" Hayop! Kapag nalaman ko kung sinong may gawa nito! Babalatan ko sya ng buhay!" Galit na sigaw ko.
Nagtawanan ulit sila ng malakas nakinainis ko ng husto. Mga hayop men!
Pinilit ulit akong hatakin ni Ci-N pero pati sya halatang nahihirapan. Lalo lang lumalakas tawanan ng mgahayop!
"Jay, panu ba yan? Ayaw talaga!"
Aba! Gagalitin ako nitong Ci-N na to!
Pinandilatan ko sya ng mata."Seriously? Susukuan mo ko dito?!"
"Eh kasi..." Bigla syang tumawa ng malakas. "...Wag mo ko pandilatan,ang pangit mo."
Buset! Gagalitin talaga ako!
"Ci-N!! Mapapatay kita!"
"Kung makaka-alis ka dyan bago ako maka-uwi" Paghahamon nya.
Tungunu!! Kumukulo yung dugo ko mga 45°C!!
Tumingin ako sa grupo ng mga boys nananunuod pa rin samin. Nagtatawanan pa rin sila at ang mga hayop..Naka-video na kami!
Wala na kong pagpipilian. Aabutin kami ng gabi dito, unless kung...
"Hubarin mo nalang kaya paldamo." Suggest ni Ci-N habang naka-ngiting nakaka-luko.
Biglang nahiyawan ang lahat at may sumipol pa. Mga Animal!
Nalukot na sa galit yung muka ko."Pvtang'na! Seryoso ka dyan?!"
Tumawa na naman sya ngmalakas. "Joke lang!"
Hayop to! Naiiyak na ata ako sa inis!Kabusit! Mauubusan ako ng dugo sa mga ito!
Pero may point sya, pwede ko hubarin.Naka-sikeling na itim naman ako.Medyo maikli pero muka namang shorts short.
Sinubukan kong kapain yung zipper sa likod pero may problema, kalahati langyung pwede buksan kasi kasamangnaidikit yung kalahati.
Shutanginames naman! Ugh!
Wala na talaga! Mukang iuuwi ko tong bangko sa bahay namin. Nauubusan nako ng paraan hangang sa mapatinginako kay Felix. May utang na loob pasakin tong hayop na to! Ilang beses ko sya binigyan ng Nova!
"Hoy Felix!" Tawag ko.
Tumingin naman sya samin. "Hmm?"Sagot nya sabay turo sa sarili.
"Ay hindi, hindi naman ikaw si Felix diba?" Sarkastiko kong sabi.
Pagtawa lang ang sinagot nya sakin.
"Lumapit ka dito Felix!" Sigaw ko.
Tinignan muna nya si Keifer bago lumapit samin. Anu yun? Nanghingi ng permiso?
"Bakit?" Tanung nya paglapit samin.
"Tulungan mo si Ci-N! Alisin nyo ko dito!" Utos ko. Bubuka palang sana ang bibig nya para pumalag pero inunahan ko na. "..May utang na loob ka sakin! Ilang beses kita binigyan ng pagkain!"
Nag-isip naman sya sandali sa sinabi ko. "Okay... I'l help you!"
Hinawakan nya ko sa braso, si Ci-Nnaman pumwesto sa likod para hawakan yung bangko.
"Okay.. On the count of three--."
Putol ni Ci kay Felix. "Is it after three or on exactly three..."
Sinigawan ko sya. "ON FVCKINGTHREE!"
Nagnod naman sila pareho atpumwesto ulit.
"One... Two... THREE!" Sabay-sabay naming sigaw.
Yung feeling ng nakalaya ka. Masaya sana kayalang kasabay kasi ngpaghatak nila, eh yung tunog ng napunit na damit. Punit eh! Punit talaga! Hindi ko na kailangang itanung kung anu yun.
Hindi ko na rin kailangang lumingon para tignan ang reaksyon ni Ci-N.Ramdam kong maligaya sya sa
"Wow.. Nice ass."