Mula sa loob ng isang mamahaling restaurant ay kasalukuyang nakaupo si Mrs. Smith at naghihintay sa pagdating ng tao na ipinasundo niya sa kanyang mga tauhan. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating din ang taong inaasahan. Si Margareth, ang nobya ng kanyang anak na si Hareth, descente itong tingnan mula sa magandang kasuotan na napapalamutian ng mga mamahaling alahas. Maganda ang dalaga kaya hindi niya masisisi ang anak na mahumaling dito. Luminga-linga ito sa paligid na wari mo ay may hinahanap at ng makita nito si Mrs. Smith ay biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga kasabay ang paglitaw ng isang magandang ngiti sa kanyang mapupulang mga labi. Tuwid itong naglalakad na wari mo’y isang modelo palapit sa lamesang okupado ni Mrs. Smith at sinisigurado na sa bawat kilos nito ay kaaya-a

