Chapter 53 Book two- Ikalimang kabanata

1614 Words

Hareth’s Point of View “Kringgggg...” naalimpungatan ako ng marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock, naiinis na inabot ko ito at saka pinatay bago bumalik sa pagtulog habang nakahambay ang aking hita sa isang puting unan. Ngunit ilang segundo pa lang ang lumipas ay muli na namang nag-ingay ang maliit na alarm clock. “s**t!” Naaasar kong mura bago padabog na bumangon at dinampot ang alarm clock saka malakas na ibinato ito sa pader kaya nagkalat sa sahig ang ilang parte nito. Akmang babalik na sana ako sa higaan ngunit pagpihit ko paharap sa direksyon ng pintuan ay nagulat ako ng biglang bumulaga sa aking harapan ang isang magandang babae na nakatayo sa may pintuan. Blangko ang mukha nito habang naka stand straight ito at nasa likod ang dalawang kamay na wari mo ay isang militar,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD