"Kumusta ka naman? Maayos ka naman ba dito?" tanong ni Melba sa kaibigan niyang si Esmeralda. Sumunod si Melba sa kaniya para maghanap ng trabaho. Mabuti na lang pumayag si Archer kaya parehas na silang server. Bigla rin kasing nakilala ang restaurant nito dahil na rin sa masarap na pagkain kaya naman kinailangan pa ng ilang server. "Oo.. mabuti na lang malaki- laki itong bahay ni tita Analyn kaya ang gaan kumilos dito. Ikaw ba? Saan ka nangupahan?" wika naman ni Esmeralda. "Malapit lang din dito. Talagang naghanap ako ng malapit lang dito para madali lang kitang mapupuntahan. Siya nga pala, panay yaya pa rin ba sa iyo si sir Archer na kumain kayo sa labas?" Mabagal na tumango si Esmeralda. "Oo. Kakain lang daw kami at hindi naman daw ako ang kakainin niya. Bakit daw ang arte ko. Nata

