Aria’s POV “Mahigit isang linggo na akong namamalagi sa Mansion ni Harris, isang linggo na rin kaming nagkukulong sa kan’yang kwarto. Napakabuti niya sa akin at ni minsan ay hindi na niya ako iniwan, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kan’ya ang totoo kong pangalan. Natatakot kasi ako na matunton ng matandang lalaki na siyang bumili sa akin, ang kinaroroonan ko. Ayoko na ring malayo sa tabi ni Mr. Harris, kapag kasi nasa tabi ko siya ay nawawala ang takot ko sa puso ko at laging kampante ang pakiramdam ko. Nakokonsensya ako sa tuwing tinatawag niya akong Collin ngunit ito na lang ang tanging paraan na naisip ko para sa kaligtasan ko. “Anong iniisip mo? At kanina ka pa tulala.” Tanong ni Mr. Harris habang patuloy na gumagapang ang mga labi nito sa aking balat. “W-

