Alam ni Zanya na pinagtatawanan ni Brandon ang mga reaksyon niya kaya s'ya lalong naiinis. Nagugutom s'yang talaga pero hindi s'ya makapag-concentrate sa pagkain dahil panay ang pang-aakit nito. "What's your perfume?" "Bakit na naman?" naiinis niyang tanong dahil nabitin na naman ang pagkain niya ng baked scallops. Para silang bata na nagkukulitan sa restaurant. "It was like wine. Nakakalasing." Sinamyo pa nito ang buhok niya na lalong naglapit sa kanilang katawan. Gusto niyang umatras pero giniginaw siya sa lamig ng aircon at nakakatulong ang katawan nito para hindi s'ya lamigin. O dahil gusto niya ang pagkakadikit nilang tulad nito. "Kumain ka na, Brandon, gutom lang 'yan." "What's your favorite food?" "Ano 'to slam book?" inis niyang tanong sa pagitan ng pagnguya. S

