Tahimik lang si Zanya hanggang sa makasakay sila sa kotse ni Brandon. Hindi n'ya alam kung bakit niya kinakatakutan kapag nagtataas ng boses ang binata o kapag nagagalit ito. She should be dominating him, not the other way around. Pero tila tinototoo nito na hindi n'ya ito mapapasunod sa gusto n'ya. Gusto n'yang umatras at bawiin ang pagpapakasal dito pero narinig n'yang kausap na nito ang judge na pupuntahan nila mamayang hapon. She can't turn her back anymore. "My mother wants to meet you at lunch time," wika nito pagkaraan ng ilang sandali. Hindi rin n'ya alam kung ano ang dapat isagot. This is getting complicated than she thought. "Gusto ko lang linawin na hindi ito totoong kasal. At hindi tayo magiging totoong mag-asawa," wika niya kay Brandon sa halip. "Take your share i

