Tahimik na nakatanaw lang sa hardin si Zanya mula sa balkonahe ng kwarto n'ya. Alas nueve na ng gabi pero nagkakasarapan pang magkwentuhan ang mga kalalakihan doon na mga pinsan at kuya Ethan n'ya pati na rin si Brandon. Hindi s'ya makapaniwala na ikinasal na s'ya kanina lang na singbilis ng kidlat - na s'ya rin ang may kagagawan. Ang balak n'ya ay para makaiwas sa mga selebrasyong tulad nito dahil hindi naman niya gusto ang pakikipagkasundo ng mga magulang sa pamilya ni Brandon. Pero heto at nagkakasayahan pa ang lahat. Ang isa sa ikinagugulat n'ya ay ang maayos na pagtanggap ng lahat kay Brandon. Totoo namang wala din s'yang maipipintas sa lalaking pinakasalan kung hindi ang paminsan-minsan nitong pang-iinis sa kanya. Tila mahihirapan s'yang tapusin ang kasunduan nila kung ganito

