Harris POV Napalingon ako sa pintuan ng bathroom ng maramdaman ko ang presensya ni Collin. Nahihiya na lumabas ito mula sa pintuan at hindi ko maiwasan ang matulala sa kagandahan niyang taglay. Bumagay sa kan’ya ang malaking t-shirt’s ko na umabot hanggang kalahati ng hita niya. Pinagamit ko muna kasi sa kan’ya ang damit ko dahil hindi pa dumarating ang mga pinabili kong damit para sa dalaga. Ang suot niyang panloob ay ang short trunks ko na itinali ko na lang ng mahigpit upang hindi siya mahubaran. “K-kuya, o-okay k-ka la-lang?” Nahihirapan niyang bigkas, bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses nito. Mabilis akong tumayo saka lumapit sa kanya at inalalayan ito na makaupo sa gilid ng kama. “Maupo ka muna at gagamutin ko ang mga sugat mo.” Anya bago kinuha ang medicine kit hab

