Chapter 21

2060 Words

Aria’s POV Para akong ipinako sa aking kinatatayuan ng tumambad sa aking harapan ang napakaraming tao na pawang nakasuot ng magagarang kasuotan. Napatakip akong bigla sa aking mukha gamit ang mga kamay ko dahil sa labis na pagkasilaw mula sa mga bagay na nag kikislapan sa aking harapan. Nang mga sandaling ito ay parang gusto kong tumakbo pabalik sa loob ng bahay at magkulong sa kwarto. Natauhan lang ako ng maramdaman kong pumulupot ang isang matigas na braso sa aking baywang. Hinapit niya ako palapit sa kan’yang katawan, nag-angat ako ng mukha at tumingin sa mga mata nito. Tila nais sabihin ng kan’yang mga mata na magtiwala lang ako sa kan’ya, kaya pinuno ko ng hangin ang aking dibdib bago ito pinakawalan. Yumakap ang kaliwang braso ko sa katawan ng aking asawa at mahigpit na kumapi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD