Aria’s POV Pagsapit ng hating gabi ay biglang bumukas ang pintuan, mabilis akong bumangon at sumiksik sa pader ng pumasok si mama Lyra sa loob ng aking kwarto. Hindi ito nag-iisa dahil mula sa likuran nito ay nakasunod ang isang may katandaan ng lalaki. Tanging ang ilaw mula sa labas ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko kaya bahagya pa akong nasilaw dahil hindi sanay na makakita ng liwanag ang aking mga mata. “Sigurado ka ba na hindi ako sasabit sa babaeng ito Lyra?” Naniniguradong tanong ng matandang lalaki kay mama Lyra. “Ulila na yan, kaya wala ng maghahabol pa sa babaeng ‘yan, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa kan’ya at higit sa lahat ay birhen pa ang isang yan.” Nakangising sagot ng aking madrasta sa lalaki. Tila natuwa ang lalaki sa kan’

